Sharmaine's POV
Nakakainis! Ka schoolmate pala namin yung lalaking tumapon sakin ng ice cream. At parang hindi pa siya nasisindak sa tingin ko. Akala niya nakalimutan ko ginawa niya.hindi noh naiinis ako lalo ngayong nakikita ko siya.
"bessy bakit nakasimangot yang mukha mo."
Bulong sakin ni staycie habang kumukuha siya ng pagkain.
"Ee yung lalaki na yun oh? Yung naka polo na blue siya yung lalaking nagtapon ng ice cream sa damit ko kahapon."
Sagot ko naman.
"Really? Oh si Alvin Cortez ang lalaking weirdo sa campus. Ang malas mo bes."
"Malas talaga."Dumaan ang ilang oras at kumakain lang ako ng BBQ ayoko pa maligo sa pool kasi nilalamig ako. Kaya lang naman nag pa pool party si staycie dahil trip niya. Ganyan yan pag trip niya bigla bigla nag iimbita. Palibhasa siya lang tao dito sa bahay niya.
Napansin ko naman na umiinom yung alvin tinatagayan kasi siya nila darwin. Kawawang inosente napiling mapagtripan .
Kaya tinuloy ko nalang pagkain ko. Maya maya may naramdaman akong malapit sa akin nakita ko namang si alvin yun. Anong ginagawa niya rito? kaya napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Shar--- blawwwk !!!!(A/N: sound effect na sinukahan xD)
"Shit! "
Dahil sa sigaw ko napatingin ang lahat at natarantang puntahan ako.
"Oh my god ! Alvin anong ginawa mo?!"
Sabi ni staycie na natataranta."Ayss dude nagsuka ka pa tara matt tulungan moko alalayan si Alvin."
Nakita ko naman inalalayan nila papasok sa loob si alvin at ako? Eto lalong nabuwisit sa kanya lagi nalang ba ako mamalasin pag lagi kami nagkakalapit."Halika bessy punta tayo sa kwarto ko."
Sumunod naman ako kay staycie sa pagpunta sa kwarto."Ano ba nangyari bessy bakit ka sinukahan? Lagi nalang ba damit niya puntirya mo. Sinasabi ko sayo lagi ka na magbaon ng damit baka sa susunod iba na mabuhos sayo ."
Sabi ni staycie na umi-iling iling pa."Here oh."
Abot naman niya sakin ng damit.
"Thanks nakakahiya na sayo."
"Its okay girl basta pag laging basa damit mo ako lagi puntahan mo."
Sabi niya na nag smile pa."Ewan ko sayo."
Sabay punta ko ng Banyo narinig ko pa siya na tumawa. Kasi naman ee malas talaga kapag malapit siya sa akin. Ano ba naisipan nun at lumapit yun.
And akala ko magsosorry sa ginawa niya sakin kahapon yun pala susukahan ako. Kadiri talaga Mas kadiri pa to kaysa sa kwarto ni staycie na pink na pink. Hayss..-__-Pagkatapos ko magbihis lumabas na ako ng banyo at nagpunta na kami ni staycie sa pool. Iniwan naman ako ni staycie sa kubo dahil lalangoy raw siya. Bigla naman akong nilapitan ni darwin.
"Sharmaine im sorry."
Sabi ni darwin sakin .
"At bakit ikaw ang nagsosorry diba dapat iyang barkada niyo?"
Taray kong sagot sa kanya.
"Kasi nag dare ako sa kanya kung sino manalo sa bato bato pick ng isang beses siya ang magpapainom ng sampung shots . Natalo siya ayun sunod sunod niyang nilagok yung alak."
Mahabang paliwanag ni darwin sakin."Kung yun lang Dare mo bakit lumapit sakin yun."
"Aba! Malay ko? nagulat nga kami ee sabi niya may sasabihin daw siya sayo kaya hinayaan nalang namin. Hindi ko naman alam na di na pala niya kinaya yung alak. "May sasabihin? Oo nga pala hindi niya nabanggit yung pangalan ko ng deretso kasi sinukahan ako. Patong patong na talaga kasalanan niya sakin. :/
"Nga pala sharmaine kailan mo ba ako sasagutin?"
Hindi parin ba siya nadadala ilang beses ko na siya binasted ah. Tibay din nito.
"Di mo parin ba nagegets ayoko mag boyfriend."
Sabay tayo ko at umalis kasi hahaba lang yung usapan pag hindi ko pa siya nilayasan. Ayoko talaga nung nililigawan ako lalo na kung kaibigan ko or katropa ko pangit kasi yun. Makapasok na nga lang sa loob.A/N: oh em gee ^__^ may nagtapat kay sharmaine si fafa darwin seyeng hindi niya sinagot sakit kaya nun yung feeling na nababasted pero hindi ko ramdam yun kasi babae ako xD haha! yung mga boys damang dama yun. But anyway abangan nalang ang next chapter kay Alvin naman ang point of view.
#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...