Chapter 34 (AIKM)

88 5 0
                                    

Alvin's POV

Nandito kami ngayon ni Sharmaine sa park. Kumakain ng street foods. Ang saya pala ng feeling pag ganito ka simple ang DATE niyo.

Date ang matatawag ko dito kasi kami lang dalawa magkasama . Napansin ko namang hindi siya naboboring sa akin ngayon dahil binabanatan ko siya ng mga sweet corn kong banat.

Paano naging Sweet Corn? Kasi sweet siya tapos corny. XD

"Alvin? Minahal mo ba si j-jeni?"

Bigla nalang sabi ni Sharmaine kaya napatingin ako sa kanya.

"Hi-- oo."

Kailangan ko magsinungaling para mapaniwala ko siyang nag break nga kami. Kahit ang totoo walang kami. Kasi nga plano nga iyon.

"Ahh."

Tipid niyang sagot. Kaya binalik nalang niya ang atensyon niya sa pagkain ng kikiam na nakalagay ngayon sa plastic na baso na may sauce.

"Bakit siya? Bakit hindi ako?"

Tanong nanaman niya sakin.

"K-kasi a-ano hindi ko alam."

Hindi ko talaga alam . ang hirap naman magsinungaling . lalo na kung kay Sharmaine pa .sa babaeng mahal ko pa.

"Pero nanliligaw ka sa akin diba? At mahal mo na ako , sabi mo yun nung nandoon tayo sa beach vacation kasama ang barkada."

(A/N: remember? Yung CHAPTER 17 "CONFUSED" umamin nun si Alvin ng kinagabihan na MAHAL NA niya si Sharmaine.)

Tama yung araw na yun na umamin talaga ako sa kanya, na Mahal ko na siya. Hindi pa pala niya yun nakakalimutan?

"Kasi sharmaine, yung time kasi na sinabi mong iiwasan mo ako, feeling ko yung dahilan ng pagpasok ko sa school araw araw parang hindi na nakaka gana, i mean nakakatamad na."

Yeah. Nakakatamad na lalo na kung iiwasan niya pa ako. Ang sakit kaya nun para sa akin.

"Sinisigurado ko lang naman ang feelings ko para sayo , pero sa hindi nga na inaasahang PANGYAYARI ee nabasted pa kita."

Pinaalala nanaman niya? Yung kiss namin ni jeni. Ee malay ko bang gagawin ni jeni yun. Aysst.

"Sharmaine?"

Tawag ko sa kanya.

"Bakit?"

Sabi niya sa malungkot na boses.

"Wala na bang pag asa na ligawan kita ulit? "

"Hindi ko alam alvin, kung kailan na sigurado na ako sa nararamdaman ko para sayo, saka naman nagkaganito tayo."

WAIT? SIGURADO? Siya? Ibig sabihin mahal na niya ako? Pero kailan pa?

"T-talaga? Mahal mo na ako? Kailan pa?"

Yung nararamdaman ko ngayon? Grabi hindi ko maipaliwanag mixed emotions talaga!

"Oo mahal kita, Yung time na nag kiss kayo ni Jeni sa parking lot ng school , doon ko na confirm. pero may pag aalinlangan parin dahil nga sa kiss niyo ni jeni."

Ibig sabihin? Nag success talaga yung plano namin ni jeni? Kaya pala ganun na lang magalit si Sharmaine sa akin nun.

*silence*

"Sharmaine, hindi ko na talaga kaya magtago."

Oo hindi ko na talaga kaya itago baka pag sinabi ko na talaga ang dahilan ng lahat na ito ee mapatawad na niya ako. May pag asa na ulit na ligawan ko siya

"h-huh?"

Naguluhan naman siya sa sinabi ko.

"Gusto ko sana sabihin sayo lahat-lahat."

"Lahat lahat? Katulad ng?"

Napansin kong sobra na talaga yung pagtataka niya. Wag ka mag alala sharmaine pagkatapos ko sabihin sayo ang lahat sigurado ako hindi kana magtataka pa ng ganito.

"Basta, LAHAT, kaya please.. makinig ka sakin."

Nag aalanganin pa siya kung ano isasagot niya sa akin.

"Please?"
Pakiusap ko ulit sa kanya.

"O sige makikinig ako."

At sa wakas. Masasabi ko na lahat.

...........

Sharmaine's POV

Kakauwi ko lang galing park. Grabi hindi ako makapaniwala BUONG AKALA ko naging sila? At buong akala ko nagbreak sila.

Gosh! Nagulat talaga ako at isa pa mas nagulat ako nung binanggit niyang Si John Mark Gomez , remember? Yung pinsan kong ang lakas ng sapak sa utak? XD

At talagang balak niya pa ako pagtripan.
Dahil nag kunwari siyang hindi niya ako kilala? Adik talaga yun.

Pero buti na plano nila ni Alvin yun. Kasi kung hindi? hindi ko malalaman lahat lahat ng rason. Tama nalaman ko na talaga. Kasi nga sinabi niya sakin kanina sa park? . at base sa kinuwento ni Alvin napaka LINAW sa akin na May gusto talaga si Jeni kay Alvin.

Hmm. Hindi ako papayag na makuha niya sakin si Alvin. Well may the best Woman wins ! Whahaha! XD .

At bukas? Feeling ko papasok akong walang pinoproblema. Bakit? Kasi pumayag na ako magpaligaw kay alvin. Binigyan ko ulit siya ng CHANCE. Ganyan ko siya kamahal ee.
Awts ang sweet ko naman! XD

Nabalik naman ako sa realidad ng may tumatawag sa akin. Sino naman tong nilalang na to na umiistorbo sa pag iisip ko .

Calling..

Staycie Baliw

..

"Bakit?"

"Wow, gandang bungad ah."

"Ee kasi naman ee, may iniisip ako dito tapos bigla kang eextra."

"Haha sorry naman , gusto ko lang naman sanang magpasama sayo ngayon."

"At saan naman?"

"7eleven."

"Why?"

"Kakain tayo malamang!"

"Bakit ? Ubos na ba ang pagkain niyo diyan sa ref niyo at sa 7eleven naman uubusin mo?"

"Wow ha? Hard natin ngayon? Well i have a problem kasi."

"Ano nanamang problema yan?"

"Sa 7eleven nalang natin to pagpatuloy dahil Nasa harap na ako ng house--

"Agad? !"

"Oo kaya kung ako sayo mag---

*toot*toot*

Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil mag papalit pa ako ng damit. Grabi tong babaeng to mag aaya pa . ee gabi na . Hayss kung hindi ko lang mahal yun ee.

Nagbihis lang ako ng simple t-shirt na colir Black na may naka tatak na ang nakasulat ay "Punk Princess".
Tapos naka short-short na maong na Color black.

At syempre doll shoes na color white. At ang ayos ng hair ko? As usual Naka lugay ang mahaba kong hair.

Ganyan ako kasimple kasi 7eleven lang naman ang punta ko. Matapos ko humarap sa salamin bumaba na ako at nagtungo na sa harap ng bahay namin.

Buti nalang wala si momy dito, kasi nasa business trip siya with daddy. I think next month pa uwi nila.

Kaya mga maids lang naiwan dito . well sanay na akong wala sila lagi sa bahay.

...

A/N: abangan ang next Chapter !

^___^ vote po kayo and comment.

#KwonYuri027

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon