Tristan's POV
Alam ko ang tingin niyo sa akin ay masama. Dahil sa ginawa ko kay alvin nitong nakaraang araw. Ganun naman talaga pag nagmamahal handa kang manakit mapaglaban mo lang ang minamahal mo.
Ilang buwan din ako nawala simula nung bakasyon namin nila sharmaine dati sa resort namin. Ginawa ko lang yun para makabonding si sharmaine. At kaya ako nawala ng ilang buwan dahil inaasikaso ko ang company namin.
Nakaraang week ko lang nalaman na naka arranged-marriage na ako. Nung una nagalit ako sa magulang ko dahil pinapangunahan nila ako pero ng sinabi nilang si Sharmaine ang mapapangasawa ko.
Hindi na ako nagpatumpik pa. Umuwi agad ako dito sa pilipinas para makita si sharmaine. Nang tanungin ko si tita naglayas daw si sharmaine. At dahil dun Gumawa na ako ng paraan para hanapin siya. Nag hire ako ng tao para bantayan siya. At nalaman ko naman na nasa hotel siya nakatira.
Nabalitaan ko na pumasok na si sharmaine dahil kalat yun sa buong campus, At dahil narin may mga mata ako sa campus nila kaya hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya sa school at yun na nga, nakita ko sila ni alvin sa likod ng school. The rest is history.
"Tristan."
dating ng babae pagkapasok sa condo ko.Nasa condo ako ngayon nagpapahinga.
"Im glad dumating ka."
Sagot ko."Oo naman inutos mo ee."
Sabi ng babae sabay kagat ng labi niya.Geez, natetempt tuloy ako halikan siya. Kahit pa'pano lalaki din ako may kahinaan. Pero siyempre loyal padin ako sa Maine ko.
At Napaka sexy niya sa suot niyang fitted dress na color red at kita pa ang cleavage sino ba naman ang hindi maaakit diyan. pero still loyal padin ako kay Maine.
"Eto ang picture niya, ikaw na bahala sa kanya, at ikaw na rin ang bahala sa next move."
Sabi ko.Pagkatapos ay binigay ko na ang envelope na may lamang isang picture at pera.
"Oo naman."
Sagot niya.Nagulat nalang ako ng halikan niya ako sa labi at para hindi siya mag back out sa inutos ko hinalikan ko na rin siya pabalik.
as a deal ang ginawa namin paghalik.
----
Sharmaine's POV
"Bessy hindi ka nanaman ba papasok? tatlong araw ka walang paramdam ee"
"Hindi Cie ee."
"Grabi naman yang si tita"
"Kaya nga ee, kamusta na si alvin? Sinasamahan mo ba?"
"Oo naman, nakaka awa nga ee laging tulala Bakit kasi hindi mo tinawagan?"
"Ee gaga ka pala! Nakigamit lang ako ng phone noh sa yaya namin to, at number mo lang kabisado ko."
"Ayy ganon ba, pero grabi si tita mag grounded sayo."
"Oo nga ee, Gagawin nila alang alang sa pera."
"Sorry bessy wala akong maitulong."
"Matutulungan mo ako, basta sundin mo lang utos ko."
"Utusan ang peg ko? Sige ano ba yun?"
"Sabihin mo kay alvin pumunta siya mamaya sa park 8pm sharp at pag hindi na ako nakarating ng lagpas 9pm umuwi na siya. Pasabi naman oh. "
"Oo ba! Alang alang sa team sharvin."
"Sharvin?"
"Haha oo loveteam niyo yun. Osya ibaba ko na to at nandito ako sa Library baka pagalitan pa ako ng matandang hukluban dito, basta ingat ka diyan sasabihin ko nalang kay alvin. Bye"
*toot*toot*
Matapos ko maibaba yung phone humiga na ako sa kama. Ang hirap pala pag mala rapunzel ang peg mo.
Yung nakakulong ka sa mataas na torre na walang hagdan at buhok mo lang ang kailangan para makababa ka ang kaso hindi naman mahaba buhok ko hanggang balikat lang.
Pero Nakakabagot din pala kapag hindi ka nakakalabas ng bahay. Alam niyo bang tatlong araw na ako hindi lumalabas dahil nga grounded ako at hindi ko matyempuhan si momy na umalis.
Grabi naman kasi sila maghigpit sa akin akala naman nila hindi ako uuwi.
***
8pm na at nagreready na ako umalis. Sa bintana na lang talaga ako dadaan. Dahil may nakabantay na dalawang naka men in black sa may pintuan namin. At Buti talaga wala si tristan nasa condo daw niya. Habang si momy nasa balae niya. Kanino pa ba edi sa parents ni tristan.
Nakaalis naman ako ng maayos at walang ingay dahil nga sa bintana ako dumaan. Ngayon naglalakad na ako papunta ng park. Sa wakas makikita ko na ang mahal ko.
Pagkarating ko sa park hinanap ko siya. Pero wala akong alvin na nakita. Hanggang sa naglibot pa ako sa buong park.
At Sana hindi nalang ako umalis ng bahay. Sana hindi nalang ako nagmadali pumunta dito kung ganito ang madadatnan ko.
Nakita ko lang naman si Alvin na may kahalikang babae. Anong ibig sabihin nito?!. Nakita ko namang kumalas na sila sa nakakadiri nilang halikan.
"Alvin!"
Sigaw ko kay alvin.Napatingin naman sa akin si alvin at nagulat pa.
"S-sharmaine?! Magpapaliwanag ako! "
-alvin
Nauutal niyang sabi."Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. malinaw na sa akin ang lahat. Bakit mo ginawa sa akin to!"
"Nagkakamali ka ng iniisip."
-alvin""Hi my name is Angelica girlfriend ni Alvin Cortez and you are?"
Dahil sa narinig ko anytime nagbabadya ng pumatak ang mga luha ko. Tatlong araw lang ako hindi nagpakita sa kanya may kapalit na ako.
"Hindi mo na kailangan malaman ang pangalan ko miss , by the way congrats."
Sagot ko in a sarcastic way."Sharmaine ! Sandali--
Pigil sa akin ni alvin.Kaya nilingon ko sila at hinarap.
"Break na tayo alvin."
Pagkasabi ko nun tumakbo na ako palayo. And viola! Tumulo na nga ang mga luha ko. Ang sakit, bakit niya ako niloko minahal ko naman siya ee.
Alam ko hindi ko siya napagtanggol kay kuya tristan dahil sa dala niyang mga men in black nung nakaraang araw.
Pero hindi naman to sapat para palitan niya agad ako. At dun pa sa babaeng mukhang haliparot. Nakaka asar ka alvin. Sinaktan mo ako. Sinaktan mo nanaman ako. Sana hindi na lang kita minahal para hindi ako nasasaktan ng ganito.
---
A/N: abangan ang Next UD
#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...