Sharmaine's POV
Heto ako nakatulala sa bintana. Iniisip yung nangyari kahapon sa campus.
Flashback
(Chapter 20: KISS)Uwian na namin at napagdesisyunan na namin ni staycie na maghiwalay ng daan dahil may pupuntahan pa raw siya.
Papunta ako ngayon sa parking lot ng school. dahil nandoon ang kotse ko.
Nang may mapansin akong dalawang bulto na naghahalikan. Doon ay parang nang hina ang tuhod ko.
Dahil nakita ko lang naman ang lalaking masasabi kong MAHAL KO NA . Oo mahal ko na siya nasigurado ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang sakit! Ang SAKIT pala pag nakita mo ang mahal mo na may kahalikang iba and worst kay Jeni pa.
Dahil hindi ko nakayanan yung view at parang anytime babagsak na ang luha ko. Lumapit na ako sa puwesto nila at---
*PAK*
SINAMPAL KO SIYA ng ubod ng lakas. Parang doon ko nilabas sa sampal na yun, yung GALIT na nararamdaman ko. Ganito ba alvin? Ganito ba gusto mo? Ang MASAKTAN AKO!
"Ang kapal ng mukha mo! Eto ba nanliligaw ha? At saka yung pag lalambingan niyo napapalampas ko pa, pero etong pag hahalikan niyo? Peste! Hindi na!"
*PAK*
At sa PANGALAWANG pagkakataon ay Nasampal ko na naman siya sa kabila .
Dahil sa sobrang sakit .. Binitawan ko ang salitang Madalas kong sinasabi sa mga lalaking naka palibot sakin.
"Simula ngayon Alvin, BASTED kana."
End Of Flashback
Nang sinabi ko yun. Parang pinagsisihan ko yung sinabi ko.
Naalala ko naman yung sinabi sa akin ni Staycie sa canteen kahapon bago siya tumayo sa kina uupuan niya."Bessy, pag isipan mo talaga yan, baka dumating yung time na nahuli ka na... Meaning may mahal na siyang iba."
Mga katagang ayaw kong alalahanin. Mahal na nga ba talaga niya si Jeni?. Paano na ako?
Naputol ang pag sesenti ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Bukas yan."
Sabi ko habang naka tulala."Hayss! Nandito kalang pala bes! Kanina pa kita tinetxt at tinatawagan ..hindi mo naman sinasagot yung txt at tawag ko. What happened ba?"
Sabi ni staycie . sabay upo sa tabi ko."Staycie, ..... Ang sakit. *sob* sobrang sakit.."
At last nagtuluan nalang ang mga luha ko. Na kanina pa gustong lumabas.
Niyakap naman ako ni staycie para icomfort.
"Bes, ano man yang problema na hinaharap mo, magiging okay din ang lahat."
Pagkatapos niya sabihin yun ay kumalas siya ng yakap sakin."Mall nalang tayo, pampatanggal lungkot."
Sabi niya habang naka ngiti.Napatingin naman ako sa suot niya. Kaya pala bihis na bihis siya. Napatango nalang ako. Dahil gusto ko din maglibang para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko ngayon..
"Wait nalang kita sa baba ha? Sige na maligo kana , pumapangit ka lalo ee pag umiiyak ka."
Sabi niya sabay make face sakin . na pang pangit xD . hindi ko nalang siya pinansin dahil gusto ko na pumunta agad ng mall.
(Fast forward)
. . . . .
@Mall
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...