Chapter 52 (AIKM)

50 1 0
                                    

Alvin's POV

Ilang linggo ko na tinitiis na wag siya kontakin pero sa tuwing kinokontak ko siya. Hindi siya sumasagot hindi na rin siya pumapasok.

Ano na bang nangyayari sa kanya?  Alam kong puwede namang hindi pumasok dahil next week sembreak na.

Pero hindi ko pala talaga kaya hindi siya makita o makausap. Tinanong ko na rin siya kay staycie pero kahit siya wala siyang alam sa nangyayari sa bff niya.

Lalo pa't nararamdam ko na parang kulang lagi ang araw ko. Bakit ko pa kasi ginawa yung letcheng plano na yun ee.

Nandito ako ngayon sa room tulala at wala pa akong balak umuwi ngayon.
Uwian na kasi kanina pa. At dahil nag momoment nga ako . ee heto ako nakaupo mag isa dito sa classroom.

"Dude Alvin!"

Napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

"Uy Mark! Ang tagal kitang hindi nakita ah? Bakit hindi kana pumapasok?"
Tanong ko pa.

Nakita ko naman siyang umupo sa tabi ko at humarap sa akin.

"Inaayos ko na kasi yung mga requirements ko dito at sa school na lilipatan ko."

"Lilipat ka nanaman? Bakit?"
Tanong ko ulit.

Nakita ko siyang nag buntong hininga parang ang lalim ata ng problema niya.

"Well for good."
Tipid niyang sagot.

"Ah, so kamusta na kayo ni staycie?"
Pag-iiba ko ng topic.

Kasi ang natatandaan ko may affair ata sila ni staycie. Nung bago magsama si staycie at darwin.

"Matagal narin walang communication. Siguro nga infatuated lang yun naramdaman ko sa kanya. Na hindi ko pala talaga siya Mahal."
Sagot pa niya.

"Edi sino talaga ang gusto mo?"

"Janine?"
Sagot pa niya na parang hindi sigurado.

"Yung kaaway ni staycie? Paano?"

"Long story,  kayo ni Pinsan? Kayo na diba?"

Hays, naalala ko nanaman si Mahal ko. kamusta na kaya siya. Sana okay lang siya.

"Nasa cool-off stage kami."
Sagot ko sa malungkot na boses.

"Why?"
Tanong niya.

"Mahabang kuwento rin ee."

"Ganon ba? So... gusto mong mag bar hopping?"
Yaya niya sa akin

Bar? Hindi na rin Masama pampabawas lungkot. Ewan ko ba simula ng matuto na akong uminom sa bahay nila staycie dati nung pool party nila ,  Hinahanap hanap ko na rin yung alcohol.

"Ngayon na?"
Paninigurado ko.

"Oo naman! namiss din kita dude noh! At saka uwian na kaya. Ikaw na nga lang istudyante dito ee."

Oo nga noh, pansin ko rin 5pm narin kasi kaya pakunti na ng pakunti ang nandidito sa school.

"Sige ba."

Sagot ko tapos ay nagsimula na kaming umalis ng room.

---

Sharmaine's POV

Nandito ako ngayon sa sofa naka-upo at walang magawa. Nakakagulat nga ee hindi ako binisita ni Vince. Nakakamiss din pala yung lalaking yun kahit minsan may pag ka manyak or pag ka childish.

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon