Chapter 20 (AIKM)

121 4 0
                                    

--> Park Bom as Staycie Anne Mañiego

---

Staycie's POV

Nandito kami sa canteen ni Bessy nag papahinga kasi kakatapos lang namin kumain.

"Bessy?"
Tawag ko kay Sharmaine. Pero hindi niya ako pinapansin.

"Bess--

Natigil ako sa pagtawag sa kanya dahil tinignan ko,  kung ano ang tinitignan niya.. doon ay makikita  si Jeni at alvin na masayang nagkukwentuhan ay mali nag haharutan. Kailan Pa natutong lumandi si Alvin? Ee ang alam ko tatanga tanga yan (A/N: sorry for the word xD).

"landian nanaman."
Narinig ko pang bulong niya. Habang naka tingin ng masama kila jeni. Kung nakakamatay lang yung pag tingin kanina pa sila naka burol.

"Bessy!"

"Ay palaka! Ano ba!"

"Pfft! Ahahaha! .. --Bessy naman ee!  busy ka sa kakatingin sa kanila. Kanina pa kita tinatawag hindi ka naman nakikinig. Sabihin mo lang kung reresbakan na natin yan si jeni. Handa ako."
Sabay pakita ko ng kamao ko.

Nakita ko namang tumawa siya dahil sa tinuran ko.

"Haha! Kaw talaga Cie, pinapatawa mo ko...Okay lang ako."
Sabi niya na hindi na nakatingin kila jeni at humarap na sa akin.

"Okay? Parang hindi naman ee, daig mo pa yung nag seselos na Girlfriend."
Sabi ko.

Nakita ko namang nag buntong  hininga siya.

"Fine, hindi ako okay, sino ba naman ang matutuwa na yung nanliligaw sayo nakikipag landian sa iba, hindi pa kami niyan ah."
Sabi niya sabay irap.

"At sino rin bang manliligaw ang matutuwa kung nilalayuan mo naman para lang malaman mo ang nararamdaman mo sa kanya."

Oo alam ko kuwento niya. Kung bakit niya nilalayuan si Alvin.  Pinag usapan namin yun kahapon ng magkabati kami.

"Cie, yun lang kasi yung way."
-sharmaine

"Way ka diyan! Ee dahil diyan sa way mo, kunti nalang maaagawan kana, Ee kung bawiin mo kaya yun.. para naman sayo na mapunta yung atensyon ni alvin, at hindi kay jeni."

Nakita ko namang napa isip siya dun sa sinabi ko.

"Pero ang tanong... mahal mo na ba siya? Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo para sa kanya?pahabol kong tanong sa kanya.

"Hindi ko pa din alam."
Sabi niya sa malungkot na boses.

"Bessy, pag isipan mo talaga yan, baka dumating yung time na nahuli ka na... Meaning may mahal na siyang iba."

Pagkasabi ko nun tumayo na ako. Dahil next subject na .nakita ko namang tumayo na rin siya at sumunod sakin.

------

Alvin's POV

Nandito kami sa canteen nag lalambingan ni jeni. Mukhang umeepektib ang ginawa naming pag seselos . kasi sabi ni jeni galit daw na nakatingin samin si Sharmaine.

"Wala na sila."
Sabi ni jeni habang nakatingin sa puwesto nila sharmaine.

"Salamat talaga jeni, sana mag success na ito, para masabi na ni sharmaine yung nararamdaman niya para sa akin."
Sabi ko.

"Sus wala yun,basta kita nalang tayo sa parking lot mamaya ah? Kasi balita ko nandoon yung kotse ni sharmaine, and may possibility na maabutan niya tayo roon nag lalambingan."

Napa nod na lang ako sa sinabi niya.
Pagkatapos ay lumabas na kami ng canteen at nagpunta na sa kanya-kanya naming room . dahil mag sisimula na ang next subject.

Ilang oras na nagdaan, sa wakas ay nag bell na means uwian na. Tinext ako ni jeni sabi niya punta na raw ako ng parking lot.

...

"Jeni ?"
Nakatalikod kasi siya kaya napatingin siya sa akin at ngumiti.

Lumapit naman siya sa akin
at ---

Hinalikan ako?

Hindi ko alam kung paano gagawin ko. Kasi first time ko lang mahalikan ng ganito. Pero at the end nakapag response agad ako sa kanya.

Were kissing each other passionately..

Ewan ko ba .pero pakiramdam ko nagustuhan ko yung ginawa ni jeni. Natigil naman ang paghahalikan namin ng may humila sa braso ko.

*PAK*

Ouch! Nasampal lang naman ako ni---
SHARMAINE??? Hala! Kanina pa ba siya nandito?

"Ang kapal ng mukha mo! Eto ba nanliligaw ha? At saka yung pag lalambingan niyo napapalampas ko pa, pero etong pag hahalikan niyo? Peste! Hindi na!"

*PAK*

Ouch ulit >_< nasampal nanaman ako sa kabilang side. Pinantay niya pa talaga.

"Simula ngayon Alvin, BASTED kana."

Nakita ko namang  umalis siya sa harapan ko. At ngayon naman ay tumingin ako kay jeni.

"Bakit mo ginawa yun?"
Tanong ko sa kanya na may halong galit.
"Part yun ng plano, ano masama dun?"
Sabi niya.

" Masama yun, nagalit siya ee."
Sabi ko.

"Sorry, hindi ko sinasadya.".

Napansin ko namang patalikod na siyang umalis .

"Jeni!"

Napalingon naman siya sa pagtawag ko sa kanya.

"Samahan mo ako, magpaliwanag sa kanya.... please?"

.....

A/N: abangan ang next chapter

#KwonYuri027

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon