Chapter 53 (AIKM)

63 1 0
                                    

Sharmaine's POV

Matapos ko sa bar umuwi na ako. Hindi na nga ako nagpaalam sa pinsan ko. Kasi busy yun sa mga ka fling niya sa bar.

Kailan pa kaya kami magkikita ni Alvin. Try ko pumasok bukas para sabihin ang desisyon ko.

Papasok na sana ako sa pinto ng may marinig akong boses na parang may kausap.

"Oo wag ka kasi magmadali-- "

Dahil sa gusto ko malaman ang nangyayari sa loob. Binuksan ko agad ang pinto at si Vince ang nadatnan ko na may hawak na phone at parang may katawagan siya.

"Vince?"
Tawag ko sa kanya.

Nakita ko pang nagulat siya ng makita niya ako.

"Ah ..c-carla? Ha? Oo bye geh later na lang."

Sabi niya sa kausap niya bago niya ibaba ang phone. At tumingin sa akin.

"Sino kausap mo? At parang nakakita ka ng multo ng makita mo ako?"

"Ah ee ano kasi, ang g-ganda mo kasi."
Pag-iiba niya ng topic.

Pero may nararamdaman talaga akong
Hindi maganda. Parang may tinatago siya sa akin.

"Bola."
Sagot ko na lamang.

"Oh san ka galing, kanina pa ako nag aantay sayo."
Sabi niyang paupo sa couch ko.

"Kanina? Baka nagkasalisihan tayo, may pinuntahan lang kasi ako."

"Date naman tayo."
Sabi niya.

"Date?"
Pag uulit ko .

"Friendly date."

"Nang Ganitong oras? 10pm na oh."

Turo ko sa wall clock ko na nakasabit sa dingding.

"Bawal ba magdate sa hotel room ko? May sinet na akong dinner date."

"Talaga?"
Mangha kong tanong sa kanya.

Oo nga pala wala pa pala akong kain. Mula kanina.

"Oo, shall we?"

Tumango naman ako bilang pag sang-ayon.

***

Naisipan ko ng pumasok ngayon para makausap ko si alvin. At kung tatanungin niyo kung anong nangyari kagabi sa friendly date namin. Wala namang nangyari kumain lang at kunting usap.

Nakababa na ako sa harap ng school ngayon. Actually, nag commute lang ako isang oras pa nga ang binyahe ko para dito. Pero lahat naman yun tinitiis ko wag lang ako bumalik sa bahay namin.

Naglalakad ako ngayon sa hallway dahil pupunta akong room namin. Diba sabi ko nga papasok ako. Nakita ko naman si staycie na nakatulala habang naka-upo sa room. Kunti lang ang mga studyanteng nandoon siguro, dahil yung iba gumala nalang.

Pasimple lang akong pumasok para puntahan siya. Gusto ko lang isurpise siya. Namiss ko din tong babaeng to ee.

"Hi Cie!"
Sulpot ko sa harap niya.

Wagas naman kasi maka moment to with matching tulala pa. Nakita ko pang lumaki ang mata niya ng makita ako.

"S-sharmaine?! IKAW BA YAN HA?! OH MY GEE! IKAW NGA ! WAAAAAAH!"

Sabay damba niya sa akin ng yakap. Grabi naman makamiss tong bff ko wagas with matching sigaw pa. Ayan tuloy napatingin sa amin lahat ng mga studyante.

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon