Sharmaine's POV
"Sharmaine, will you be my Girl?"
At eto ako ngayon pinagttinginan ng mga studyante . alam niyo kong bakit? Dahil may nag proposed lang naman sa akin na maging girlfriend niya.Well meet Luis Salvador ang lalaking ace player ng varsity. At gumawa siya ng ka ek-ekan na habang papasok ako ng school kanina may mga students lang naman na nagbibigay sakin ng flowers. And then kumuha pa siya ng banda at ngayon nakarating ako sa quadrangle na may banner na ang nakasulat
"Will You be My GirL Sharmaine?".Oh diba? Nakakuha talaga ng attention. Nakakahiya talaga ano kaya isasagot ko dito.
"Luis guwapo ka ,mabait,matalino at ace player pa dito sa campus. Pero --"
"Please dont say No."
Nakita ko naman na lumuhod na talaga siya. Hala siya di ako prepared . kailangan ko talaga siya ireject kasi hindi ko talaga siya gusto ni hindi ko nga siya kilala ng lubusan. Nakita ko pa yung ibang mga binasted ko at nag aantay din sila sa isasagot ko kay luis."Luis sorry but it's a NO."
Pagkatapos ng sagot kung yun nakita kong napayuko na sa sahig si Luis . oh my god ano ba itong ginawa ko . ang OA niya kasi may nalalaman pa siyang ganito .Nagulat naman ako ng biglang may humila sa kamay ko at ngayon ay tumatakbo kami. Teka sino ba tong humihila sakin . kinakaladkad na nya ako ah! . Ngayon nakahinto kami sa likod ng school at humarap sakin ang taong nagkaladkad sakin .
"Alvin?"
Gulat kong tanong sa kanya.Nakita ko naman siyang napa smile.
*tug* *tug* *tug* *tug*
Hala! Ano itech bakit nagsmile lang siya parang tumibok na yung puso ko. Teka may sakit ba ako. Phew ! Easy Shar timang ka lang posibleng nagkakagusto ka dito sa malas na inosente nato.
"May sasabihin sana ako sayo"
Sagot niya sa akin.
"Sasabihin ? Ano?"
"Gusto ko sanang anyayahan kang pumunta sa bahay namin mamaya after class mo."Anyayahan? Agad agad? Matapos niya kong tapunan ng coke kahapon ? Ano to suhol?.
"Please."
Nakita kong nag act siya na nagmamakaawa . ughh ang gwapo niya pala.Ayt ! Erase ! Erase ! Teka ano ba itong naiisip ko nahihibang na ata ako.
"Bakit ? para saan? Akala mo nakalimutan ko na ginawa mo sakin kahapon ha!. "
Hmm makuha ka sa tingin.
"Kaya nga kita pinapapunta para dun ."
Ahh baka peace offering niya ee teka bakit pa sa kanila."Papayag ka ba? "
"Ahmm. S-sige."
Ughh. Bakit ba ako napapayag matapos lahat ng ginawa niya sakin? Ay naku wala na ee nasabi ko na ." Talaga? Salamat ! . mamaya ha?. "
Bigla naman siyang umalis sa harapan ko. Na parang ang saya niya talaga. Nakakatuwa naman matapos yung nangyari kanina sa binasted ko ang kapalit naman nun may napasaya akong tao.Ee teka? Alam ba niya ang room ko at number ko?. Hala ang laki nitong school ee at saka saan kami magkikita .
Naku naman oh..-___-.----
"Bessy naaawa ako kay Luis."
Eto kami ngayon ni staycie naglalakad pauwi . wala ee napagtripan lang namin .
"Bakit ka naaawa dun? Atleast sa una palang sinabi ko ng wala siyang pag-asa."
Sabi ko habang sinisipa sipa ang lata sa harap. Teka paano ba nagkalata sa harap ko? Hmm . di bale na nga lang."Kahit na sayang ang effort ee. At saka pwede ba ! tigilan mo yang pagsipa sa lata ang ingay ee! ."
Maktol niya."Okay sabi mo ee."
Pagkatapos ay bigla kong sinipa ng malakas.
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...