Staycie's POV
Hindi ko na pinatapos pa magsalita si Bessy dahil gusto ko na magtapat kay Mark. OO ! Magtatapat ako sa kanya. Mahal ko pala talaga siya? Kasi diba ang sakit lang kasi yung feeling na iniiwasan niya ako nitong nagdaang araw. Ang sakit lang isipin na may girlfriend na siya agad. Pero hindi pala totoo kasi nag pepretend lang sila.
At heto ako ngayon sinisimulang libutin ang buong campus para hanapin si mark. Napahinto naman ako sa paglalakad ng may narinig akong dalawang boses na nag uusap. At dahil dakilang CHISMOSA ako ee, uunahin ko muna toh bago ko hanapin si mark.
"Mahal kita Mark, sobrang mahal kita! Mahirap ba intindihin yun ah?! Na kahit nag papanggap lang tayo. Para saktan ang feelings ni Staycie ee okay lang sa akin, basta mapunta lang sa akin ang atensyon mo!"
At nakikita ng dalawang mata ko ang pag-uusap ng dalawang tao na sina Mark at janine. Pero hindi nila ako makikita dahil Nakatago ako sa gilid.
At Halatang nag coconfess siya ng nararamdaman niya kay mark. Hmp! Asa naman siyang magkagusto talaga sa kanya si mark noh. Tss, napaka desperada pala nitong babaeng ito ee.
"Pero Janine, Mahal ko si staycie."
Sabi ni Mark.Wow kinilig naman ako dun.
"Oo! Tama na! Wag ng paulit-ulit ang sakit na kasi."
Sabi ni janine na naluluha pa.Buti nga sayo, bitch ka kasi ! inagaw mo sa akin si mark.
"Sorry janine, sorry kung nadadamay ka sa ganito. Sorry kung ginagamit kita."
Sabi ni mark."Okay lang kahit gamitin mo ako ng pang matagalan, basta makasama lang kita araw-araw, okay na sakin yun."
Ay grabe ? Desperada much na talaga itong bitch na toh. Sarap upakan ee.
"Pero janine... napag isip-isip ko kasi na itigil na natin toh."
Itigil? Wow! Natuwa naman ako dun, so ibig sabihin wala ng balakid sa buhay namin ni mark?
"Huh? *sob* H-hindi... *sob* ayoko! Tuloy natin toh."
Ay peste siya! Sarap na talaga upakan nitong babae na ito ee. Ang landi talaga pinipilit niya kahit ayaw naman sa kanya. Sarap tuloy niyang paslangin ayoko na siya sapakin. Paslang nalang para tapos na!
"Janine naman, hindi ko na kaya mag panggap tayo hindi ko na kayang--
"Buntis ako!"
"Anong--
At dahil sa hindi ko na nakayanan yung narinig ko. Umalis nalang ako bigla sa pinag tataguan ko. Akala ko may pag- asa na kami mark. Akala ko magiging masaya na kami dahil parehas kami ng nararamdaman sa isat-isa.
Akala ko lang pala iyon, kasi mas masakit pala malaman yung may nangyari sa kanila. At worst bata na ang naiinvolve. Wala na akong pag-asa .
Habang naglalakad ako bigla nalang ako may nabangga na lalaki.
"Staycie? What happen?"
Dahil sa hindi na ako makasagot at parang naghihina na ako niyakap ko nalang si darwin.
Oo, Si darwin ang nabangga ko ng hindi ko namamalayan.
"Please, ilayo mo ako dito."
-------
Darwin's POV
Nandito kami ni staycie sa bar. Bar na puwede sa tulad naming teen ager palang. Ee wala naman ako maisip na pagdadalan sa kanya ee. Kasi halatang may problema siya at alam ko alak ang solusyon.
"Magkuwento ka staycie."
At nagsimula na nga siya magkuwento, habang nagkukwento siya nakikita ko ang lungkot sa mata niya. At habang nag kukwento siya tungga lang siya ng tungga ng alak.
Halatang Inlove na nga talaga siya kay Mark. Huli na pala ako. Hays, kahit kailan talaga lagi nalang ako malas sa pag-ibig wala ba talaga sa akin magmamahal?.
"Shabihin mo nga! Ha?! Darwin ? Anong gagawin ko sha mga hayoooop na iyon?! Susunugin ang katawan nila o cho-chop chopin para mawala na sila sa mundo! Whahaha!"
Sabi ni staycie na natatawa pa, may natatawa bang umiiyak? Tss, baliw na talaga siya. Ayokong nakikita siyang ganito. Ayokong nakikitang siyang nasasaktan. Kung may magagawa lang sana ako ee.
At grabi lang talaga itong babaeng toh lasing agad ? Nakakailang baso palang kami ee. Hays mahina talaga siya sa alcohol.
"Dapat mong gawin ? Mag move-on."
Sagot ko sa kanya."Move-on? *hik* hahaha! Hindi nga naging kami, move-on pa?!"
Sabi niya, tapos ay tumungga ulit."Hindi naging kayo, pero minahal mo siya at minahal kadin niya."
"Tss, minahal? *hik* ee shirauloooo pala siya! Minahal ba iyon? Nagawa niyang makipag *toot* sa babaeng iyon!"
Sabi niya tapos tumungga nanaman.
Hays kailangan ko na siya pigilan at baka sumuka pa siya dito.
"Tama na staycie, nakakarami kana."
Awat ko kay staycie ng tutungga ulit ng alak.Pero hinawi niya lang ang kamay ko.
"Hindi! *hik* hayaan mo ako magpakalasing! gusto ko lang mapawi yung sakit na nararamdaman ko ngayon *sob* ang sakit-sakit kasi talaga."
Sabi ni staycie habang nakahawak sa left chest niya. At tuloy-tuloy sa pag iyak."Staycie, sorry kung wala akong magawa para pagalingin yung sugat sa puso mo, kahit naman ako gumawa ng paraan para pagalingan yan, alam ko mag iiwan parin ng peklat yan."
Paliwanag ko sa kanya.
Napansin kong huminto siya sa pagtungga at lumapit sa akin.Tapos ay hinawakan ang magkabilang mukha ko.
"Darwin *hik* please.. Love me."
Matapos niya sabihin yun unting-unti lumapit ang mukha niya,hindi ako makagalaw. Ewan ko ba kung bakit.
Namalayan ko nalang na nagdikit na ang labi namin. Ngayon ko lang napagtanto . . .
Mahal ko na pala siya.
----
A/N: How was my update? Comment po kayo and mag vote :*
Abangan ulit ang next chapter.
#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...