Chapter 42 (AIKM)

82 3 0
                                    

Sharmaine's POV

Nandito kami ni staycie sa room. At nag aantay nalang mag break. Grabi nakakaboring talaga itong subject na toh.

Alam niyo kung ano? Well Values education. Pa'no kasi English ang language edi kung tagalog yan edi ginanahan pa ako. XD

Napatingin naman ako sa side ko at nakita kong tulala nanaman si Cie. Yung totoo? Araw-araw may problema? Mamaya nga kausapin ko to pag ka dismissed---

*kriiiiiiiiiing*

So i guess? Breaktime na. Nag ring na kasi yung bell.

"Cie! Breaktime na oh?"
Akay ko kay Cie para tumayo.

Nakita kong bumalik na siya sa realidad at napatingin sa akin.

"Ahh.. Ganon ba? O sige."

"Problema ba yan Cie?"
Tanong ko sa kanya.

Ayoko kasing nalulungkot ang bff ko . hindi ako sanay.

"Hindi naman."
Sagot niya in lower voice.

"Hindi ka diyan, ee yan ang pinapakita ng mukha mo, araw-araw ka nalang may problema tapos pag ka 3rd subject kapa pumasok kanina... Kwento ka naman sa nangyari sayo kahapon."

"S-sige."

At kinuwento nga niya sa akin ang nangyari kahapon. Simula sa inaway siya ni janine at sa pag uwi niya galing kina helga.

****

Nandito na kami ngayon ni Staycie sa canteen at nag simula ng kumain. Himala nga ee Spaghetti at Softdrink in can lang ang binili niya.

"Nilalagnat ka ba Cie?"
Tanong ko kay staycie. Kaya napahinto siya sa pagkain at tumingin sa akin.

"Huh? Bakit naman?"
Tanong niya na naka kunot ang noo.

"Pa'no kasi... yan lang binili mo, samantalang dati? halos ubusin mo na ang paninda sa Canteen."

Oo . matakaw yan si Cie sobra.

"Wala lang akong gana."

"Ganon? Okay."

Hindi ko nalang siya pinansin ulit
At nagsimula nalang akong kumain. Kasi for sure dinadamdam niya parin yung mga nangyari kahapon.

Nang maramdaman kong may umupo sa tabi ni staycie.

"Darwin?"
Tanong ko kay darwin na naupo sa katabi ni staycie.

Anong ginagawa niya dito? Well medyo curious lang ako. Kasi panay ang lapit niya kay staycie gaya din kahapon na nilapitan din ni darwin si staycie. Naku parang kakaiba tuloy nararamdaman ko. 

"Hmm?"
Tanong niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? "
Tanong ko sa kanya.

"Siyempre kakain."

Ayy oo nga . malamang sharmaine breaktime kaya kakain?! Stupid sharmaine. -______-

Bakit hindi ko naisip yun? Pero iba talaga nararamdaman ko ee . bakit siya nalapit sa amin.

"I mean bakit ka nandito sa puwesto namin at katabi pa ni staycie...Hmm i smell something fishy?"

Hmm. Mahuli nga toh.

"Hahaha! Fishy ka diyan wala ah."
Sabi niya na naka smile pa. Sabay sulyap kay staycie at tumingin uli sa akin.

Sabi na ee! Meron talaga ee.

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon