Chapter 17 (AIKM)

129 5 0
                                    

Sharmaine's POV

Grabi hindi parin ako makapaniwala na nasabi ni alvin yun kagabi. At dahil doon hindi maayos ang tulog ko.

Flashback

"Sharmaine Mahal na yata kita."
Mga katagang narinig ko kay Alvin ngayon. Ano bang nangyayari sa kanya. Bakit ganito siya sa akin.

"Sharmaine?"
Tanong sa akin ni Alvin ngayon na nakahawak parin sa kamay ko.

"Ha? "
Ang masasabi ko lang blanko utak ko. Dahil sa pagtatapat niya.
"Okay lang kahit wala ka pa masabi alam ko nagulat kita. Gusto ko lang kasi malaman mo yung nararamdaman ko sayo. Osige Goodnight bukas nalang Shar."

Huling sabi niya bago siya pumunta sa kama niya at nahiga na. Parang may kung anong naramdaman ko ng banggitin niya yung "Shar" parang ang sarap sa pakiramdam.

End of Flashback

Arggh! Ano bang ginawa mo sakin alvin. Bakit moko ginaganito. -__-.
At dahil sa kabaliwan ko ngayon ay tumunog ang tyan ko na nagsasabing gutom na ang alaga kong anaconda sa tiyan. Makababa na nga lang.

Pagbaba ko ay nagpunta na ako ng kusina dahil for sure nag aalmusal sila ngayon. Napahinto ako sa paghakbang dahil sa nakikita ko ngayon.

"Oh! Sharmaine gising kana pala. Halika dito kain na."
Tawag sa akin ni staycie. At ang sama ng tingin ko sa kanya. Hindi ba niya alam na parang inaagawan niya ako ng manliligaw. Pano ba naman may pakapit kapit pa sa braso ni Alvin. Kung kahapon napalampas ko pa yun ngayon hindi na.

"Hindi? Hindi pa ako gising tulog ako. At saka anong kaartehan yan staycie at para kang TUKO kung makakapit kay Alvin. Bitch."
Huli kong sabi bago ako umalis sa harapan nila at nagpuntang labas para magpahangin naramdaman ko namang may humawak sa wrist ko.

"Anong sabi mo? Ako bitch?"
Reklamo ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Walang iba kundi si staycie.

"Oo ! Ikaw bitch manliligaw ko siya pero kung makakapit ka sa kanya para kang tuko. Malandi kasi. At puwede ba wag mo siya idamay sa flavor of the month mo!"aaminin ko masasakit ang sinabi ko sa kanya . wala ee  pag ganitong galit na ako wala na akong pakialam kung sinong nasasaktan ko.

*pak*
Nakatanggap lang naman ako ng sampal sa bestfriend ko. Kung bestfriend nga na matatawag to.

"*sob* alam mo *sob* natatanggap ko pa yung mga panlalait at panghahataw mo sakin pag naiinis ka minsan *sob* kasi alam ko natural lang yun sa mag bestfriend *sob* pero ang sabihan ako ng bitch at malandi? Hmp! Hindi na sapat sakin yun. Nakakasakit na !"
Mahabang paliwanag niya habang nag babagsakan na ang luha niya. Wala akong panahon para pakinggan ang drama niya. basta para sakin nang agaw siya.

"Sige umiyak ka! Ganyan ka naman ee para ang tingin sayo ng iba mahina at ang tingin sakin ako naman ang masama! ."

Pansin kong aakma pa niya akong sampalin ng may pumigil sa kanya. Si Alvin. Nakita ko naman yumakap si staycie dito. Hmm paawa pa siya.

"Tama na sharmaine! Nasasaktan na siya."
Nasasaktan? Bakit porket umiiyak siya?Nasaktan agad?  Musta naman yung nasampal pa ako.

"Nasaktan? Wala kang alam alvin away namin tong mag bff.!"
Dahil sa galit ko napasigaw na ako.

"May pakialam ako dahil kaibigan ko rin ang nasasangkot dito."
Kaibigan? Ee naging kaibigan lang naman niya nung nakilala niya ako.

"Sige! Magkampihan kayo!"

Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng tuluyan at nagtatakbo kung saan. Bahala na kung saan ako pumunta basta mailabas ko lang lahat ng galit ko. Akala ko ako kakampihan ni Alvin pero hindi! Yung babaeng  yun. Ano bang meron sa kanya ee hindi hamak na ako ang lamang sa lahat ee para ko lang naman yun utus-utusan yun.

