Sharmaine's POV
Finally! Nakauwi na din. Grabi feeling ko ang itim ko na. Si Alvin kasi ee kung makahatak sa dagat kahapon akala mo hindi nakakaranas ng tubig sa bahay nila.
Ayaw ba naman ako paahunin? Musta naman yun? I think inabot kami ng umaga hanggang tanghali.
Jusme! Tapos pag katapos namin maglunch sa bahay na tinutulugan namin ee lumusong kami uli sa dagat ! Loko yun ah? Kaya ayun natapos kami papalubog na yung araw.
Whatdaaa! Hay. Pero super kapagod talaga pero masaya din. Tapos ng tinatawagan ko si Cie kanina ? Ng pag uwi ko ee ayun ayaw sagutin tawag ko.
Naku pakiramdam ko talaga may problema yun. Yung totoo? Hindi ba siya nuubusan ng problema niya?
*bzzt* *bzzt*
Napansin ko namang may nagtext sa akin.
From: Mahal<3
Wag ka muna pumasok
Ha? Pati rin ako di rin
Ako papasok.
Basta Magpahinga ka muna.
Alam ko pagod ka sa biyahe.
At saka I Love you :*..
Gosh! Nakakakilig. Grabi naman mag pakilig tong si Mahal este si Alvin.
At tama kayo ng basa "Mahal" ang nakapangalan sa phone ko. Ee! Kasi wala lang gusto ko lang. >_____<
Tapos sabi daw niya wag daw muna ako pumasok? ? Edi wag . Madali ako kausap :)
--------
Staycie's POV
Nakauwi na pala si bessy . pero sabi niya hindi mo na daw siya papasok dahil pagod pa siya sa biyahe. At eto nanaman ako mag isang pumasok.
Habang naglalakad ako sa hallway napagdesisyunan ko nalang na pumuntang canteen. Dahil inatake ako ng pag ka gutom ko.
Nakabili naman ako ng maayos . Actually ang inorder ko lang ee Cassava cake na dalawang slice at softdrink in can.
Bakit kunti? Ewan nakakawalang gana kasi kumain ng marami ee.
Hayss may naalala tuloy ako sa cassava na to. Ayst! Staycie pinahihirapan mo lang sarili mo! T________T
May Girlfriend na iyong tao at may Fiance kana.
Tama! Yun nalang isipin ko.
Nakahanap naman agad ako ng bakanteng puwesto.
"Look who's here? "
Na interupt naman ang pagkain ko ng cassava ng marinig ko ang boses ng bitch.
Opo! Sino pa ba edi si
JANINE.
"Ano nanaman? "
Sabi ko na naka taas ang isang kilay.
Peste ! Hindi ba talaga ako titigilan nito?
Gustong gusto niya talaga yung iniistorbo ako ee.
"Oh, wag ka magalit diyan, kasalanan ko bang nasa AKIN na ngayon si Mark?"
So ? Paki ko? Kung nasayo!
"Tch."
Yan nalang nasabi ko, dahil pag nagsalita pa ako baka mapatay ko na tong babaeng to ! sa harap ng maraming studyante rito.
"Loser."
Wait?
Tinawag niya akong LOSER?
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...