--> Oh Sehun as Alvin Cortez
---
Alvin's POV
"Ikaw bata ka! Bakit kaba nahuli? alam mo namang gagamitin ng ate mo yang mga damit . tapos ano to ? Bakit ang gugulo. Galing kang Mall diba ? Bakit parang galing ka sa palengke."
Heto nanaman ang sermon ni mom, ayoko sa lahat yung nagagalit siya kasi feeling ko ikamamatay ko.
Para siyang dragona pag nagalit. Kaya lang naman ako natagalan dahil sa asong maliit na dumaan sa harapan ko. Pagkatapos doon pa sa babaeng natapunan ko ng ice cream . Pati na rin doon pa sa mga taxi driver na ayaw ako pasakayin kaya naglakad nalang ako.
"Ano ?! Pasensya nanaman isasagot mo. Hay nako! wala na magagawa pasensya mo, kasi? hindi na naka attend ang ate mo sa photoshoot. Hala! Umalis ka sa harapan ko at nabibuwisit ako pag nakikita kita!.
"O-opo"
kaya dali dali akong umalis sa harapan ni mom at baka mag evolve pa siya lalo. Dumeretso nalang ako sa kwarto ko at naglock ng pinto.
Pagkatapos nahiga ako sa kama. Ang daming nangyaring kamalasan sakin ngayong araw. Sus, lagi naman akong malas .
*kring* *kring*
Narinig ko naman na may tumatawag.
Saan ko nga ba yun nilagay? Kaya, tumayo ako sa kama at hinanap ko.Kung nasaan ang cellphone ko. Naririnig ko pa din na nagriring . kaya lalo akong nagmadali maghanap and finally Nakita ko naman, na nasa may ilalim lang pala siya ng kama.
Pag kakuha ko ng cellphone nakita ko ang nasa call ay si darwin isa sa mga classmate ko.
"Hello?"
"Yown! Sinagot mo din so ano pwede ka ba bukas? ."
"Saan naman ."
"Edi dun sa bahay ni staycie, may pool party siya at gabi iyon gaganapin. kaya wag ka mawawala kasi mga ka schoolmate natin nandoon. "
"Hindi ako sigurado, baka hindi ako payagan ni mom."
"Aysst.. puro ka nalang hindi pwede . pwede yan ! Oh kaya tumakas ka. Sige na pati ba naman to tatanggihan mo at saka nandoon din yung bestfriend ni staycie kaya pupunta din kami."
"Sino?"
"Hala? Hindi mo kilala? Aysst.. ewan ko ba sayo! kung sang lupalop ka galing at hindi mo siya kilala. Aaah basta! Pumunta ka nalang bukas asahan ka namin"
"Eh tek----"
*toot* *toot*
Ano ba yan binaba pa. Hindi talaga ako sigurado kung makakapunta ako. At saka sino bang bestfriend ni staycie. At saka sino ba si staycie?
--
KINAUMAGAHAN"Mom p-pwede po ba ako umalis mamayang gabi?"
Tanong ko kay mom habang nag aalmusal kami kasama si ate."Hindi! Grounded ka makakalabas ka lang pag pasukan niyo na."
Paliwanag ni mom habang kumakain padin."Okay po." Sagot ko.
"Bakit little bro? Saan kaba pupunta mamaya? At bakit gabi pa."
Tanong naman ni ate sakin.Si Ate lang talaga ang ka close ko sa lahat. Si dad kasi, wala na.. sumakabilang Bahay na.
Kaya laking pasasalamat ko pag sinesermunan ako ni mom si ate ang nagtatanggol sakin.
"Sa party po."
sagot ko.Kumunot naman ang noo ni ate
"Party? Anong klaseng party?"
"Sa pool po."
"Ahh.. overnight swimming. Oh mom? swimming lang pala. Wala namang mangyayari doon. Kaya okay lang na payagan mo siya."
Napatigil naman si mom sa pagkain."Kahit anong gawin niyang kapatid mo Alyana, hindi pa din siya makakalabas. Kasi dahil sa kanya! kaya hindi ka naka attend ng photoshoot niyo sa boracay. "
sagot ni Mom na pagalit."Mom, wala na yun. Naintindihan naman ng manager ko yung nangyari, sabi ko.... nagka emergency."
"Ah basta! Hindi siya makakalabas."
Napatingin naman sakin si ate at nag sorry-Look.Nag senyas nalang ako ng smile sa kanya.
Pagkatapos ko kumain pumunta nalang ako sa kwarto at nanood nalang ng tv.
--
9pm na at nagtext na sa akin si darwin. Sabi niya, papunta na raw sila sa bahay ni staycie. Pag pinayagan raw ako sumunod nalang ako dun. Pero kung hindi tumakas nalang.
So ibig sabihin wala din pala akong choice? Kaya naisipan ko nalang kumuha ng papel at ballpen .
Pagkatapos ko magsulat iniwan ko ang papel sa may harap ng pintuan ni mom.
Kaya naman naka alis agad ako ng bahay ng walang nakakakita sakin.
--
A/N: hala readers ano kaya ang sinulat ni Alvin doon sa papel . hmm makakarating kaya siya agad sa bahay nila staycie. ang tanong alam ba niya ang bahay nila staycie? -__-.#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...