Sa paglalakad ko nakarating ako sa gubat  at dahil doon hindi ko na alam ang daan pauwi. Bahala sila dun for sure wala naman nag aalala sakin. Hindi ko alam kung pagkatapos nito magiging mag bff parin kami ni staycie.

Nakakainis kasi ! Bakit ba ganun ako maka react na akala mo inagawan ako ng bf. Hindi naman ako ganito dati ah. Na okay lang sakin kahit landiin pa ni staycie yung mga manliligaw ko sa campus na okay lang sakin kahit maging Boyfriend niya pa yun. Pero pag kay Alvin parang ayoko parang napakadamot ko.

"Sharmaine."
Nagulat naman ako kasi may tumawag agad sakin.

"D-darwin?"
Oo si darwin lang naman ang tumawag sakin."Anong ginagawa mo rito."pahabol kong tanong kay darwin.

"Nakita kasi kita na umalis kaya sinundan kita baka kasi kung anong mangyari sayo. Ano ba nangyari sa inyo ng bff mo?"
Dere-deretso niyang sabi.
"Nangyari? Wala naman inaagawan lang naman ako ng manlili--"
Naputol ako ng sasabihin ko ng nagsalita siya.
"Mahal mo na ba siya?"
Nagulat naman ako sa tanong ni darwin.
"Mahal mo na ba si Alvin kaya ganyan ka nalang maka react ha?"
Sunod niyang tanong.

"Hindi ko alam."
Pagkasabi ko nun ay nagpatuloy na ako sa paglalakad ko hindi ko alam ang sagot. Hindi pa ako sigurado sa nararamdan ko. Hindi ko talaga alam.

Nahigit naman ni darwin ang kamay ko at nagulat ako sa sunod na nangyari. He-- he kiss me. Torridly at hindi ko alam kung magreresponse ako o ano. Kaya napagdesissyunan ko na lang na itulak siya.

"Ano ba!".

*pak*
Sabay sampal ko sa kanya napalakas ata kaya narinig ko siyang umaray.
"S-sorry! Ikaw kasi bakit mo ginawa yun ano bang kalokohang naisip mo."
Taranta kong sabi .
Nakita ko naman siyang napayuko.

"Kasi nagseselos ako ! ."
Well hindi na ako magugulat dahil isa siya sa mga manliligaw kong hindi parin tumitigil.

"Diba sinabi ko naman sayo darwin wala kang--"

"Oo! Alam ko na yan sharmaine! Paulit ulit nalang yan tumatatak sa kokote ko ! Na kesyo wala akong pag asa na hindi mo ko mahal na wala kang nararamdaman sakin. Pero bakit ganun sharmaine! Matagal kitang nakilala at kilala mo na din ako dahil magbarkada tayo pero yang alvin na yan ke bago bago ee ganyan na nararamdaman mo sa kanya. Anong bang meron sa akin na wala siya ginagawa ko naman ang lahat para mahalin moko ee."
Nakita ko siya ngayon na napaluhod at humagulgol ngayon ko lang siya nakita ng ganito na umiiyak. Hindi ako sanay kaya bumaba ako at pinantayan siya. Itinaas ko naman ang mukha niya.

"Hush. .  darwin sorry kung nasasaktan na pala kita sorry kung nagiging ganito ka dahil sakin sorry kung hindi kita masuklian. Pero darwin marami pang iba diyan marami pang babae diyan na nagmamahal talaga sayo hindi mo lang alam. Mahal kita darwin bilang kaibigan kaya sana ganun din ang tingin mo sakin."
Pagkatapos ng mahabang paliwanag ko ay saka ko siya niyakap. Para mapanatag siya. Ganun narin ang ginawa niya sa akin.

"S-sharmaine?"
Napabitaw kami ng yakap ng nakita namin si alvin na naguguluhan ang tingin at parang nalilito.
"A-alvin?"
Tatayo na sana ako ng tumakbo siya bigla. "Sige na sundan mo na siya."

Narinig kong sabi ni darwin kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Bakit ganun ng makita ko sa mata ni alvin na nasasaktan siya dahil nakita niya kami ni darwin na nagyakapan ee parang mas doble pa sakin yung sakit.

. .

A/N: ang drama ng chapter na to T.T please comment po kayo and magvote salamat :*

#KwonYuri027

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon