Chapter 5 (AIKM)

209 7 0
                                    

Alvin's POV

"Nasaan ako?" Pag mulat ko ng mga mata ko  puti ang nakikita ko . Nasa langit na ba ako. Teka ano ba nangyari kagabi ? Ang huli kong natatandaan nasa kubo kami at pinapainom ako nila darwin kasi natalo ako sa bato bato pick.

At saka may bato bato pick ba na ang nanalo kutsilyo? Kutsilyo kasi yung kay darwin tapos akin papel. Kaya napa inom ako ng sampung alak. Di bale nalang kanino ba itong kwarto to. para namang langit ang itsura puti lahat.

Narinig ko naman na may kumatok.
"Alvin? Gising na!  Si staycie to."

Si staycie? Oo nga pala Nandito pa  ako kila staycie. akala ko talaga nasa langit na ako. Epekto ata to dahil sa  napainom ako ng marami kagabi. Kaya kung ano ano na naiisip ko.

"Oo gising na ako."
Sagot ko kay staycie habang ako ay patayo na sa kama. Para buksan na  ang pintuan. At nakita ko naman si staycie na naka ngiti sakin.

" Tara na ! handa na ang almusal."
Sabay lakad naman ni staycie kaya
Sumunod ako sa kanya.
Nang makarating kami sa kusina nakita ko sila doon na kumakain na ng almusal habang si sharmaine ang sama ng tingin sakin. Bakit? May ginawa ba ako. Kaya napaupo na ako sa may bakanteng upuan malapit kay jennifer. At nag simulang kumuha ng plato at mga utensils pagkatapos ay sumandok naman ako ng kanin pati ng ulam.

"Nga pala bro kamusta kana? Nag ka Hang over kaba?"
Tanong sakin ni matthew na kumakain na din ng almusal.

"Ah ee oo ang sakit nga ng ulo ko ee . Ano ba nangyari kagabi?"
Tanong ko kay matt.

"Really? Hindi mo alam ang nangyari? "
Sabat ni helga  na napahinto sa pagkain.
"hindi ko talaga alam ang natatandaan ko lang ee nung pinainom ako ni darwin hanggang doon lang."
Pagpapaliwanag ko naman.

"Hay nako Alvin kung alam mo lang talaga nangyari sayo mahihiya ka talaga ng sobra sa isang tao dito."
Sagot ni jenni.

Mahihiya? Bakit ano ba nangyari at saka isang tao? . Nalilito na talaga ako.Hindi kaya may ni rape ako? Nako hindi ko naman yun gawain takot nga ko sa babae . ee anong ginawa ko.?

"In short may sinukahan ka."
Dagliang sagot ni staycie.
"Sinukahan? S-sino?"
May sinukahan ako? Patay sana hindi siya galit hindi ko naman kasi alam ee.

"Sino pa edi si Sharmaine."
Sabi ni darwin na nakisali na din sa usapan.

Si sharmaine bakit ganun wala ako maalala. Epekto ata to ng alak na nainom ko kagabi . Ano ba itong ginawa kong kahihiyan nakasuka pa ako.

"Oh easy lang Alvin wag ka masyado kabahan diyan.  Mukang okay naman na kay sharmaine. Diba sharmaine?"
Tanong ni jennifer kay sharmaine.
"Ewan."
Maikling tugon ni sharmaine .pero may halong galit.

Nako galit talaga siya . teka may naalala ako siya din ata yung babaeng natapunan ko ng ice cream ahhh kaya pala ang tingin niya sakin kahapon kakaiba. Naku dagdag na ang kasalanan ko. Kailangan makausap ko siya ng masinsinan.

"Sharmaine pwede ba kita makausap."
Napahinto naman ang lahat sa pagkain nila dahil sa sinabi ko. Bakit may mali ba sa sinabi ko.

"Ano? Mag usap ?".
"Oo in private sana."
Sabi ko habang nakayuko.
"Woaah! private iba yun ah?"
Panunukso naman ni matthew samin ni sharmaine.
"Sige na bessy pumayag kana . ay alvin dun na kayo mag usap sa garden para private talaga at kayo guys dito lang kayo PRIVATE daw ee."
Sabi ni staycie sa lahat.
Nakita ko naman na napatayo sa upuan si sharmaine at nauna pa sakin na maglakad kaya sumunod na rin ako .ito na pagkakataon ko para magsorry sa mga ginawa ko .

A/N: uyy may private silang pag uusap . at saka itong si alvin  kailangan talaga pag mag sosorry SILA lang? Naku naku. Osha abangan nyo nalang ang next chapter nito . point of view naman ni sharmaine . pero nasa garden na ang scene nila .

^__^

#KwonYuri027

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon