Staycie's POV
Grabi ang lambot naman ng unan ko. Pero bakit parang ang tigas tapos ahh.. Basta. Naramdaman kong gumagalaw ang unan ko at parang teka? Parang hinahalikan ako sa leeg ah ? Bakit---
"WAAAAAH! MANYAK KA ! HAYOP KA !"
Pagbukas ko kasi ng mga magaganda kong mata tumambad lang sa akin ang nakatopless na si arthur.Oo nga pala! Magkatabi kami nito dahil sa dare. Pero siya yung humahalik sa akin at niyayakap ko?!
Waaah! Pinagsamantalahan niya ako!
"*aray* Teka.. wait uy staycie... *aray* wait!"
Sabi niya habang hinahampas ko siya ng unan na sobrang lakas!
"Peste ka! Hayooop ka! Manyak ka talaga! "
Sabi ko sa kanya. pagkatapos ay tinakpan ko ng comforter ang buong katawan ko. Oo nga pala naka two-piece padin ako. Napatingin naman ako sa pinto at nakabukas? Don't tell me kanina pa to bukas? At kanina pa ako napagsamantalahan ng hayop na ito! ..
"Hayop ka talaga! "
At sinimulan ko nanaman siya hampasin ng unan."Aray! Sorry na ! Staycie !"
Sabi niya na nag sshield pa gamit ang dalawa niyang kamay.
"Sira ulo ka ha! Sasabunutan kita!"
Oo SINASABUNUTAN ko siya ngayon dahil pagod na ako hampasin siya ng unan. Kaya sabunot naman. Alam ko nakakabakla to pero wala na akong maisip dahil. MANYAK TALAGA SIYA! .
"Ganyan na ba kayo maglambingan? Ang sweet!"
Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko sila shaina,hara at helga .
Kaya mabilisan akong lumapit sa kanila.
"Shaina! Huhuhu! Pinagsamantalahan ako ng hayop na yan!"
Turo ko kay arthur."Oy samantala ka diyan, ikaw nga diyan makayakap sa akin napaka higpit edi gumanti lang ako."
Gumanti?! Ee sira pala ulo niya! malay ko bang siya katabi ko! Akala ko kasi unan.
"Heh! Peste ka!"
Yan nalang nasabi ko sa kanya."Hay naku staycie, tara na sa comfort room, magbihis kana."
Sabi nalang ni helga.Napasunod naman ako sa kanila at sinamahan nila ako magpalit. Pagtapos ko magpalit nagpunta na kami ng dining room para kumain.
Pagkaupong pagkaupo ko ee kumuha na agad ako ng plato at nagsalin ng rice, tapos bacon, omellette,steak, balony. At nagsalin ng baso ng juice.
"Woaah! Bibitayin ka na ba mamaya ha staycie?"
Sabat ni daniel na kumakain nadin."Tss. Paki alam mo! "
Sigaw ko kay daniel. Well ganito talaga ako wagas kumain .
Napansin kong kumpleto na kami sa lamesa . after nung pagkain session namin isa isa na sila umalis dahil may pasok pa . At late na talaga kami.
Nang paalis na ako naramdaman kong may sumunod sa akin. Si darwin.
"Ihatid na kita staycie."
"Ah sige."
****
"Dito nalang darwin salamat."
Sabi ko kay darwin ng nasa harap na kami ng bahay ko.
"Okay ka lang ba staycie ? May nangyari ba sa inyo ni arthur? Sorry talaga kung hindi kita sinama---
"Ano kaba! Okay lang ako hindi ako ginalaw nun yung tipong alam na? Pero halik lang ginawa nun at yakap ee medyo carry lang. Pero okay lang talaga ako, at saka kahit papa-ano nag enjoy naman ako sa pool party."
Sabi ko sa kanya.
"Ganun ba, sorry talaga ha? Ganun talaga sila kasama malalakas ang trip."
Sabi niya sa akin.
"Haha! Pansin ko nga yung mga lalaki ako ang trip ."
Oo nga ako talaga trip sa spin the bottle palang kagabi."Dont worry hindi mo na ulit sila makakasama. Well madadaanan or makikita mo padin sila sa school."
Sabi niya.Ayy oo nga pala ka schoolmate ko sila. My goodness!
"Oo nga ee, pero hayaan mo na atleast hindi kami napunta sa puntong *toot*"
Siguro naman alam niyong *toot* na tinutukoy ko nuh? Hay naku muntikan na talaga yun. Manyak talaga yung Arthur na yun!
"Haha! Oo nga ee, hays hindi ko talaga alam gagawin ko pag may nangyari sayong masama."
Aba? Possesive?
"Ah hehe, sige baba na ako, salamat ulit sa paghatid."
Sagot ko na lamang sa kanya.Bakit ano ba dapat sabihin ko ha?! Sabihin niyo nga! Aysst..
"Basta ikaw, ingat ka."
"Ikaw din."
Sabi ko.Matapos ang paalam session namin napansin kong umandar na ang kotse niya .
Hays buhay . hayop talaga yung arthur na iyon! Pag nakita ko talaga mamaya sa school yun kokotongan ko naman!
Ang kapal niya! Well kahit papano nakalimutan ko ang nangyari or nararamdaman ko para kay mark dahil sa mga bago kong nakilala.
Pero bago muna yun, Makaligo na nga lang .. at mag reready na ako mamaya. Sa 3rd subject nalang ako hahabol mamaya yung pang 10am. Tutal 7am na ee .
---------
A/N: sorry kung Maikli ang update.
Wala ako maisip ee :*#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...