Chapter 48 (AIKM)

64 2 0
                                    

Alvin's POV

Magkasama kami ngayon sa park ni Sharmaine. Ewan ko ba kung bakit dito ko na siya niyaya palagi. Dahil siguro sa memorable sa akin ang park na ito. Dahil dito rin ako nag proposed sa kanya. Yung tinanong ko siyang maging girlfriend ko?

At saka Wala na kasi kaming klase ngayon dahil mag sesembreak na. Ang dami ngang pinagawang assignments samin at projects. Pero madali lang namin yun natapos ni Mahal, dahil magkasabay namin ginagawa lahat iyon.

One week narin mula ng sinagot niya ako. Kaya ngayon ang saya ko dahil tumagal kami ng week. Ang iba nga diyan magka relation, bihira tumagal ng week.

Kaya heto kami ngayon kumakain ng ice cream. Hindi dahil sa wala akong budget na idate siya sa resto. Siyempre, gusto ko kasi simple lagi.

Ayoko ng masyadong mamahalin. Baka kasi ayaw niya. At sabihan pa niyang mayabang ako. Atleast, nakikita niya kung ano at sino talaga ako.

"Mahal, masaya kaba sa relasyon natin? Hindi kaba naboboring sa akin? Kasi hindi ako sweet tulad ng ibang girl diyan."
Sabi ng Mahal ko ngayon.

Naka-upo na kami ngayon sa bench. Dahil napagod kami kakalakad, habang kumakain ng ice cream.

Sandali ko muna siya tinitigan. Bago ko sagutin ang tanong niya.

"Mahal, maging sweet ka man o hindi sa akin. Hinding hindi ako magsasawa sayo. Pinag-hirapan kitang makuha at masaya akong ganito lang tayo. Basta wag mo akong iiwan ha?"
Sabi ko sa kanya at agad hinawakan ang dalawang kamay niya.

"Oo naman hinding hindi ko gagawin yun. Mahal kaya kita."
Tugon niya.

"Mas Mahal kita."
Sagot ko.

"Ee, Sobrang mahal kita."
Sagot niya ulit.

"Mas sobrang---
Natigil ang pagsasalita ko ng putulin niya ang sasabihin ko.

"Hep! Tama na! Talo kana sa akin, aangal ka pa ee."
Sabi niya sabay kindat sa akin.

Hindi ata alam ni Mahal na naiinlove ako sa ginagawa niya. Damn!

"Haha opo! Boss."
Sabi ko sabay salute ko.

Bakit ba? Boss ko siya ee. Hindi sa under ako. Sobrang Mahal ko lang talaga siya kaya ayukong nilalamangan siya.

"Aba't boss talaga? Haha."
Sabi niya sa akin.

"Oo, boss kita at ako ang slave mo"
Tugon ko.

"Naku, ayuko maging slave ka gusto ko pantay tayo, gusto ko pantay ang trato natin sa isa't-isa."
Sabi niya.

At hindi ko alam pero bigla ko nalang siya niyakap . Napansin kung madami ng nakatingin sa amin. At hindi ako nahihiyang gawin toh, pag proposed nga nagawa ko pag yakap pa kaya?

"Ang bait talaga ng mahal ko."
Sabi ko sa kanya habang yakap ko siya.

At napagtanto  ko namang hindi siya gumanti sa yakap ko. Aww . .  nakakalungkot naman nahihiya ba siya?

"M-Mahal n-nakakahiya."

Sabi na ee. Bakit sa school? Nag hoholding hands kami . Ang kaso  pag madami ng nakatingin sa amin. minsan siya na mismo kumakalas.

Kaya ayun hinahayaan ko nalang baka magalit ee. At saka mahal ko siya ayokong nagagalit siya sa akin.

"Mahal walang nakakahiya sa taong nagmamahalan."
Sagot ko.

"At saka Mahal hindi mo naman ako iiwan diba?"
Pahabol ko pa sa kanya , matapos kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

Pero ang kinalungkot ko hindi padin siya gumanti ng yakap? Ayss, okay lang . atleast nayakap ko siya.

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon