Sharmaine's POV
Ang sakit sakit pala pag ang lalaki na yung gumawa nun. Oo inaamin ko, ako yung laging nambabasted ng lalaki. Pero ngayon? Feeling ko basted din ako sa lagay na ito. dahil sa cool-off na sinabi niya.
Sobrang sakit, feeling ko dinudurog yung puso ko. Tapos, kanina pa ako iyak ng iyak kanina pa nga kumakatok si momy sabi niya kung may problema daw ako wag raw ako mahihiyang lumapit sa kanya. Siyempre dahil ubod ng tigas ng ulo ko. Sinasarili ko itong problema ko.
Hindi ko naman pwedeng istorbohin yung bessy kong natutulog sa oras na ito. Aba! 12am na kaya, and for sure bubunga-ngaan lang ako nun.
***
"Anak mag usap tayo mamaya, matapos mo kumain diyan may sasabihin ako sayo."
Sabi ni momy,habang kumakain kami ng breakfast."Ano nanaman yun momy."
Sagot ko habang pinagpapatuloy ang pagkain."Malalaman mo mamaya."
Sagot niya sa akin At nagpatuloy ng kumain.At tinapos ko na nga lang ng mabilis ang pagkain ko, wala kasi akong gana kumain ngayon feeling ko ang sama ng pakiramdam ko, pati nga rin pag pasok ngayong araw kinatamaran ko na rin ee.
Eto siguro nagagawa ng cool-off. Parang hindi muna inaalala kung anong nangyayari sa buhay mo.Matapos ko sa dining pumunta na akong garden namin. Dito daw kasi gusto makipag usap ni momy .
"Ano po sasabihin niyo."
Tanong ko agad kay momy."Anak, patawarin mo ako sa gagawin ko. Alam ko mabibigla ka pero--
Pinutol ko naman ang sasabihin niya. dahil lagi nalang ganito si momy pag mag uusap kami laging about sa akin, lagi nalang sa akin. Nakaka letse na kasi sa buhay ee.
"Momy! Paki deretso nalang please."
Sagot ko agad sa kanya.Napansin ko pang bumwelo siya at huminga ng malalim. At nakatingin sa akin na nasa malungkot na expression.
"Engaged ka na kay Tristan."
Wtf! Tristan? S-si Kuya Tristan?! Pero paano bakit?
"Anak, bata pa kayo nun, alam mo namang sobrang close namin ng parents ni Tristan diba? Na sinasabi ng mga magulang niya na sana balang araw pag nasa tamang edad na kayo ay pwede namin kayong ipakasal. At sa maniwala ka't sa hindi, Anak, naghihirap na tayo. Malaki na ang utang ng kompanya natin. At wala na kaming naiisip na dahilan ng dady mo. Kaya laging wala ang dady mo rito sa bahay dahil inaayos niya ang problema natin sa kompanya, at buti nalang naalala ko yung panahong bata pa kayo ni Tristan na boto sayo ang parents ni Tristan. Dahil doon tinawagan ko agad sina Mr and Mrs Dwayne na mag usap kami, pumayag naman sila na tulungan tayo pero ang kapalit nun ay ang magpakasal kayo ni tristan, anak mahal na mahal ka ni tristan higit pa sa kapatid na turing niya sayo."
Mahabang paliwanag ni Momy.Hindi ko alam kung anong irereact ko sa nalaman ko ngayon si Kuya tristan na tinuring kong kuya at tinuring akong kapatid? Mahal ako? Pero bakit? Ito ba yung sinasabi niyang malalaman ko rin balang araw? Argh! Bakit hindi ko agad naisip yun.
(A/N: remember nung nagyakapan sila ni Tristan paglabas nila ng gate walang kadugtong yung salitang "And" ni tristan ang nais pong sabihin ni tristan dun ee Mahal kita Sharmaine sana mapatawad mo ako.. Ah basta alalahanin niyo nalang kung anong Chapter yun xD.)
"Momy,hindi ko alam kung anong gagawin ko."
Sabi ko habang inaalala yung mga sinabi ni momy kanina sa akin."Anak, pumayag ka man o hindi , ikakasal din kayo pagtungtong mo ng 18."
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...