Alvin's POV
Ang saya ko kasi si Sharmaine ang kasama ko . Ang kaso baka mamaya hindi na niya ako tuluyang kausapin kasi kasama niya ako dito sa kwarto. Baka iniisip niya gagawan ko siya ng masama. Naku hindi ko naman ugali yun.
Heto ako ngayon nag aayos ng mahihigaan. Dapat talaga hindi ako sasama sa bakasyon na ito pinilit kasi ako ni staycie na pagkakataon ko na raw to para maka pogi points kay sharmaine.
"Hoy alvin wag ka magtatangka ng masama sa akin kundi papatumbahin kita."
Sabi niya habang nag aayos din ng higaan hindi kami naka double deck bali mag kahiwalay kami ng kama. Dahil sa sinabi niyang yun lalo tuloy ako natakot sa kanya.
"Hindi ko naman gagawin yun kasi may respeto ako sayo. Na kahit nanliligaw pa lang ako hindi ako nag tatake advantage."Nakita ko namang napatigil pa siya sa pag aayos ng higaan. At humarap sa akin.
"Sige aasahan ko yan."
Nang sabihin naman niya yun ay lalo akong natuwa."Bakit ka naka ngiti diyan." Tugon niya."Natutuwa kasi ako dahil naniniwala ka sa akin salamat."
Sabi ko. " Nga pala Alvin totoo ba iyang panliligaw mo? Baka ginugudtime mo lang ako."
Sa sinabi niyang yun ay napatingin ako sa kanya ng matagal. " Oo totoo yung panliligaw ako sayo . Sana payagan mo ko. At sana hindi ako matulad sa mga binasted mo. Maniwala ka sa akin gagawin ko ang lahat mapasagot lang kita. "Mahabang paliwanag ko sa kanya. Napansin ko naman na napa ngiti siya. Ang ganda pala ni Sharmaine pag naka ngiti. Hindi nakakasawang tignan. Kaya napa ngiti na rin ako.
Ilang minuto lang ay may kumatok na sa pintuan.
"Bessy! Maaga pa ha? Wag excited ."
Nakita ko namang tumayo si Sharmaine bitbit ang isang unan. Pagbukas niya ng ng pinto ay bigla niyang hinampas si staycie gamit ang unan na bitbit niya. Kaya nag alala ako na baka nasaktan si staycie ."Aray Ko naman bessy brutal ka talaga! Nagbibiro lang ee."
"Ewan ko sayo! Kung ano ano kasi iniisip mo . hay nako makalabas na nga lang."
Napansin naming lumabas bigla si Sharmaine. At naiwan kami ni staycie.
"Okay ka lang ba staycie?"
Tanong ko sa kanya.
" Ano ka ba biruan lang namin yun. "
Sabay ngiti niya.
"Ah akala ko nasaktan ka."" Naku ikaw talaga alvin wag ka nga ganyan. Sige ka baka mainlove ako sayo."
Nagpintig naman yung tenga ko sa narinig ko." Biro lang." Pahabol niya.Akala ko totoo na. Kasi kung mangyari man yun hindi ko siya masusuklian kasi si Sharmaine na nililigawan ko. At seryoso ako sa kanya.
"Tara na nga."
Hinila naman ako ni staycie pababa ng hagdan . nang makababa na kami ay nakatingin naman sa amin ang Barkada."Kayo ahhh."
Pansin ni Jeni.Saka ko lang nalaman na nakakapit pala sa braso ko si staycie. Kaya pala iba mag salita si jeni. " Wala to jeni! Friend lang kami nito ni Alvin. Diba alvin?"
Tingin niya sa akin habang nakakapit pa rin sa braso.Nakita ko naman na masama ang tingin sa akin ni Sharmaine. Naku baka iba isipin niya sa akin. Kaya ako na ang nagkalas sa hawak sa akin ni Staycie.
" Okay guys Change topic na tayo. Sa ngayon mag sswimming tayo sa dagat malapit lang dito yun. Pero dahil may mga dala tayong pagkain. Ee Maglalakad tayo."
Sabi ni Tristan."Huh? Akala ko sasakay ."
Reklamo ni jeni. Sabay kamot sa ulo.
"Bakit pa tayo sasakay? Ee malapit nga lang dito . Mga 15 minutes lang kung lalakarin."
Paliwanang ulit ni tristan."Sige go kami diyan! Para Adventure ang Ganap."
Sabat ni Matthew.Kaya wala na kaming nagawa at kumuha na ng mga gagamitin panligo at ang iba ay nag ayos na sa kanilang dadalhin.
Ilang minuto nga lang ay nakarating na kami sa dagat. Ang ganda ng dagat napakalinis at kulay puti pa ang buhangin nadaig pa ang boracay pati may mga cottage pa.
"Ang ganda naman dito! Ee teka lang? Bakit parang tayo lang ang tao dito."
Takang tanong naman ni Staycie.
"Ee kasi staycie samin tong resort pati narin yung tinutuluyan natin ngayon. Kaya mag paka enjoy tayo."
Pagkasabi niya nun ay pumunta na kami sa cottage namin na kung saan may ihawan na. At sumunod na kami kay tristan . Nakita ko namang nilapag na nilang lahat ang mga gamit pati mga pagkain sa mesa .Si Sharmaine ang katulong ni Tristan sa pag hahanda ng pagkain. Habang si Staycie,helga, at jeni ay nagpunta na sa palitan ng damit at si Matthew ay nag pipicture ng dagat. Naalala ko pala photographer din pala sa campus si matthew. Habang si darwin naman ay nag hahanda na ng iihawin.
"Oh Alvin? Hindi ka pa ba mag sswimming?"
Tanong sa akin ni Tristan. Habang nag hahanda ng pagkain."Hindi pa. Maya maya na lang."
Sabi ko." Okay ikaw bahala."sagot ni tristan sa akin.Nakita ko ng nakalabas na ang tatlo sina jeni,staycie at helga.
Nakita ko pang natulala sila matt at darwin sa kanilang tatlo.
"Wow helga ang sexy mo talaga."
Sabi ni Matthew kay helga.
"I know right!"
Pagmamayabang ni helga.Hindi ko nalang sila pinansin mag usap at dumiretso na ako sa papalitan ko para maligo na.
Ilang minuto lang nakapag palit na ako ng panligo ko. Naka Short lang naman akong mahaba tapos naka topless. Nang papunta na ako sa kanila . napansin ko namang tulala si Sharmaine sa akin. Lumingon naman ako sa likod baka nagkakamali ako pero wala namang tao.
"Sharmaine bakit?"
Tanong ko sa kanya .
"W-wala ah. . ano. . kasi ahm ee --""bessy! Wag mo sabihing na ddrool ka sa body ni Alvin. Infairness may sinabi ."
Sabat naman ni staycie."Kadiri ka naman staycie. Hindi ako ganun noh. Ano kasi ahm may dumi kasi siya sa mukha. Oo tama ang kaso nawala na"
Sagot ni sharmaine sabay smile sa akin.Napataas naman ng kilay nun si jeni. At nagsalita.
"Talaga lang ha.""Tama na yang mga ganyan! oh kumain muna tayo ."
Sigaw ni Tristan sa amin.Pagkasabi naman ni tristan ay kumain naman kami. After naming kumain nag swimming na ang lahat habang ako naisipan kong maglakadlakad lang.
Pero habang naglalakad ako napansin kong may sumusunod sa akin.
. . .
A/N: sunod sunod ako mag update ^___^ wala ee gusto ko matapos agad to.
Please support my story. Comment lang po kayo wag nega . naku magkaka war tayo xD joke! Mabait ho ako.
#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...