Chapter 44 (AIKM)

72 3 0
                                    

Staycie's POV

"Cie, bakit parang inaantok ka pa ata?"

Tanong sa akin ni bessy nandito kasi kami sa canteen. Kumakain na, ang inorder ko nga lang ee spaghetti at water tapos may kasamang gamot.

"Ee kasi bessy uminom ako kagabi, grabi ang sakit ng ulo ko kanina pa, well kahit hanggang ngayon din naman."
Sabi ko kay bessy.

"Hang over yan, sino naman kainuman mo?"
Tanong niya sa akin.

"Darwin."
Tipid kong sagot sa kanya.

"Si D-darwin? Really? Anong nangyari? "
Pansin ko pang nagulat siya.

Bakit? Ano nakakagulat doon?

"Walang nangyari, hinatid niya lang ako pauwi pagkatapos namin uminom."

"Ee bakit ka uminom?"
Tanong ulit sa akin ni bessy.

Hays hindi ba siya titigil kaka interview?

"Dahil kay mark, buntis daw iyong jowa niya."
Sagot ko na may halong inis.

"Si pinsan? Naka buntis?"
At literally lumaki na talaga ang dalawang mata niya.

Oo as in LUMAKI.
Hays, Ako nga nagulat kahapon dahil sa nalaman ko kila mark ee.

"Oo bessy ang sakit lang, narinig ko sila nag-uusap kahapon sa corridor at buti nalang, nandiyan si darwin para sagipin ako."

"Hays, ang Cie ko ."
Sabi niya tapos niyakap ako.

Well katabi ko lang kasi siya kaya madali niya ako nayakap. Matapos niya ako yakapin ay kumalas din siya.

Kahit papaano nakaramdam ako ng comfort sa bessy ko. Salamat talaga at may nakakaramay ako pag sa ganitong problema. Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko.

"Okay lang ako bessy, besides may date nga ako mamaya ee."
Sabi ko sa kanya.

"Really? And Who's the lucky guy?"
Tanong niya sa akin.

"Darwin---- ay peste naman ! Bessy kailangan bugahan ako?!"

Pa'no ba naman umiinom siya ng tubig tapos binugahan pa ako?

"Sorry cie, ikaw kasi binigla mo ako."
Sabi niya tapos kumuha ng tissue at pinunas sa uniform ko.

Lagi kasing may tissue na nakalagay sa parang malaking lalagyan na pinaglalagyan ng order namin dito sa canteen. Parang jolibee lang pag mag oorder ka ng pagkain.

"Nakakabigla diba?sige kuwento ko sayo."

At kinuwento ko nga sa kanya yung nangyari kagabi. Alam kong nakakahiya ang ginawa ko dahil siguro nadala  lang ako sa kalasingan ko or nadala lang ako dahil sobra na akong nasaktan.

At ewan ko ba pero sinabihan ko siyang mahalin niya ako plus hinalikan ko pa. Oo hindi ako lasing nun alam ko ang nangyayari.

Alam kong sa lagay ee ginagawa ko siyang panakip butas kaso wala na ee. Sobrang hirap na talaga yung puso ko. At saka hindi naman mahirap mahalin si darwin ee.

****

"Salamat sa date darwin."
Sabi ko kay darwin.

Nasa restaurant  kasi kami ngayon. At siyempre nagdadate kami. Nakakahiya nga ee, sinundo niya pa ako sa room kaninang uwian ayan tuloy nakita ng mga classmates ko at take note kilig na kilig pa!  Pero ang mas lalong kinilig sino pa ba? Edi si bessy.

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon