Chapter 56 (AIKM)

76 1 0
                                    

Alvin's POV

"Bakit mo ginawa yun Angelica!"
Sigaw ko sa kanya.

"Matagal na kasi kitang gusto Alvin."
Sabi niya sabay tumungo.

Si Angelica, classmate ko siya. Siya yung laging nagpapaturo sa akin pagdating sa math.

(A/N: siya po yung nasa Chapter 7 nagpapaturo kay Alvin sa Math balikan niyo nalang po.)

"Sinira mo kami ni Sharmaine!"

"Ee gusto nga sabi kita ee, ano ba mahirap intindihin dun?!"

Nilayasan ko nalang siya at nagsimula ng tumakbo baka sakaling mahabol ko pa si sharmaine. Pero ang bilis niyang mawala. Naisipan ko nalang pumunta sa bahay nila baka sakaling magpakita siya. Oo tama pupuntahan ko siya.

***

"Sharmaine! Magpakita ka! Mag-usap tayo!"

Sigaw ko sa harap ng bahay nila.

"Sharmaine!"
Sigaw ko ulit.

"Shar---

*Bog*

Bigla nalang ako bumagsak ng may dumapo sakin na suntok. Napapunas naman ako sa labi ko at nakita kong may dugo ito.

"Hindi lalabas si sharmaine!"
Sigaw sakin ni tristan.

Nandito nanaman siya? Ano ba siya sa buhay ni sharmaine bakit lagi nalang siya nang-gugulo sa amin.

"Tristan, please naman palabasin mo si sharmaine. Mag uusap lang kami "
Mahinahon kong sabi.

Baka sakaling payagan niya ako makita si Sharmaine.

"Ano?! Nahuli ka sa kagagawan mo noh!"

Teka? Pano niya nalaman ang nangyari kanina sa park? Hindi kaya may kinalaman siya dun.

"Hindi ko kagagawan yun, wala akong ginagawang mali!"

*Bog*

At sa pangalawang pagkakataon natumba nanaman ako sa suntok niya.

"Ano! Lumaban ka! Wag kang DUWAG!"

"Itigil niyo yan! Tristan, iho pumasok kana sa loob at ikaw... (tingin sa akin) layuan mo na ang anak ko."
Sabi ng momy ni Sharmaine.

"Ma'am mahal ko po ang anak niyo."
Pag mamaka-awa ko.

"Wala akong pakialam kung Mahal mo siya. Ikakasal na siya kay tristan kaya--

"Ano ho?!"

"Ikakasal na siya kay tristan at pupunta na sila sa America. Lalayo na sila. At Umuwi kana! Kung ayaw mong ipapulis pa kita." "

Pagkatapos sabihin yun ng mom ni Sharmaine. Bigla nalang ito pumasok sa loob.

Nakatayo lang ako sa bahay nila sharmaine. Pero totoo ba yung narinig ko ikakasal na sila? Pa'no nangyari yun.

Naramdaman ko nalang na may pumatak na tubig sa mukha ko. At ayun na nga bigla nalang lumakas ang buhos ng ulan.

Mabuti nalang sinabayan ako ng ulan kasi naramdaman kong umiiyak narin pala ako.

Ang Mahal ko ikakasal na. Bakit ngayon ko lang to nalaman. Kaya ba ang lakas ng loob niya hiwalayan ako at bigla nalang siya naniwalang may relasyon kami ni Angelica.

----
Sharmaine's POV

"Momy! Si Alvin ba yung nasa labas?"

Tanong ko agad kay momy pagkapasok niya ng kwarto ko at umupo sa tabi ko.

"Oo anak, pero wag ka mag alala lalayuan kana niya."

Lalayuan? Parang ang sakit naman nun.

Bigla ko nalang niyakap si momy at ginantihan niya ako ng yakap. Kumalas naman ako agad at tumingin kay momy.

"Momy, sana po sinunod ko nalang kayo edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito."
Sabi ko kay momy.

"Ano ba ang nangyari anak?"
Tanong sa akin ni momy.

"May kahalikan siyang ibang babae, nakita ko sila sa park kanina. At girlfriend niya raw po."
Sabi ko sa malungkot na boses.

Siguro nga pag may problema ka na ganito kabigat ang magulang lang talaga ang makakaramay mo.

"Sinasabi ko na nga ba, walang magandang maidudulot yang lalaki na yan sayo."

"Momy *sob* ayoko na po dito. Ilayo niyo po ako."

Gusto kong magpakalayo ayoko ko na muna makita si Alvin.

"Oo anak, bukas na bukas mag papa book ng Flight si Tristan. Pupunta kayong america. At siya na ang bahala sayo. At sana anak pumayag kana."

America? Kami ni tristan? Siguro nga yun na lang  ang way para makalimutan ko si Alvin. Sa tuwing naiisip ko yung nangyari kanina sa park. Galit na galit ako. Sobrang galit na galit ako!

Ewan ko pero  gusto kong magwala pero pinipigilan ko lang. Feeling ko ako ang nasaktan dito . dati naman ako ang nanakit ng lalaki tapos ngayon? Kay alvin lang talaga ako nakaranas ng ganito.Yung palaging nasasaktan.

Ganito ba talaga pag nag mamahal ka ng sobra. Dadating talaga sa buhay na masasaktan ka ng paulit-ulit.

At napag desisyunan ko na. Ang sasabihin ko kay momy --

"Opo, momy sasama ako kay tristan."
Sagot ko.

Hindi to labag sa kalooban ko kusa toh.

"Salamat talaga anak."
Sabi ni momy at niyakap ulit ako.

Alvin salamat at naging parte ka ng buhay ko alam ko ang bilis ko sumuko nagpadala ako ng selos pero ito na siguro yung time na sa magulang ko naman ako susunod . isip naman ang pairalin ko hindi palaging puso.

----

A/N: Abangan ang next UD ilang Chapters nalang mag tatapos na ang lovestory ni Alvin at Sharmaine.

Sana po patuloy niyo parin subaybayan ang kuwento nila.

At siyempre gagawa rin po ako ng mga lovestory ng iba pang characters na nasama dito. At hintayin niyo lang po ang mga story nila. Mahirap po kasi pag isama ko pa dito lalong hahaba.

And Mag comment po kayo or mag vote. Esp Silent Readers magvote po kayo. XD kahit pa'pano.

#KwonYuri027

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon