Alvin's POV
"Alvin anak may tanong ako sayo."
Habang kumakain ako ay nagulat naman ako dahil may tanong si mom siguro tungkol yun kagabi paano kasi natuloy ako kila darwin at ang kasama ko si staycie pero nakauwi naman kami sa tamang oras ee. Pero bakit magtatanong si mom naku kinabahan naman ako bigla dun."Ano po yun?"
Tanong ko sa kanya .
"Kayo na ba nung Sharmaine?"
Tanong ni Mom na nakangiti ng wagas.
"Hindi po bakit?"
Dagliang sagot ko.
"Hindi ?! Aba'y ang bagal mo naman! Umayos ka Alvin ha baka maunahan ka diyan ng iba . Aba Kagandang bata ni sharmaine at mabait pa Ano pa hahanapin mo tapos galing pa sa magandang pamilya."
Mahabang pagpapaliwanag ni momy.
"Pero mom sa kilos niya at sa ginagawa kong kamalasan sa kanya posibleng magkagusto siya sa akin. "
Dahil sa sagot kung yun ay napadabog siya bigla kaya yung kinakain kong bacon ay tumalsik sa mukha ko."Ee ikaw pala May kasalanan kung bakit hindi ka magustuhan .Anak ang gawin mo try mo ligawan . dali na anak kasi para sa akin si Sharmaine na ang gusto ko maging manugang."
Sabi ni mom na akala mo nag dday dream pa.Naubo naman ako sa tinuran ni mom .
"Mom malabo mangyari yun."
Sagot ko agad kay mom.Oo malabo mangyari dahil natamaan ko siya ng bola ng soccer kahapon hindi ko naman sinadya ee sabi kasi nung lider nung grupo namin lakasan ko naman daw kasi tulala daw ako kaya nilakasan ko lalo hindi ko naman alam na pupunta sa pwesto nila sharmaine. At si sharmaine pa talaga ang natamaan.
Hindi ko nalang pinansin ang pinagsasabi ni mom dahil ipagtutulakan niya pa ako lalo kay sharmaine. Pero mabait naman si sharmaine ee pati napakaganda pa .
Kaya nga nakita ko lahat ng mga pumoporma sa kanya nandun ako nung araw na yun. Yung araw na hinarang siya ni Nathan. Sakto kasi napadaan ako sa klase niya. Nandun din ako nung nasa canteen sila at hingian siya ni Leo ng number nandun naman ako kumakain kasama mga classmates ko. at siyempre ako ang humila sa kanya nung nandun naman siya sa quadrangle nang bastedin niya si Luis dahil napansin ko ang daming tao roon kaya nang makita ko yun gusto ko siya iligtas kaya gumawa ako ng eksena at saka pagkakataon ko na yun para imbitahin siya sa amin nun . Lalo na nung kay harold nandoon din ako well coincidence lang kasi nakita ko siyang hinahabol ng harold na yun kaya dali ko siyang kinuha.
Bakit ganun sa tuwing kailangan niya ng tulong at wala siyang mahihingan ako lagi ang nandiyan para sa kanya. Pero dahil sa kamalas malas talaga ee nagkakataong lagi ko siyang natatapunan o natatamaan. Hindi kaya kami na talaga ang itinadhana. Naku mga iniisip ko nahahawa na tuloy ako kay mom. Pero paano kaya kung maunahan na nga ako ng iba sa dami ng nanliligaw kay sharmaine posible wala siyang magustuhan.
--
Sa CampusHeto ako naglalakad sa hallway para hanapin si Sharmaine napagdesisyunan ko kasi pormahan siya alam kung iniisip niyo dahil utos ni momy ito. Pero hindi parang gusto ko na rin ata siya. At may dala akong isang flower ngayon na pinitas ko pa sa likod ng school sana hindi niya mahalata .
Nakita ko naman si sharmaine sa loob ng room nila na nakikipagtawanan kay staycie. Kaso kinakabahan ako ganito pala ang feeling ng nanliligaw . Nakaka kaba.
Nakita naman ako ni sharmaine at nagtaka pa . kaya dali dali siyang hinila patayo ni Staycie at nagtungo sa kina tatayuan ko.
"Anong ginagawa mo rito?"
Mataray na tanong ni sharmaine sa akin na ngayon ay nakataas ang kilay.
"Eto oh."
Sabay abot ko sa kanya ng bulaklak na pinitas ko pa sa likod ng school.Nakita ko namang nagtaka siya . Samantalang si staycie ay ngiting ngiti na naka tinging saming dalawa.
"Ikaw ha Alvin marunong ka pala manligaw ?"
Tanong agad sa akin ni staycie.
"Ah eh sharmaine sana magustuhan mo yan . s-sige alis na ako."
Pagkasabi ko nun ay umalis na ako sa harap nila at tumakbo agad may mga nababangga pa akong mga studyante ang iba ay minumura na ako pero wala akong pakialam. Dahil ang nararamdaman ko ngayon ay sobrang saya parang lumabas lahat ng kaba ko kanina matapos ko ibigay sa kanya yung bulaklak .Saan nga ba ako pupunta ngayon ? Ay oo tama sa klase pagkapunta ko sa room ko ay naupo na ako sa puwesto ko.
Sakto kakarating lang ng teacher namin. Nagsabi ito na First exam nanamin. Well hindi na ako nagulat kasi nakapg aral na ako . pag katapos ng ilang oras na pagsagot ko ay natapos din ako. Ganun din sa mga ibang subject natapos din ako ng pagsagot . maya maya nag declare na ang teacher namin na puwede na raw umuwi ang tapos na.
Nang marinig ko yun ay dali dali akong tumayo at pupunta ako ngayon sa room ni Sharmaine para bisitahin siya. Nang malapit na ako sa kanila ay napansin kong nag uwian na ang iba pero si sharmaine ay hindi ko makita . kaya naisipan ko magtanong sa isa niyang classmate.
"Puwede magtanong? Nasaan si Sharmaine?"
Tanong ko.
"Naku kakaalis lang kasama ni staycie."
Sagot niya.
"Ah sige salamat."
Pagkasagot ko nun ay umalis na ako at nagsimulang libutin ang buong campus para hanapin siya. Kaso pag nakita ko siya ano naman sasabihin ko sa kanya . ee kung imbitahin ko siya sa amin para mag dinner . tama iimbitahin ko siya.Ilang oras na ako paikot ikot pero wala paring sharmaine akong nakita nasaan na kaya siya. Nakita ko naman si staycie na naglalakad magisa . kaya dalian akong pumunta sa kanya.
"Staycie!"
Pagkasabi ko nun ay nakita ko naman siyang lumingon sakin at nag smile.
"Oh alvin bakit?"
Tanong niya.
"Si s-sharmaine?"
Tanong ko pagkatapos ay napayuko .Nakita ko naman na napa smile siya .
"Ikaw ha napapansin ko parang iba na yan. Sabihin mo nga may gusto kaba kay bessy?"
Tanong niya."Ah ee--"
"Aminin mo na Alvin. Naku ang malas este ang swerte naman ni Bessy. Basta ha ipagpatuloy po lang panliligaw sa kanya. Wag kang susuko."
Pagkasabi niya nun ay umalis na siya sa harapan ko. At ako naiwang tulala. Tama hindi ako susuko sa panliligaw kay sharmaine.A/N: oh em gee determinado na talaga manligaw si fafa Alvin.
Okay readers abangan niyo po ang next chapter. ;)#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...