Alvin's POVMinulat ko ang mata ko. Napansin ko namang parang hindi pamilyar sakin ang lugar na to. Nang patayo na ako ay bigla naman kumirot ang ulo ko. Oo nga pala nag inuman kami kagabi ni Matthew. Grabe ang dami kong tinagay.
Napansin ko namang parang nilalamig ako. Napatingin ako sa suot ko?
---teka? Bakit ako nakahubad?!Bakit ako naka boxer lang? Hindi kaya ni rape ako ni Matthew? Kaso sabi niya hindi raw siya bakla .
Dahil sa pag aalala ko ay tumayo na ako. At nakita ko ang pants ko at tshirt na nakakalat sa sahig. Madalian ko namang itong sinuot.
"A-alvin?"
Napatingin ako sa nagsalita. At doon ay nakita ko si --- JENI?! . teka? Anong...
"Anong ginagawa ko dito?"
Tanong ko."Magpapaliwanag ako, okay? Wag ka muna mag react diyan."
Sabi niya at Lumapit naman siya sa akin at naupo sa sofa.Kinuwento niya sakin mula sa may tumawag kay helga hanggang sa ito na nga nakahubad ako na nagising.
"Salamat jeni."
Sabi ko."Wala yun -- ikaw pa, mahal kita ee.."
Sabi niya pero sa dulo hindi ko naintindihan. Dahil pabulong lang."Ha?"
Paglilinaw ko."Ahh..ehh.. Ano sabi ko wala yun, basta ikaw ."
Sabi niya at tumingin sa ibang side.Napa smile nalang ako . kasi ang cute niya dun :).
*KRUUU*
Nahiya naman ako dahil nag aalburuto na ang tiyan ko. Naku Nakakahiya kay jeni.
"Mukhang gutom kana, Ay.. sandali lang ha? Pagluluto kita ng makakain."
Sabi niya na akmang tatayo."Wag na jeni.... Nakakahiya."
Pigil ko sa kanya. Gamit ang paghawak ko sa kamay niya."Ano kaba! Hindi kana iba sakin. Okay lang."
Sabi niya sabay kalas sa kamay ko.Parang nalungkot naman ako dun dahil sa ginawa niya.
Nakita ko naman na patungo na siya ng kusina. Habang ako nag hanap ng remote para manood ng tv. Feel at home pa ang tema ko dito. Ee sabi nya kanina "hindi na raw ako iba sa kanya". Nahanap ko naman ang remote at binuksan na ang tv.
Narinig ko namang sumigawsi Jeni kaya dalian akong tumayo at pinuntahan siya sa kusina.
"Jeni!! Bakit!?"
Nakita ko si jeni na dumudugo ang index finger niya siguro dahil yun sa hinihiwa niyang Karne.
"Aysst! .... Hindi ka nag iingat, ako na diyan, maupo ka nalang sa sofa."
Napatango naman siya at umalis na ng kusina. Kaya ako nalang nagtuloy ng naiwan niyang hiniwang karne. Bumalik naman siya at sinabi sa akin kung ano ang lulutuin. Pagkatapos ay nagpunta na siya ng Sala.
After an hour naluto na ang Adobo. Medyo may alam naman ako sa pagluluto nito dahil nakikita ko si momy minsan na nag luluto nito sa bahay.
Kaya pinuntahan ko na siya sa living room para tawagin dahil kakain na .Nakita ko naman siyang mahimbing na natutulog. Lumapit ako sa kanya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha niya. Ngayon ko lang napansin, ang Ganda pala ni Jeni sa malapitan. Swerte magiging Boyfriend nito. Napansin kong minulat niya ang mata niya at parang nag aalinlangan pa siyang titigan ako.
"Ahh..ano.. Kakain na?"
Tanong ko sa kanya na naiilang pa. Shit! Bakit ako naiilang.?
"S-sige."
Pagkasabi niya nun ay tumayo na siya at nagtungo ng kusina. Syempre sumunod na rin ako..................
Jeni's POV
Nandito kami ni Alvin kumakain ng niluto niyang adobo. Siya na nagpatuloy magluto dahil nga nasugatan ako kanina. Paano naman kasi ang tigas ng karne. -___-...
Nahihiya ako sa kanya ngayon dahil nga sa paggising ko kanina ee nakita ko siyang naka tingin sakin. Grabi feeling ko sasabog yung puso ko kanina.
>..................<!!!"A-alvin? Anong oras ka aalis dito?"
Tanong ko nalang sa kanya para mabasag ang katahimikang pumapalibot samin.
"Bakit? Pinapaalis mo na ba ako?
Tanong niya sakin."Hindi ah!"
Sagot ko agad.Narinig ko naman siyang tumawa.
"Ang cute mo talaga."
Ano Raw ?
"Ang cute mo talaga."
"Ang cute mo talaga."
"Ang cute mo talaga."
"Ang cute mo talaga."
Ay shit! Bakit paulit ulit sa utak ko yun?
Feeling ko pulang kamatis na ko ngayon.
"Bakit namumula ka? May sakit ka ba?"
Pag aalalang tanong ni Alvin."Wala ah! Ano kasi....mainit dito? Oo ! Tama mainit nga."
Phew ! Palusot mo jeni. Pang Famas award.
"Ah."
Nagsmile naman siya sa akin. Gosh! Kahit parang inosente siya . ang Gwapo niya pa din.Hayss inlove na nga talaga ako sa kanya.
"Jeni, ako nalang mag huhugas ng pinag kainan natin."
Sabi ni alvin ng patayo na siya."Naku, wag na.. Ako na, tutal ikaw na nagluto kanina ee."
"Osige."
Ilang minuto lang natapos na ako sa paghuhugas . at nang matapos ako ay nagpunta na ako sa sala. Napansin kong wala na si Alvin doon. Pero may nakatawag ng pansin ko.
Nang may nakita akong papel sa center table.
Binuklat ko iyon at binasa.
Jeni,
Salamat pala sa pag alalay sakin kagabi . Pati narin sa pagpapatuLog mo dito sa condo mo.
Siyempre pati na rin sa pagkain. Salamat talaga. I owe you a Lot.
Your Friend,Alvin :D
PS: FRIENDLY DATE tayo mamaya?
Hindi ako tumatanggap ng NO. Text na lang kita kung saan tayo magkikita. Again, THANK YOU :*matapos ko basahin yun. Parang nagkaroon ng paruparo sa tiyan ko. Feeling ko KINIKILIG AkO. Kahit friendly date lang yun. Para na ring DATE yun.
kahit ganon sobrang saya ko. salamat Alvin. Sa pagpapasaya mo sa akin. Kahit wala kang nararamdaman para sa akin.
........
A/N: yipee! May friendly date sila ni Jeni.
Paano na si Sharmaine niyan?
May possibility bang mainlove si Alvin kay Jeni?
Paano na ang TeAM SHARVIN???
Abangan natin ang kapana-panabik na kuwento sa Story ni Alvin at Sharmaine.
Please vote and Comment.
#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...