Chapter 9 (AIKM)

196 6 0
                                    

Sharmaine's POV

"Bakit ngayon ka lang ! ."
Sigaw sakin  ni momy pagkapasok ko pa lang ng bahay.

"Malamang galing ako sa labas . ano ba aasahan mo. "
Sagot kong pabalang pag katapos ay nadako ang tingin ko sa kusina.

"Oh parang may bisita tayo kanina at ang dami atang hinanda."
Pag tingin ko kay momy ang aura niya naging dark.

"Hindi mo ba  alam na may bisita kanina? Sinabi naman siguro ng  isa nating maid kaninang umaga diba? . wag mo sabihing nakalimutan mo . "
Ay oo nga pala! Nakalimutan ko . ayss napatagal kasi yung  paguusap namin nung momy ni alvin . well kahit nga pag punta kina alvin nakalimutan ko din pero atleast masaya naman  .

"Opo nakalimutan ko at saka galing ako sa classmate mo nung college kila Mrs. Virgiñia Cortez. Sige akyat na ako inaantok na ako ee."

Dalian naman akong umakyat papuntang kwarto narinig kong tinawag pa ako ni momy . pero dating gawi ? hindi ko nanaman pinansin .hayy nakakapagod ngayong araw pero ang saya ko rin ngayong araw . at dahil yun sa imbita sakin ni alvin.

--
KINABUKASAN

"Anak wag ka pumasok ngayon."
Bigla naman ako napatigil sa pagkain nang marinig ko yun. Wag ako papasok? Ee naka uniform na ako ee.
"At bakit? Anong meron?"
Pagtataray kong tanong.

"Aalis tayo makikipag kita ako kina Mr and Ms Mendez at kailangan kasama ka. Kaya magpalit kana at pagkatapos mo mag almusal  diyan aalis na tayo."
Mahabang paliwanag ni momy.

Aba bakit pa ako kasama? ano ba mapapala ko diyan? Wala naman ee.

"Hindi puwede momy may quiz kami."
Palusot ko . bakit ba sa ayaw ko ee.
"Nagpaalam na ako . Ok na raw . sabi ko kasi sa principal niyo may emergency kaya hindi ka makakapasok."
Lalo akong nabulunan sa narinig ko . buti inabutan ako ng isa naming maid nang tubig . pagkatapos ko mahismasan nag pahinga ako saglit bago magsalita.

"Momy! Pati ba naman principal kinontsaba mo . bakit? Gaano ba kaimportante yang kikitain mo at kailangan kasama pa ako."

"Sasama ka sa ayaw mo o hindi pag hindi ka sumama babawiin ko lahat ng gadgets mo!."
Sita sakin ni momy.
At dahil doon
No choice ako sumama nalang ako.

At eto kami ngayon sa private restaurant na pina private pa daw ng Pamilyang
Mendez. Tungkol saan ba itong pagkikita na to nacucurious na talaga ako.

"Good morning Mr and Ms Mendez."
Sabi ni momy habang nakipag beso sya sa dalawang may edad  na ka edaran lang ni momy at ako eto nakaupo at nagsimula ng kumain ng pagkain na ano ba tawag dito ah basta pagkain -__-.

"Eto na ba ang unica ija mo? Aba'y napaka gandang bata."
Sabi nung babaeng may edad.
At nag usap pa sila sila momy at dalawang may edad. Ano ba gagawin ko dito kakain lang naman ako.

"Mom dad  im here."
Napalingon naman ako sa boses na nagsalita at doon ay nakita ko ang isang lalaking sabihin nating perfect ang itsura. Pero para sa akin wala parin siyang Charm.

"Nandito kana pala iho . halika maupo ka sa tabi ko."
Sabi ng momy nung lalaki umupo naman ito . pagkatapos ay tumitig sakin. Okay ?ang titig niya piling ko ... Ayst wag ko nga isipin ay sabihin kona M-a-n-y-a-k.

"Nga pala iho eto si Mrs. Carmelita Dela Cruz at ito ang unica ija nilang si Sharmaine Dela Cruz napakaganda niya diba?."
Pagbibida sakin nung momy niya. Ano to nirereto ako. Subukan lang nila tatakas ako.
"So siya pala ang magiging Fiancee ko."
Fiance--- o.O ano!! Fiancee kamo? Ano to binebenta ako ng momy ko . bakit naghihirap na ba kami? Ang alam ko may pera pa kami ah ..

"What's the meaning of this? Mom? Ano to?".
Tanong ko kay momy.

"Sharmaine sila yung bisita na pumunta kagabi kaso wala ka naman kaya eto sila ngayon. At eto ang dahilan kung bakit nandito tayo. Magpakilala ka iho."
Nakangiting tugon ni momy dun sa lalaki.
"Im Harold Mendez magiging soon to be husband mo."
Sabay kindat niya . aysst napaka presko ang sarap upakan . dahil sa narinig ko bigla akong tumayo sa kinauupuan ko at dali daling umalis. Pagkalabas ko ng restaurant. Bigla namang may humila sakin .jusko lagi nalang may humihila sakin. Kaya ngayon nakarating ako sa kotse.

"Sakay na dali!"
Sakay daw bakit ako sasakay hindi--
Alvin?. Si alvin ang humila sakin.

"Sasakay kaba o hindi? Hinahabol ka na nun oh."
Turo niya dun kay harold na tumatakbo na papalapit samin . aysst no choice ako kaya sumakay ako sa shot gun seat bakit ba ayoko sa likod baka mapag kamalan siyang driver.

Ilang oras ang nakalipas at huminto ang sinasakyan namin.

"Bakit huminto?"
Tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan ko mag gas . si ate kasi hindi naman sinabi sakin na paubos na to."
Pagpapaliwanag niya .
"Ay naku pano nato? Nasa gitna pa naman ata tayo ng puro puno lang ang makikita .at saka bakit mo ba ako pinapasakay kanina ? saan ba tayo pupunta."
Tanong kong may halong naiinis.

"Hindi ko din alam ee."
Sagot niya agad.
Kaya nasapo ko nalang ang noo ko. Hay nako Lord kamalasan alert .

"Bumaba na nga tayo at maghanap tayo ng bahay dito for sure tuturuan nila tayo kung san may malapit na pa gas dito . "
Mahabang paliwanag ko sa kanya.

Naglalakad kami ngayon sa gitna ng gubat aysst. Parang walang bahay dito . maya maya pumapatak na ang ulan.
"Hala!  umaabon maghanap tayo ng masisilungan."
Sabi ni alvin .
Kaya naghanap pa kami ng bahay na matutuluyan pero wala talaga kami mahanap.
Maya maya lang  may napansin kaming parang kubo. Pinuntahan namin dun ang kubo pero pagpasok namin wala itong tao pati gamit. Kaya naisipan namin na doon muna magpalipas hanggang sa tumila ang ulan . pag pasok namin ng kubo.  Bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan . sakto nakahanap agad kami ng masisilungan.

"Eto polo ko ."
Kaya nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko yung alok niya .pano nakadress lang kasi ako na pa sleveless.
"Sige na tanggapin muna baka magkasakit kapa . "
Kaya tinanggap ko na lang at nagsabi ng salamat.

Mag gagabi na at nandoon padin kami at hindi parin tumitila ang ulan . ni isa samin walang dalang phone dahil naiwan ko yung akin kay momy yung nasa resto kami. Kay alvin naiwan naman niya sa kotse niya. Hayss paano na to.

"Inaantok na ako."
Out of nowhere nasabi ko nalang.
"Halika rito sandal ka nalang sa balikat."
Sabi ni alvin.
At dahil doon bigla na wala antok ko. Pagkatingin ko kay alvin.
Hmm? Tulog ? Nagsasalita siya ng tulog? . ay wag ko nalang pansinin. Pero inaantok na talaga ako .

Anong gagawin ko .  ee kung sumandal nalang ako sa balikat niya ? Kaso nakakahiya ee. Ee tutal suggest niya naman. Ayy nako osha! Gawin ko nalang kaya lumapit ako sa kanya  at bigla ko nalang sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Ilang oras kaming nasa ganong pwesto. At hindi ko alam kung anong oras pa kami makakauwi.

A/N: ugghh ang sweet nila moment nila to habang umuulan. *^____^*

#KwonYuri027

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon