Sharmaine's POV
"Nakaka asar ka bessy! Kayo na pala! Kung hindi pa ipinag sigawan ni alvin kanina sa quadrangle, hindi ko pa malalaman."
Tama po ang narinig niyo, i-nanounce talaga ni Alvin sa lahat ng students dito sa campus, na kami na at eto ha gumamit pa talaga siya ng mega phone .
Hayy naalala ko nanaman yung ginawa niya kanina pag pasok ko ng school.
Flashback
"Girl si alvin nasa may quadrangle daw may i-aanounce"
"Really girl? At ano naman?"
"I dunno, pero puntahan kaya natin para malaman natin"
"O sige "
Kakapasok ko pa lang ng gate ng marinig ko ang usap-usapan dito sa Campus. At wait... Tama ba pag kakadinig ko? Si Alvin my announcement?
Well hindi ko ba nasabi sa inyo, isa na pala siya sa member ng student council. Well VP lang naman siya. Aba! hindi na ako magtataka kung bakit siya sikat, sa talino ba naman niya kahit may pag ka inosente yan ee ang utak niyan ang daming laman.
At dahil curiosity kills, sinundan ko nalang ang pinag kakaguluhan nila. At heto ako ngayon natatanaw si alvin na nakatayo sa may gitna ng Quadrangle.
At may hawak na Mega phone? Grabi ano nanamang kalokohan toh? Wag niya sabihing manliligaw siya? Ee kami na ee. Well ganyan kasi si alvin pag manliligaw effort diba? Gaya kahapon sa park.
Hay, hanggang ngayon hindi parin talaga ako makapaniwala na KAMI na. Akala ko nga panaginip lang yun ee.
At ngayon tinitignan ko siya kung ano yung sasabihin niya sa harapan namin.
Nakita kong sinimulan na niyang i-angat ang mega phone para magsalita.
"GOOD MORNING SA INYONG LAHAT, MAY SASABIHIN LANG SANA AKO ESPECIALLY SA MGA BOYS DITO. MAKINIG KAYO SA AKIN.. ehem ! .. FROM NOW ON, SHARMAINE DELA CRUZ IS MY GIRL, KAYA KUNG SINO MAN ANG MAGBABALAK AGAWIN SIYA SA AKIN. MATITIKMAN NIYO ANG GANTI NG ISANG ALVIN CORTEZ OR SHOULD I SAY GANTI NG VP NG STUDENT COUNCIL, MALIWANAG BA SA SIKAT NG ARAW ? "
GOSH si alvin, ano itong ginawa mo?! >___<. Garabi lang ha? Kailangan ipangalandakan ? At tama bang bantaan niya lahat ng boys dito? Iba ka talaga Alvin Cortez.
Nakita kong nagpause muna siya at
i-nangat uli ang mega phone. Aba? May pahabol?" TAPOS PA I LOVE YOU SA MAHAL KO ! MAHAL KITA ! IKAW LANG ."
End of Flashback
oha?! Sinong hindi kikiligin diyan ha?! At lantaran talaga ang pag babalita niya. Hay, naku hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa lalaking yan, masyadong pabida. grabi parang hindi siya.
"Bessy, breaktime na kain na tayo."
Sabi sa akin ni Cie, Aba! hindi ko namalayan ang oras ah?"Ahm, ikaw nalang inaantay ko pa si--
Naputol naman ang sasabihin ko ng magsalita ulit si staycie."Oh! Nandiyan na pala si lover boy."
Napatingin naman ako sa pinto dahil sa sinabi ni Staycie. At doon nakita ko si Alvin papalapit sa akin na may nakakabit na ngiti sa kanyang mga labi. Wooh ! Lalim xD . Ang gwapo pala ng boyfriend ko? Bakit ngayon ko lang nalaman?
"Hi Mahal! Kain na tayo, nagugutom na ako ee."
Sabi niya agad sa akin ng makalapit at hinapit agad ako sa bewang.Gosh! Feeling ko nakuryente ako sa ginawa niyang yun. Hindi ko alam na ganito siya kabilis kumilos.
"A-ah s-sige."
Letse! Nauutal pa ako ha?"Ayiee, Si Bessy kinikilig... hinapit lang sa bewang ."
Rinig ko pang sabi sa amin ni staycie.Nang marinig naman ni Alvin iyon ay siyang pagbitaw niya sa bewan ko. Aww why? XD
"Sorry, hindi ko sinasadya mahal, nasabik lang ako sayo."
Hingi niyang paumanhin sa akin.Eh meh geed! Sabik daw siya sa akin? Pwede na ba ako kiligin? Hahampasin ko lang naman siya ng malakas sa balikat ee ? Haha!
"N-no okay lang, tutal tayo naman eh."
Sabi ko sa mahinang boses."Talaga ? So pwede kong gawin toh."
At bago pa ako maka sagot ee hinalikan na niya ako sa cheeks. OO! sA chicks akala ko sa LIPS. Ay nako! Utak mo sharmaine ang green xD.
"Hoy ! PDA KAYO! tara sa canteen! "
Natatawa nalang kami ni alvin habang sinusundan si staycie. halata talaga sa bff ko ang pagka bitter niya? Bakit naman kaya bitter yun . sa pag kaka alam ko nagkaka mabutihan na sila ni Darwin.
****
"Mahal ? Say ahh."
Sabi niya sa akin habang isusubo sa bibig ko ang kutsara na may lamang macaroni spaghetti.
"Ano kaba Alvin, nakakahiya oh?"
Sabi ko sa kanya, pa'no kasi pinag ttinginan na kami nang dumating kami dito sa canteen. dahil nga sa ginawa nitong boyfriend ko kanina sa quadrangle. AT dahil narin sa magka holding hands kaming pumasok dito sa canteen."Ay nako bessy! Nahihiya ka? ee kayo naman ah ? And Nahihiya ka ulit kasi binalita niya sa lahat na kayo na ? Sabihin mo nga ? Anong NAKAKAHIYA DUN?"
Bulyaw sa akin ni staycie na kumakain na din ng macaroni spaghetti."Alam mo ikaw cie! Manahimik ka diyan, kung ayaw mong pasakan kita ng burger sa bibig."
Sabi ko sa kanya.Well may binili pa kasi si Alvin na burger para sa akin at dalawa pa ha? Sabi niya sa akin daw yun. Aba loko to ah?! Pinapataba ako .
Hindi porket mag bff kami ni staycie na SUGAPA sa pagkain ee kaparehas ko na yan? Naku opposite nga kami ng bff ko ee. Kung ano kinalakas niya sa pagkain ako naman itong mahina.
"Mahal naman, tama nga sinabi ni Staycie... wag kana mahiya."
Sabi ni Mahal sa akin.Oo nga noh bakit pa ako mahihiya? Kung alam na nilang lahat? Oh well.
" oo na ! Sige na."
Sagot ko sa kanya . para matahimik na."Ayan, good Girl."
Sabi ni Alvin."Ano ako bata?! "
Sigaw ko sa kanya.Gawin daw ba akong bata. Naku kung hindi ko lang ito mahal ee.
"Haha! Sorry na oh . oh dali eto na ang airplane lalanding na papuntang kweba."
Sabi ni alvin ."Pfft ... Ha-ha ... Alvin?! Seryoso? Ang Korni mo."
Sabat ni staycie.Kahit ako, Napatawa din sa sinabi nitong mahal ko . Seryoso? Airplane ? Naku, ginagawa na talaga niya akong bata.
At yun na lang ang nangyari, kumain lang kami dito sa canteen. si Alvin ? Well pinanindigan niya talaga ang pagiging human utensils xD. Oo kasi siya ang kutsara't tinidor ko.
At si staycie? Ayun! BITTER. habang kumakain naka simangot? . Grabi itong babaeng toh pambiyernes santo ang pagmumukha..
---
A/N: abangan ang next chapter.
#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...