Chapter 18 (AIKM)

130 6 0
                                    

Alvin's POV

Eto ako tumatakbo matapos ko makita sila na nagyakapan. Matapos kung iwan si staycie para sa kanya ganito lang madadatnan ko.

Sobrang sakit pala? Ito na ba yung sinasabi nilang kapag nakikita mo ang mahal mo na yakap ng iba ay feeling mo sinasaksak yung puso mo ng isang daang karayom.

"Alvin sandali!"
Tawag sa akin ni sharmaine dahil sa pagod ko kakatakbo napahinto narin  ako.

At lumingon sa kanya. Napansin kong parang naaawa siya sakin ayoko na magmukang kawawa sa harapan niya. Ewan ko ba pero naramdaman kong may luha na pala na pumatak sa mata ko.

"Ano bang kailangan mo. Malinaw na sa akin ang lahat  nagyakapan pa kayo.  Ansaya sharmaine. Sobrang saya."
Sarkastiko kong sabi. Nakita ko naman lumapit siya sa akin.

"Alvin wala yun ahm ano kasi --"
Pinutol ko ang pagsasalita niya.
"Bakit ka ba nagpapaliwanag hindi naman tayo ah?"pahabol kong sabi.

"Oo nga pala . . .hindi tayo. .  Buti pinaalala mo nakalimutan ko ee. Sige alis na ako."
Nang paalis na si sharmaine ay ewan ko ba pero bigla ko nalang siyang sinundan sabay  binack-hug.

"Sharmaine Mahal talaga kita. ang sakit pala pag ganun yung nakikita ko. "
Pagkatapos ko sabihin yun ay iniharap ko siya sa akin.

Nakita ko namang umiiyak na din siya. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak nasasaktan ako.

"Alvin hindi ko kasi alam ang nararamdaman ko para sayo. Kung tutuusin man-hater ako yung tipong lahat ng nanliligaw sakin binabasted ko yung kahit effort pa ginagawa nila hindi ko pinapansin at wala akong pakialam. Pero bakit pagdating sayo hindi kita kayang bastedin hindi kita kayang ipamigay hindi kita kayang makita na kasama ng ibang babae kahit bff ko pa! Hindi ko talaga alam kung bakit ganito nararamdaman ko! "
Mahabang paliwanag niya sa akin. Habang umiiyak parin.
"Ibig sabihin ba nun mahal mo rin ako shar?"
Tanong ko sa kanya. Umaasa na sana may pag asa na ako sa kanya. Na may puwang na ako sa puso niya.

"Parang oo parang hindi . hindi ko talaga alam."
Pagkatapos ng sinabi niyang yun ay iniwan niya ako. Parang ang sakit lalo kasi kahit nararamdaman niya sakin hindi niya maipaliwanag bakit kay darwin naipaliwanag niya. Bakit sakin hindi.
Hindi ba talaga ako pwedeng mahalin ng isang Sharmaine Dela Cruz.

. . .
NGAYONG  araw na ang alis namen kaya nag iimpake na kami. Akala ko pagkauwi ko kahapon magiging maayos na kami ni sharmaine. Dahil sinabi ko sa kanyang pag usapan namin ang tungkol samin.

Flashback

"Sharmaine ano ba talagang nararamdaman mo sa akin?"
Tanong ko sa kanya habang inaayos ang higaan ko dahil matutulog na ako.

"Alvin gaya ng sinabi ko kanina hindi ko alam . pero may naisip na akong paraan para malaman ko talaga yung nararamdaman ko para sayo."
Napatingin naman agad ako sa sinabi niya.
"A-ano?"

"Puwedeng bang wag mo muna ako lapitan. Wag muna tayo magpansinan parang strangers lang kung baga. Puwede ba?"
Tanong niya sa akin ngayon. Wag magpansinan pati wag kausapin. Sige kung yun lang ang paraan para malaman niya ang nararamdaman niya sakin. Basta ako sigurado na ako sa nararamdan ko para sa kanya.

"Ikaw ang bahala kung yan lang ang paraan."

"Salamat Alvin."
Nakita ko pang nagsmile siya sa akin.

End of flashback

"Ano guys? Ready na ba kayo? Aalis na tayo nandiyan na yung van ."
Sabi ni tristan na dala na ang mga gamit.

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon