Alvin's POV
(A/N: finally! Umeksena na siya!)
Nandito ako sa room. Tinitignan ang Picture ni Sharmaine na nasa may phone ko. Nakakamiss din pala tong babaeng to.
Pero naisip ko kailangan parin ba namin ipagpatuloy ni jeni yung pag papanggap? Well para saan pa .ee huling sabi sa akin nun. "BASTED KANA". Remember? Nung nasa parking lot kami ng school.
Oh diba ang sakit lang? . Naputol ang pagtitig ko sa picture ni Sharmaine ng may tumikhim sa harap ko.
"Pare? May katabi ka ba diyan?"
Tanong sa akin nung lalaking naka civilian.
"Wala ee, bakit?"
Tanong ko."Puwede diyan nalang ako? Yan lang kasi nakita kong bakante."
Sabi niya."Oo naman , para may makausap din ako."
Nakita ko naman siyang umupo sa tabi ko.
"Nga pala Im John Mark Gomez, you can call me Mark. Bagong transfer lang ako dito kahapon"
Ah kaya pala naka civilian.
"Alvin Cortez , Alvin nalang ."
"Vin nalang, para maiba-- teka? Ang ganda niyan ah? Girlfriend mo?"
Napansin niya pala yung hawak kong phone.
"Nope, nililigawan ko kaso hindi natuloy--"
Naputol yung pagsasalita ko nang magsalita yung teacher namin sa Math.
Naku kanina pa pala siya nandito? Bakit hindi ko namalayan?. Paano kasi busy ako kakatingin sa picture ni sharmaine.
"Excuse me? Yung dalawang boys na nasa likod? Puwede niyo bang ishare sa aming lahat yung pinag uusapan niyo?"
Tanong samin ng teacher.
"Ahh.. Ano kasi--
Pagdadahilan ni Mark.
"Stop! Now get out ! "
Sigaw sa amin ni maam.
"Ako lang Maam?"
Turo ni Mark sa sarili niya wag niya sabihing...
"DALAWA kayo."
Sabi ni maam.Awwts .sabi na ee.
"Sorry po."
sabay sabi namin ni Mark.Pagkatapos ay nagsimula na kaming umalis ng room. Kaya ngayon naglalakad na kami sa Hallway.
"Pare sorry nadamay kapa."
Biglang salita ni Mark.
"Naku, okay lang yun, sakto nga ee medyo naboring rin ako, alam mo FIRST time ko mapalabas."
Haha! Pinapatamaan ko siya. Totoo namang first time ko mapalabas. Pero masaya pala.
"Talaga? Naku nagkabad record kapa."
Sabi niya.
"Oo nga ee pero okay lang talaga."
Well okay lang naman talaga. Nakaka tamad din naman kasi magturo yung teacher na yun paulit ulit yung lesson kahit gets na naming lahat.
"Nga pala pare, sabi mo kanina hindi natuloy yung panliligaw mo sa kanya? Bakit?"
Nag ka interes pa pala siya alamin yun?
"Ah yun , hindi pa raw kasi siya sigurado sa nararamdaman niya para sakin."
"Ah, so nung nalaman mo yun anong ginawa mo?"
Aba? Mukhang interesado nga siya sa kuwentong pag ibig ko.
"Gumawa ako ng plano, na pagselosin siya.. nag hire ako ng girl na magpapanggap bilang girlfriend ko . ang kaso lumala."
Napakunot naman siya ng noo sa narinig niya.
"Paanong lumala?"
"Nasobrahan sa selos, ayun binasted ako."
"Kaya pala."
Sagot niya.
"Pero pare, gusto mo ng plano para pansinin ka niya ulit?"
Tanong niya sa akin.
"Plano? Naku baka pumalpak yan ah.."
Tanong ko sa kanya
"Ako pa! Lahat ata ng plano ko never pa pumalpak."
Hmm . osige papayag ako. Malay naman natin mag success diba?
"Osige ano bang plano yan?"
Interesado kong tanong sa kanya.
"Doon nalang natin pag usapan sa canteen , nagugutom na kasi ako, and my treat."
Yun! Libre! Igrab ko na yan.
May plano na may libre pa.
"Osige ba."
At nagpunta na nga kami papuntang canteen.
...
Mark's POV
Bwahahaha! Ansaya lang! Gusto kong pagtripan si pinsan. Nung una nagulat talaga ako na si sharmaine ang nasa picture at dahil sa na curious ako.
Nagpanggap akong hindi ko kilala yung babae sa phone niya. At dahil sa parang buddy ko na rin tong si Alvin ee tutulungan ko siya na mapalapit ulit kay pinsan kong maganda.
Kaya nandito kami sa canteen at nag simula ng kainin ang mga binili naming pagkain.
"So pare ano nga yung plano?
Biglang tanong sa akin ni Vin habang kumakain ako ng paborito kong burger. Nilunok ko muna yun kinakain ko bago ako nagsalita.
"Wow pare, hindi kana man excited niyan. "
"Ayy sorry."
Nakita kong parang nahiya pa siya."No it's ok . meron lang akong condition para mag success ang plano natin."
Napakunot naman siya ng noo.
"Ano yun?"
"Edi yung unang plano mo itigil mo. "
Well oo para mag success talaga yung plano.
"Ahh, yun na nga yung iniisip ko kanina ee."
Pagkasabi niya nun bumwelo muna ako bago magsalita.
"Good so ayun nga, ganito magiging takbo ng plano. mamaya pupunta ka doon sa may hagdan malapit sa room nung Girl na gusto mo, tapos mag aacting kang na broken hearted , kasi nga diba? Ang alam niya may Girlfriend ka at sasabihin mong nakipag break ka kasi nakita mong may 3rd party yung GF mo .. so ayun ang kinalabasan, yung girl na yun na nagugustuhan mo ang taga comfort mo."
Napansin ko namang napa isip siya run ng malalim. Pumayag kana pareng Vin para rin naman sayo to ee. At para rin to sa pinsan kong maganda.
"Osige ."
"Yun! So ano mamaya na yan ah? Kaya magready kana sa acting mong pang Famas award.
Sabi ko na natatawa pa.
"Oo ba."
"Oh tara fist bump muna tayo."
Sabi ko sa kanya
And Then nag close fist kami pareho at nag *Fist Bump*.Okay may plano na talaga kami nandito na to! . whahaha! Para mag ka boyfriend kana talaga pinsan.
----
A/N: abangan ang next chapter.
#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...