Sharmaine's POV
Nandito ako sa coffee shop kasama ang bestfriend kong si staycie. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kahapon at ganun na lamang ang pagkagulat niya na si Alvin ay nagawang mambabae.
Kahit ako hindi rin ako makapaniwala. Pero sapat na yung nakita kong nakipaghalikan siya sa ibang babae. Kasi kung Mahal niya talaga ako hindi siya papayag na halikan siya nung babae.
"Bessy, mamimiss kita."
Sabi ni Cie."Mamimiss din kita sobra."
Sagot ko."Magyakapan nga tayo."
"Haha! oo ba."
At sa huling pagkakataon nagyakapan kami ng sobrang higpit habang umiiyak. Para kaming mga tanga umiiyak tapos tatawa iba na tuloy tingin sa amin ng mga tao sa coffee shop. Matapos ang yakapan namin kumalas na din kami.
"Ang panget mo na cie."
"Oyy, grabi ka ikaw ang pangit diyan!"
At nag tawanan pa kami. Grabi baliw na talaga kami.
"Teka, Ilang araw ba kayo dun?"
Tanong ni Cie."Sabi ni momy taon daw ang bibilangin and pag 18 ko na raw saka na ako ipapakasal kay Tristan."
"Grabi, hindi talaga ako makapaniwala na sa huli kayo ni tristan. Akala ko team Sharvin na ee."
"Cie, wag na wag mo na nga yan babanggitin."
Oo ayoko kasing marinig pa yun sobrang sakit lang pag naririnig ko yung "sharvin".
"Sorry na."
"Okay lang yun."
Sagot ko.Matapos namin sa coffee shop nagpaalam na si staycie dahil aalis rin daw sila ngayon with mom and dad niya bakasyon daw sa baguio.
Dun daw siya papalipas ng Sembreak. Sembreak na kasi bukas. Bali napa-aga lang sila ng alis. At ako? Siyempre sa america pero parang hindi sembreak dahil dun na ata ako maninirahan.
Actually, Mamaya na nga ang alis ko ee. At marami akong mamimiss dito lalo na siya. Sana makahanap siya ng tulad ko. O kung hindi naman mag-aral siya ng mabuti basta mga ganun.
***
Naglalakad ako ngayon sa park dahil huling beses ko na to makikita. And dami din pala nangyari rito. Dito ako nagkarun ng Boyfriend dito din ako nawalan.
Pero hindi ko naman pinagsisihan ang nangyari dito. Nasiyahan pa nga ako kasi kahit pa'pano nagkarun ako ng memories dito.
"Arf! Arf!"
Napatingin naman ako sa asong kumakahol sa akin. Ang lahi niya shitzu kaya ang cute tignan. Teka parang namumukhan ko to?
"Hai doggy, ang cute cute mo naman nasaan ang amo mo?"
"Arf! Arf!"
"Tss, as if naman magkakaintindihan tayo."
Bulong ko pa.Napansin ko nalang na may nakaipit na papel sa collar nung aso. Kinuha ko naman to at sinimulang basahin.
Shar,
Ang saya ko dahil naging parte ka ng buhay ko. Sorry kung kay Sharvin ko lang to pinadala. Naalala mo pa ba? Kay Ate Aly to. Ito pa nga yung hinanap natin at yun din yung time na niligtas kita sa tatlong unggoy. Pero dumating ako para iligtas ka. At kung iisipin coincidence lang yun. Pero para sa akin tadhana yun. Bakit ? Kasi lagi tayong pinagtatagpo ng tadhana yung natatapunan kita at minsan naliligtas naman kita.
Sobrang daming pangyayari ang dumating sa atin. Pero salamat kasi tinanggap mo ako.Tinanggap mo ako maging Boyfriend mo. Inosente lang ako nung una pero sa tuwing nakikilala kita marami din ako natututunan so hindi na ako inosente.
Haha! Pero Ang swerte ko at naging Girlfriend ko ang katulad mong pinipilihan ng mga lalaki ang Isang Sharmaine dela Cruz. Sobrang swerte ko. Samantalang tinitignan lang kita dati sa malayo ee. Yung hindi pa tayo nagkaka encounter.Pero alam ko, meron tayong hindi pag kakaintindihan. Pero sana maniwala ka sa akin na hindi kami nun ni Angelica kaibigan ko lang siya. Kasi alam ng diyos kung sino talaga ang minahal ko ng Sobra. Si Jeni? Yung huling kita mo sa amin nasa mall kayo nun ni staycie diba? Yun din yung araw na nagtapat siya sa akin na mahal niya ako.
Pero binasted ko siya. Dahil sayo. Dahil hindi mapapalitan ng pangalan mo ang nakaukit sa puso ko. Haha! Corny ba? Sorry ha ganito siguro pag nagmamahal.
At sana maging masaya na kayo ni tristan alam ko ikakasal na kayo. Siguro hindi pa ngayon dahil hindi kapa 18 pero ganun talaga ee. Ganun ang tadhana sadyang malupit akala ko tayo na talaga akala ko magtatagal tayo pero hindi rin pala. Sana mag-ingat kayo sa pagpunta niyo sa america. Sana gumanda ang buhay mo pati ikaw gumanda lalo.
Salamat talaga sa pagmamahal na binigay mo sa akin sobrang salamat.
I Love You Mahal ko
I Love You so Much Sharmaine Dela Cruz.Love,
Innocent GuyMatapos ko basahin ang mala nobelang sulat ni Alvin. Naiyak ako. Oo basang basa na nga yung papel ee. Napansin ko nalang na wala na si Sharvin sa harap ko tumakbo na ata sa amo niya.
Parang ayaw ko tuloy umalis kasi mamimiss ko pala talaga siya. Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya hindi ko kayang tumayo sa sariling paa ko na hindi siya kasama. hindi ko pala kaya .
Nilibot ko ang buong park ng ilang beses pero walang alvin akong nakita. Wala akong nakitang lalaking inosente na minahal ko ng sobra. Yung lalaking unang nagpatibok ng puso ko.
Mamimiss kita alvin sobra-sobra. Pero sana dumating yung time na sumang-ayon sa atin ang tadhana. Sumang-ayon sila na tayo naman sa huli.
---
A/N: oh my Gee ! Next Ending na! Ang bilis ba? Haha! Ganun talaga. Tapusin na natin ang kuwento at hirap na hirap na ako mag isip ng kuwento nila. Charoot. Siyempre may iba pa akong gagawin na story ee.
Basta supoortahan niyo parin to.
Loveyou guys!
#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...