(A/N: Guys? Pov muna ulit ni staycie...
Para kahit papano magkamoment ang alaga ko! Oo alaga ko :D siya favorite ko sa mga character dito? ee... lols xD.)...
Staycie's POV"Hai Princess.."
Nagulat talaga ako. As in gulat na gulat parang huminto yung paligid. Sauce! Lalim..
Well nakita ko lang naman SIYA.
"Bakit bumalik ka pa!"
Sigaw ko sa kanya.
"Dahil sayo.."
Peste! Dahil sa akin? Akala niya hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa niya kasalanan sakin.?! Iniwan niya ako ..
"Dahil sa akin ? O dahil sa letcheng pangarap mo!"
Oo ! Mas pinili niya ang pangarap niya kaysa sa akin.
Selfish kasi ako nun ee.
"Please.. let me explain."
Pagmamakaawa niya sa akin. Luluhod pa nga ata. Well Hindi na ako papa apekto sa sa kanya. Kung dati pag nakikita kong nagmamakaawa siya naaawa pa ako? Ngayon? Leche! Hindi na !
"Tigilan mo ko sa pag mama kaawa mo! . ... Oh well bakit nga ba kita kinakausap? Ee matagal ka ng PATAY para sa akin."
Oha! Sa lagay na yan ang tapang ko . pero hindi kasi anytime babagsak na luha ko. Paano ba naman blurred na yung vision ko. Peste ! Ayoko na umiyak nanaman dahil sa kanya!. Pero sa huli napigilin ko naman ang wag umiyak. Ayokong maging mahina sa harap niya ! Nabuhay nga ako n ilang taon na wala siya ee. Kaya hindi ako iiyak. !
"Iha! Hindi ganyan ang pagtrato para sa fiance mo."
Napatingin naman ako kay mom na naka cross arms pa. Oo nga pala kararating lang nila mom and dad galing ibang bansa last week. Para daw may makasama ako dito sa bahay.
Pero teka -- F-fiance? Siya? Paano? Pero bakit?
"HUWAAAAT?!! FIANCE?!""Oo anak, naku kunwari ka pa diyan ee di ba may pinagsamahan naman--
Oo may pinagsamahan kami.
"Dati yun mom. DATI."
Pagkatapos ko sabihin yun. Umalis na ako sa harapan nila at tumakbo papuntang kwarto. Pagkapasok ko sa kwarto . binalibag ko ang pinto pagkatapos ay ni lock. At lock ulit. Meron kasi akong double lock sa loob. Para pag gusto ko ng ganitong MOMENT ee hindi nila ako abalahing istorbohin. -____-
Gusto niyo ba malaman kung bakit ganito yung nararamdaman ko? Kung sino ba siya sa buhay ko?
Osya eto ikwento ko...
Flashback..
Elementary palang kami ni Arjohn.
Magkaibigan na kami niyan. At bestfriend kami kung maituturing. Dumating sa point na naging magkaibigan nadin yung parents ko at parents niya.At dahil doon lalo kaming naging malapit sa isat isa . bago ako mag first year. Nagtapat kami sa isat isa . alam ko masyado pa kaming bata nun. Siguro puppy love .. Pero hindi kami ha? Kasi sabi ko pag nag college kami saka ko siya sasagutin.
At sabi niya maghihintay siya kahit gaano katagal. At ayun mahal ko na nga siya . paano? Kasi masaya ako pagkasama siya. Pag hindi ko siya kasama namimiss ko siya. Minsan naiinis ako pag may umaaligid sa kanyang mga girls. SELFISH kasi ako kung maituturing. pag akin. Akin lang! ..
Hanggang sa dumating ang araw ng graduation namin ng elementary.
.......
"Prince ? Saan ka mag aaral sa highschool?"
Tanong ko sa kanya habang nakalean ang ulo ko sa balikat niya. Pagkatapos kasi nung graduation namin kanina.. dito kami nag punta sa likod ng school. Para magrelaks. Hindi naman kami papagalitan ng parents namin kasi sabi namin magpapa alam kami sa mga teachers namin. Pero nagsinungaling kami. Gusto lang namin masolo ang isa't isa.
"Sa States sana, kaso ayokong iwan ka."
Nang marinig ko yun napa angat ako ng ulo ko kasi nga diba? Naka lean yung ulo sa balikat niya.
"Iiwan mo ako?"
Waah! Feeling ko naluluha ako. Pero hindi ! ayoko maging mahina. Kasi sabi niya ang babaeng umiiyak mahina.
Yun ang sabi niya sa akin.
"Hindi pa naman sigurado princess."
Nakita ko namang lumungkot ang itsura niya.
"Hindi sigurado? Pero ang lungkot mo diyan?"
"Ano ka ba wala toh."nakita kong tumahimik siya. Pagkatapos tumingin siya sa akin. "Princess?"
Habol pa niyang tanong sa akin."Bakit prince ?"
"Pwede bang dito muna tayo hanggang mamaya?"
"Oo naman ! Gusto ko kaya masolo ang mahal ko.."
At yun na nga, magdamag kaming magkasama, hanggang sa kinabukasan . Pinuntahan ko siya sa kanila para ayain pumuntang park. Dahil hindi niya nirereplyan mga text ko.. Wala naman akong pantawag kaya hindi ko siya matawagan.
Pero feeling ko talaga may mali ee.. May mali sa nararamdaman ko para akong kinakabahan..
..
"Good Morning manang!"
Bungad ko agad kay manang ng pagbuksan niya ako ng main door. Take note with matching taas ng dalawang kamay.
"Ikaw pala Staycie."
"Si Prince-- este si Arjohn pala."
Sabay smile ko. Ghaad muntik ko na mabanggit ang endearment namin. Nakakahiya pa naman kay manang sabihin niya bata bata pa . landi landi na.
Well totoo naman xD
"Umalis sila iha."
"Ayy ganun po ba? Osige po antayin ko nalang po ---"
"Iha. Ano kasi, hindi ko alam kung kailan sila babalik."
"Ha? Bakit manang? Malayo po ba pinuntahan nila?"
Nga pala nasa loob na kami ni manang, sa may sala.
"Sa states daw pupunta, kaya nga nag impake sila kagabi--
Nang marinig ko yun tumakbo ako palabas ng bahay nila .. feeling ko gumuho ang mundo ko. Masyado bang O.A?
Pero o.a na kung o.a iniwan lang naman kasi ako ng taong MAHAL KO. Iniwan niya ako ng hindi ko alam.End of flashback
Yan ! Yan ang dahilan kung bakit ako nag eemote dito. Di ko namalayan basang basa na pala ang unan ko. Grabi kasi kung maka flashback ako. With matching background music pa. Tapos ang tugtog? (THE PAST) ..
Wala lang.. parang maganda ang pagbabalik sa dating kami. Ay hindi pala naging kami M.U lang. Pero kahit M.U kami masakit padin sakin.. KASI NGA iniwan niya ako.
I must forgive you
You must forgive me too...Yan ang lines ng kanta ng the past.
Pagbibigyan ko nga ba siya?Pero sinaktan niya ako. :(
Di ko namalayan bumababa na ang talukap ng mga mata ko.
...
....
A/N: abangan ang next chapter .
^____^Sorry sa mga typos Cp lang kasi gamit ko :)
#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...