Chapter 10 (AIKM)

180 7 0
                                    

Sharmaine's POV

"Sharmaine gising na."
Napamulat naman agad ako ng mata ng inaalog ako ni alvin.
Pagkagising ko nag unat muna ako.
"Bakit?"
Sabi ko habang kumukusot ng mata.
" maaraw na oh uwi na tayo."
Napatingin naman ako sa sinabi ni alvin. Oo nga umaga na naku yari na talaga ko nito kay momy.

Dali namang tumayo si alvin at lumabas ng kubo kaya napasunod narin ako . habang naglalakad kami sa gubat ilang minuto natatanaw nanamin ang kotse. Buti nalang  walang nagtangkang nakawin to.

"So ano na gagawin natin?"
Tanong ko kay alvin.
"Magtulak.".
Sagot agad niya.
"Magtula--- ano?! Mag isa ka ! At saka lalaki ka ikaw magtulak tapos ako mag mamaneho ng kotse. Tutal marunong naman ako."
At ganon na nga ang ginawa namin siya ang nagtulak sa likod at ako ang nagmaneho. Lumipas ang ilang minuto nakakita rin kami ng gas station. Kaya nagpagas na kami pagkatapos ay nagpalit na kami ni alvin ng puwesto at siya na ang nagdrive.

"Pasok ka muna sa bahay sharmaine."
Ha? Papasok ng ganto ka aga ano kaya iisipin ng magulang nun.
Kaya napasunod nalang ako kay alvin pagdating namin sa loob makikita mo roon sila tita Virgie at Ate Aly .

"Lil bro? Sharmaine?"
Palipat lipat ang tingin ni Ate Aly saming dalawa at may halong pagtataka.

At dahil doon napatungo ako sa hiya. Ano kaya iisipin nito .
"Oh alvin bakit ngayon ka lang umuwi natututo kana umuwi ng madaling araw ah pinalampas ko pa yung sa pool party tapos ngayon ? Inutusan ka lang na bumili ng pagkain sa groceries inumaga kana?."
Mahabang suhestisyon ni Tita virgie.
Nadako naman ang tingin niya sakin at ngumiti.
"Sharmaine ang aga mo ata bumisita? halika magbreakfast tayo."
Kaya naupo na lang ako doon sa isa sa mga bakante. Habang si alvin parang namumutla? Ahh siguro dahil sa sermon ng momy niya.

Kumain kami ng araw na iyon pagkatapos ay inihatid ako nila alvin at ate aly sa bahay. Grabi late na talaga ako. Aysst bahala na nga.

"Saan ka galing? Bakit ngayon kalang umuwi?"
Harang sakin ni momy sa pintuan. Pagpasok ko palang ng bahay.
"Pati ba naman yan sasagutin ko? Momy pagod ako."
Sagot ko ng malampasan ko siya.
"Pagod ka? Lagi ka nalang ba uuwi dito na laging pagod? Inumaga kana nga ee. Tapos tinakasan mo pa kami kahapon hinahanap ka tuloy ni Harold."
Harold  ? Yung manyak na yun. Aisst di ba napapansin ni momy kung paano makatingin yun sakin ?.

Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko. At pagpasok ko dun nahiga na ako sa kama matutulog muna ako . mamaya nalang ako lalabas.

...
Ilang oras din ako nakatulog pag gising ko mga 6pm na ng gabi. Grabi ang tagal palang ng tinulog ko.

Maya maya hinahanap ko ang phone ko. At naalala ko pala na kay momy yun.
Bahala na nga yun. Baka mamaya tanungin pa ako nun kung bakit ako inumaga.

Kaya naisipan ko nalang lumabas ng kwarto at pumuntang sala. Ano kaya magandang palabas ngayon.
Pag bukas ko ng tv gamit ang remote na nakalapag sa table. Ang palabas na makikita ay puro drama . Ang panget naman ng palabas kaya pinatay ko nalang yung tv gamit ang panaksak de joke gamit ang remote .

Lalabas muna ako para magpa hangin. Habang naglalakad ako sa labas napansin kong parang may sumisitsit sa akin ng napadaan ako sa madilim na parte.

Paglingon ko may tatlong lalaki akong nakita at kakaiba ang tingin nila . parang --- may balak silang masama sa akin nakita ko naman na papalapit sila sakin . Oh my god ! Help me please hindi ko alam ang gagawin ko. T.T bakit kasi biniyayaan ako ng kagandahan .

At saka paano nakapasok ang mga tambay dito sa village ee private to. Grabi ang papangit nila muka silang unggoy.
Nang lalapit na ang dalawa bigla nalang may sumuntok dito. Hindi ko makita ang tumatalo sa tatlong mukang unggoy. Nakita ko ang mga pangyayari may isang lalaking kinaya ang tatlo at the end mga bagsak sila . oh em gee ang lakas niya. O.O

"Ok ka lang ba sharmaine?"
Sharmaine? Bakit niya ako kilala.
Teka namumukhaan ko to ah si - Alvin?

"Alvin?! Anong ginagawa mo rito?".
Nakita ko naman na may mga sugat siya sa mukha dahilan ng pagsuntok sa kanya ng mga unggoy. Aww ang mukha niya nasugatan . dahil sa pagligtas niya sa akin.

"May sugat ka."
Pag aalala kong tanong sa kanya.
"Ah wala to ang mahalaga nailigtas kita."
Saka naman siya tumalikod at nag simula ng maglakad paalis.

"S-sandali!".
Nang marinig naman iyon ni alvin ay nahinto siya at humarap sa akin.
"Bakit?"
Tanong niya na naka ngiti sakin.

*tug* *tug*

Hala ano nanaman itong nararamdaman ko. Bakit kapag ngumingiti siya feeling ko sakin lang yung ngiti na yun. Aisst umayos ka sharmaine napapraning nanaman ang puso mo pati utak mo pati lahat na . !

"A-ano g-gamutin kita t-tara sa bahay?"
Sagot ko sa kanya na nauutal pa .aisst mga salita ko parang kinakabahan parang pinag papawisan pa daig ko pa natatae opps xD sorry sa kumakain.

"Sige."
Kaya lumapit siya ulit sakin. Ah teka ano ba gagawin ko ay oo tama! Pupunta sa bahay. Kaya nagsimula na ako maglakad papuntang bahay narinig ko naman ang mga yapak niya na sumusunod talaga siya sakin pag karating namin sa harap ng bahay ay pumasok na kami sa pintuan nagtungo agad kami sa sala.

"A-ano umupo ka muna kukunin ko lang yung medical kit sa kwarto."

Napatango naman siya na naiintindihan niya ang sinabi ko. Kaya dali dali akong nagtungo sa kwarto ko at kinuha ang medical kit. Pag katapos ay pumunta na ako ng sala at naupo malapit sa kanya.

Naglabas ako ng alcohol at bulak at nag senyas na gagamutin ko na siya kaya napa nod nalang siya. Habang ginagamot ko siya hindi ako mapakali parang pinag papawisan pa rin talaga ako kaya kada dinadampi ko ang bulak na may alcohol sa mukha niya napapa "aww" siya kaya sinasabi ko naman sorry.

After kong linisin ang sugat niya. Nag prisinta na siyang umuwi kaya hinatid ko muna siya sa labas ng gate.

"A-Alvin."
Napalingon ulit si alvin.
"Ano yun?"
"Salamat sa pagligtas sa akin kung hindi ka dumating baka kung napaano na ako . ahm ano ba kasi ginagawa mo rito sa village?"
Sagot ko naman sa kanya.

"Ah kasi hinahanap ko yung bagong bili ni Ate Alyana na aso yung shitzu nakawala kasi.   Kaya ayon hindi ko alam nakarating na pala ako dito at saktong nasa panganib ka."
Mahabang paliwanag niya.

Ahh so aso pala ang dahilan -___- akala ko naman narinig niyang humihingi ako ng tulong . hay nako kung ano ano na naiisip ko. Well coincidence lang pala yun.

"Edi hindi ka pa uuwi?"
Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa hahanapin ko pa yun ee .sabi niya na may malungkot na boses.
"Hmm tulungan kaya kita? Tutal tinulungan mo naman ako ee."
Sagot ko sa kanya .
At saka utang na loob ko sa kanya ang buhay ko kaya ito lang yung way para mapasalamatan ko siya . di kasi sapat yung salitang "thank you" ee.

"Okay lang sayo?"
Tanong niya.
"Aba oo naman. So tara na."
Kaya nagsimula na kami maglakad at hanapin ang sinasabi niyang aso ni ate Alyana.

Ilang oras ang lumipas finally nakita naman ang aso at ang cute niya ha? Color white siya at may pagka balahibo. Natagpuan namin siya sa may park nag papahinga. Kaya dali dali siyang kinuha ni Alvin at kinarga.
"Nandito kalang pala Sharvin."
Sabi ni alvin habang hinihimas ang shitzu.
Teka ? sharvin ba kamo? Ganda ng name ah. Pang mayaman.

"Lalaki yung aso?"
Tanong ko kay alvin.
"Oo lalaki ."
Sagot niya habang hinihimas padin si Sharvin.
"Sinong nag pangalan sa kanya ate mo?"
Tanong ko ulit bakit ba curious ako ee.
Nag Nod naman siya.

Kaya ilang minuto lang umalis na kami sa park at nagpunta na sa bahay ko. Nagpaalam na siya sakin at sinabihan akong "sa susunod mag iingat kana ha" sa sinabi niyang yun parang nag karoon ng paru paro sa tiyan ko. Hala hindi kaya wala pa akong kain kaya ganito ako. Naku malala na talaga ako.

Nang matanaw kong malayo na siya ay saka na ako pumasok sa loob.

A/N: ang cute nung aso SHARVIN ang name .  ano readers? Nahuhulaan niyo na ba kung san nakuha yung name nung aso?.
Well abangan ang next chapter.

#KwonYuri027

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon