Chapter 3 (AIKM)

260 10 0
                                    

Alvin's POV

Dear Mom,

       Nais ko pong sabihin sa inyo na
Ako'y umalis saglit dahil pupunta po
Ako sa party nila staycie. Kaya po ako sumulat para hindi na po kayo mag
ala-la uuwi din po ako kaagad.

                                   Nagmamahal,
                                    Alvin

"Pfft. Ahahaha! Woooh kakaiba talaga si little bro mom."
"Ewan ko ba diyan sa kapatid mo ! May pagawa gawa pa ng sulat!. Malilintikan siya sakin pag uwi niya."

. . .

Ano kaya magiging reaction ni mom pag nabasa niya ang sulat ko. Sana hindi siya magalit nagpaalam naman ako. Teka saan ba ako pupunta. Hindi naman sinabi sakin nila Darwin kung saan banda bahay nila staycie ee. Kaya naisipan ko nalang kunin ang phone ko sa bulsa para itext si darwin.

(Sending failed)
Naku Wala nakong load ay hindi nga pala ako nagpaload. Sana tumawag si Darwin hindi ko kasi talaga alam kung saan ako pupunta.

*peep* *peep*

Nakita ko na may bumubusina sa likuran ko kaya nilingon ko. Nakita ko ang kotse na huminto sa harap ko. At lumabas roon si Darwin.

"Oh pre? Hindi ka man lang nagtext  para masundo ka namin."

"Pasensya na."
"Aysst lagi ka nalang nag sosorry. Osya sakay na rito sa kotse."
Dali dali naman ako sumakay sa kotse niya pagpasok ko sa loob nakita ko si Matthew isa sa varsity sa campus namin pati na rin si Helga isa sa mga cheerleader sa campus. Nakita ko rin si Jennifer kaibigan ni helga. At si darwin naman na nagddrive.

"Oh bro? Akala ko hindi ka pupunta ee."
Sabi ni matthew.
"K-kasi tumakas ako sa amin."
Sabi ko habang nakatungo.
"Tumakas ka? Marunong ka nun? At sino nagturo sayo."
Sunod sunod na tanong ni helga.

"Eh sino pa ba edi ako."
Proud naman na sagot  ni darwin na may kasamang tawa.
"The best teacher talaga si darwin at good student naman tong si Alvin."
Sabi ni jennifer na dumidikit lalo sakin.
Ganto kasi ayos namin sa kotse.

Ako-Jennifer-Helga
   Matthew-Darwin

Habang nasa biyahe kami panay naman ang dikit nitong si jennifer sakin. Bakit kaya siya dumidikit sakin.

"Jeni may tanong ako."
Kaya napatingin na din si helga at matthew habang si darwin nagmamaneho pa rin.

"Ano iyon?"
"Bakit ka sobra makadikit sakin?"
"Haha!  Grabi hindi pa ata nahahalata ni alvin na ..."
Sabat ni matthew.
"Na ano? ".

Tanong ko kay matthew ee hindi ko naman talaga maintindihan ee.

"Hay nako tigilan niyo na yan at ikaw jeni tumigil kana kakadikit kay alvin kunti nalang oh bubukas na yung pintuan ng kotse sinisiksik mo ee."
Sagot ni darwin. Nakita ko naman na umayos ng upo si jeni.

20 minutes lang ang byahe at nandito na raw kami kila staycie. Sakto lang pala bahay nila. Kaya sabay sabay kami nagbabaan ng kotse at nagtungo na sa pinto. Nakita ko naman na pagka doorbell ni darwin ng tatlong beses ay bumukas ang pinto at lumabas ang babaeng naka sleeveless lang na color blue at naka short na maong.

"Oh kayo pala. Pasok na kayo nandoon si staycie sa pool at ready na ang lahat."
Nagsisunuran narin ang lahat pati rin ako . Nakita ko naman na grabi makatitig itong babae sakin . bakit? May dumi ba ako sa mukha?.

"Jeni bakit makatitig yung babae parang iba."
Bulong kong tanong kay jennifer.
"Aba malay at saka may pangalan yan si Sharmaine siya yung bff ni staycie"
Pagtataray na sagot sa akin ni Jeni. Hala bakit galit si jeni. Pabayaan ko na nga lang.

. . .

Nasa pool na kami sakto lang ang laki ng pool at may kubo malapit rito na may mga pagkain na at alak.

Dumaan ang ilang oras at nagpaparty na kami dito sa pool ang iba naliligo na ang iba kumakain at umiinom. Pero napapansin ko talaga yung tingin ni sharmaine. Grabi siya makatingin parang may halong galit.

A/N: naku hindi parin ata natatandaan ni Alvin  si Sharmaine.gumaganda pa ang kwento abangan ang next chapter.

#KwonYuri027

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon