Chapter 11 (AIKM)

178 5 0
                                    

Sharmaine's POV

" Bessy ! Ikaw ha? Hindi ka nag kukwento sa akin na my Fiance ka pala kung hindi pa kita hinanap kay tita Carmen hindi ko pa malalaman ang daya daya mo! "
Bulyaw sakin ng katabi ko ngayon na sobrang lakas mag salita parang naka lunok pa ng mega phone. Bakit ba ganito magsalita si staycie hindi naman ako bingi ah.

"Fiance ka diyan . Kahit nga ako wala akong ka alam alam na gagawa si momy ng ganoong arrangement . bakit siya ba yung madedehado? Hindi naman diba! Kundi ako . naku buti nalang dumating si AL--."
Napahinto ako sa sinabi ko  ng muntik ko na mabanggit si Alvin. Na siyang dahilan ng pagkakaligtas niya sa akin sa Harold na yun.

"What?! Sinong AL yun ha? Oooh. Si Alvin yun noh? Ikaw ha ang daya-daya mo na talaga . hindi kana nag sshare sa Lovelife mo."
Napa taas naman ako ng kilay sa narinig ko. Nahulaan niya agad na si Alvin yun.

At dahil dun Hindi ko nalang pinansin ang pag iinarte ni staycie. Wala rin naman mangyayari kung sasagutin ko lahat ng tanong niya masasayang lang laway ko. Kaya kinuha ko nalang ang mga notes ko at nag review dahil baka mamaya may biglaan quiz nanaman dito sa Math. Oo math subject namin ngayon at ilang minuto nalang darating na ang teacher.

Sumigaw naman ang isa sa mga classmate namin at nagsabing "Nandiyan na si sir!" Kaya dali daling umayos ang lahat sa mga ginagawa nila kanina at pagkadating ng teacher ay nagulat pa ito dahil parang ang ayos namin at ang tahimik namin.

"Okay class we have a Quiz today. And get 1 whole sheet of paper . . NOW"
Pagkasabi  ng teacher namin ay daliang nag hingian ang mga classmates kong walang mga papel . ganito naman sa highschool ee pulubi sa papel. At dahil may papel akong isang pad ay palihim akong kumuha sa bag ko.

Pagkatapos ay nagsulat na ang teacher namin sa board ng problems na 1-50.

After 30 minutes natapos ko rin ang problem ng walang kahirap hirap .
"Done na Sir."
Sabi ko pag kabigay ko ng paper sa teacher.
"Ang bilis ah. Okay take your seat."

After ng 1 hour ay nag declare na si Sir na ipasa na ang mga papel ang iba ay diba tapos at basta nalang pasa ng papel sa harap.

"Ako na mag ttsek ng papers niyo . okay class dismissed. Puwede na kayo mag break."
Pagkasabi nun ay biglang naghiyawan ang mga classmates ko .

"Bessy! Ang galing mo kanina ah. Bilis mo matapos."
Nag smile nalang ako sa kanya at tumayo na para pumunta ng canteen.
Nakita ko naman na sumunod na rin si staycie. Nang makarating kami sa canteen ay puno ang mga lamesa at wala ng bakante.

"Wala ng bakante staycie. Sa bench nalang tayo."
Sagot ko kay staycie.

Napag desisyunan nalang namin na umalis sa canteen. Habang naglalakad kami sa hallway ay  nadaanan namin ang magkakaibigan na sina -- Helga,Jennifer,Darwin and Matthew.
Kaya napahinto kami ni staycie sa paglalakad.

"Sharmaine ikaw pala. Puwede kaba mamaya?"
Tanong agad sakin ni darwin.
"Saan?"
Tanong ko naman.
"Sa party mamaya birthday kasi ng pinsan ko. At kasama din sila."
Turo naman ni darwin kila helga.
"Uy siya lang ? Paano ako?"
Sabay puppy eyes ni staycie.
Eww para namang tuta tong si staycie hindi bagay.

"Oo naman. So paano? Mamaya ha? Text ko nalang si staycie ."
Pagkasabi niya nun ay umalis na sila sa harapan namin at dumiretso na paalis.

"Pansin ko bessy laging active yung mga yun pag party."
Takang tanong naman ni staycie sa akin.
"Pansin ko nga."

Pagkasabi ko nun ay  nagpatuloy na kami sa paglalakad at nakakita kami ng bench na bakante pag kaupo namin ay may tumama naman saking bola ng soccer sa may bandang balikat ko.

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon