Chapter 37 (AIKM)

129 6 0
                                    

Sharmaine's POV

Kanina ko pa talaga napapansin . As in KANINA PA. Bakit? Kasi hindi ako sanay na tahimik itong katabi ko. Sino? Edi si Staycie. At dahil kakalabas lang ng teacher ee bigla ko nalang siya kinalabit.

Napatingin naman siya sa akin.

"Anong mukha yan?"
Tanong ko sa kanya.

Paano kasi yung mukha niya parang pinag sukluban ng langit at lupa .

"Mukha ng isang nagluluksang DYOSA."

Sagot niya sa akin na naka ngiti pero pilit.

"Ano nanaman bang problema ha? Sabog ka ba?"

Oo napaka derekta ba? Yung mukha niya kasi ee. Gosh hindi ako sanay ee tuwing papasok yan laging blooming.

"Grabi! Sabog agad? Di ba puwedeng hindi ako makatulog kagabi dahil kay Arjohn--

"OH MY GOD! Don't tell me, ginawa niyo yung *toot*?"

"Anong *toot* ka diyan! Siraa! Hindi noh, wala siyang ginawa may sinabi lang, mga iniisip mo diyan! Napaka GM mo talaga."

"Haha! Sorry naman pinapatawa lang kita, KJ."

Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Puwes! hindi ako natatawa bessy, naiinis ako!"

Sabi niya sabay nagpapadyak ng paa. Tss para siyang bata.

"Chill galit kana niyan? Haays.. Ano ba problema?"

"Ganito kasi yun..."

Sabi niya sa akin kaya nakinig naman ako ng mabuti.

****

"Bessy, wala ng puwesto sa canteen ano na gagawin natin? Pag ganitong sobrang lungkot ko , kailan ko ng energy at yun ang salitang PAGKAIN."

Tss. Ee kahit naman hindi ka lagi malungkot lagi kang gutom. Yan ang gusto ko sabihin sa kanya.

Nandito na kami sa canteen. Matapos niya ikuwento sakin yung nangyari kagabi ee. Wala akong ma advice sa kanya.

Ee sa hindi ako magaling sa mga advice na ganyan. Sarili ko nga hindi ko magawa pagsabihan . sila pa kaya?

Oh kaya fair lang.

"Edi ganito bumili nalang tayo dito tapos doon---

Naputol naman yung pagsasalita ko ng may umepal.

"S-sharmaine?"

At nakita ko ang isang lalaking nerd? Tss.

"Yes? Who are you?"

Sabi ko sabay taas ng kilay ko.

"Ako nga pala si John Philip Marquez, gusto ko sanang ligawan ka ?"

Eww. Ligaw? May gana siyang manligaw?

Hindi hamak na isang NERD lang siya.

Yaah. Ang sama ko ba? Ee ganyan talaga ee. Mapili akong tao.

"Sorry--

Naputol naman ang pagsasalita ko ng may umepal ulit.

"Sorry pare, nililigawan ko kasi siya ee, kaya lumayo layo kana, kasi ako lang ang puwede manligaw sa kanya."

Napatingin naman ako sa isang umepal at...

"A-alvin? Anong ginagawa mo dito?"

Oo si alvin nga! At wow ha? Nagawa niyang sabihin yung mga yun?

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon