Alvin's POV
Naglalakad kami ngayon sa hallway ni jeni. Para hanapin si Sharmaine. Siyempre ano pa ba gagawin namin? Kundi humingi ng tawad sa kanya.
Hinalughog nanamin ang buong campus pero walang sharmaine kaming nakita. Hanggang sa napagod kami kakalakad Kaya inaya ako ni jeni na umupo sa mga isa sa bleachers roon .
"Alvin, wala naman si Sharmaine.. Baka umuwi na..."sabi ni jeni.
"Bakit mo ba kasi ginawa yun."
Tanong ko sa kanya."Diba sinabi ko naman sayo, part yun ng plan."-Jeni
"Part nga ba?"
Paninigurado ko sa kanya."Fine, hindi siya part.. Pero, bakit ka tumugon sa halik na yun?"
*silence*
*silence*
*silence"
"Nagustuhan ko ee."
Hindi ko alam pero yun nalang ang lumabas sa bibig ko. Nang napatingin ako kay jeni. Para naman siyang nagulat sa sinabi ko.
"A-ano ba sinasabi mo diyan! umayos ka nga!"
*PAAAK*
"Araay! Bakit mo naman ako sinapak?"
"Ee ang lakas ng trip mo ee. Ano ba tinira mo ha?"
"Ee sa yun ang naramdaman ko ee."
Sabay kamot ko ng batok..................
Jeni's POV
(A/N: finally! May PoV na siya! XD)
"A-ano ba sinasabi mo diyan! umayos ka nga!"
Utal ko pang sabi kay Alvin. Syete bakit ako nauutal.*PAAAK*
Sabay sapak ko sa kanya. Oo sinapak ko siya. Kasi naman ee mga pinag sasabi niya. Hindi nakakatuwa.
"Araay! Bakit mo naman ako sinapak?"
"Ee ang lakas ng trip mo ee. Ano ba tinira mo ha?"
"Ee sa yun ang naramdaman ko ee."
Sabay kamot ko niya ng batok.Shocks! Bakit nung ginawa niya yun. Ang cute >…<
Jeni! Mag hunus dili ka! Si Sharmaine type niya at hindi ikaw. Well sa una palang naman si Alvin na type ko. Pero may sharmaine na siya .
At saka yung kondisyon ko kahapon kay alvin. Ee gawa gawa ko lang. Haysss.
Ginamit ko pa tuloy si pareng Matthew.
"Baliw ka ba! May sharmaine kana.."
Totoo namang may sharmaine na siya ee."Ewan ko ba, pero jeni ng dumampi yung labi mo.. Parang feeling ko lumilipad ako---Araaay!"
Oo ! Sinapak ko nanaman siya. Kasi naman ee . kung ano pinagsasabi. Alam naman niyang nasa harapan niya lang ako.
KASI NAMAN EE. KINIKILIG AKO EE
>_________<!!"Hindi ka nakakatuwa... PROMISE."
nakaka bwisit siya! Nakaka inis siya! Pero ito naman yung gusto ko diba? yung mapunta sakin atensyon niya. Well para kasi siyang inosente kaya ko siya nagustuhan.
"Easy lang sa pag iisip sakin, nasa harap mo lang ako--Araaay! Kanina ka pa ha?!"
Sinapak ko nanaman siya. Bakit ba? Ee ang yabang yabang ee. Iniisip ko daw. Well totoo naman xD.
"Hanapin na nga natin si sharmaine,kung ano-ano pinagsasabi mo jan! "
Sabay tayo ko. At hila ko sa kamay niya.
nang naglalakad na kami nakahawak pa din ang kamay ko sa kanya.
Para kaming ng HHWW. Syete talaga!
"OMG! Si jeni yun diba? Friend ni Queen Helga? "
"Oo nga friend! At take note hawak kamay pa sila ni Alvin ."
"Yan na pala type ngayon ni jeni?"
Yan lang naman ang naririnig ko sa kanila. Hayss ang campus talaga pag makita ka lang na kasama ng iba. Pag uusapan ka na. Hirap talaga maging sikat. !
Sikat din ako. Dahil Bestfriend ako ni Helga ang kanilang queen. Paano naging Queen? Dahil siya ang reyna ng cheering Squad.
Nang naglalakad kami nadaanan naman namin si Helga at matthew. Na nag tatalo?
"Wazzup helga!"
Haha! Oo yan ang pambati ko sa kanya.
"Oh? Hi Frenny! Kanina pa kita tinetext, hindi ka man lang nagrereply nakakatampo."
Sabay pout niya.Niyakap ko naman siya. Syempre, Ganyan kami maglambingan.. pag may tampo kami sa isat isa. yakap lang ang katapat.
"Sorry na Frenny."
Napansin ko naman parang hindi na siya galit."Sige.. Forgiven kana, Frenny kita ee. Wait? Tama ba nakikita ko? Magkasama kayo ni Alvin?"
Palipat lipat ang tingin niya samin ni alvin."Oo helga! Pero wag ka mag-alala, dahil may ginawa lang kaming importante." Sabi ni alvin kay helga na naka smile.
At binigyan naman ako ni Helga ng
A-N-O-Y-U-N-L-O-O-K.Binigyan ko naman siya ng
M-A-M-A-Y-A-L-O-O-K.
" Okay? Mamaya na kayo mag usap jeni and helga babes. Helga, tayo muna mag usap Please?"
Singit ni Matt."Anong mamaya?! Mag uusap kami ni jeni. NGAYON NA."
Pagalit na sabi ni helga sabay irap. Naku may pinag awayan nanaman tong dalawang to. Partida hindi pa sila niyan. Siguro nambabae nanaman tong si Matthew.Well kung hindi niyo naitatanong si Matthew ang tinaguriang CASSANOVA ng campus at isa din siya sa mga varsity. Pero nag tino naman yan ee.
Nung nagsimula siya manligaw kay helga.Dahil pina ka unang rule ni helga para sagutin si matthew ay iwasan ang mga babae. Dahil kung hindi . hindi na siya magpapaligaw.
"Tara na nga frenny!"
Sabay hila ay mali kaladkad sakin ni helga.Naku pag nagalit pa naman to. Walang sinasanto. May pupuntahan pa naman kami ni Alvin dahil hahanapin pa namin si sharmaine diba?. Mukhang di pa ata matutuloy.
-----
A/N: may gusto nga talaga si jenny kay Alvin! ^____^Akala ko talaga si matthew gusto niya.
At nag away pa si matthew at helga?
At si alvin? Ano na gagawin niya? Sino na kasama niya maghanap kay Sharmaine?
Well abangan natin ang next na chapter.
#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...