Chapter 16 (AIKM)

135 7 0
                                    

Sharmaine's POV

"Ah eh nagulat ba kita?"
Sabi ko kay Alvin. Paano sumunod kasi ako sa kanya. Dahil napansin kong hindi siya nag sswimming at naglakad siya kanina palayo and besides wala ako sa mood maligo kaya sinundan ko siya ngayon.

"Hindi naman. Bakit ka pala nandito? Ayaw mo ba samahan sila mag swimming?"
Tanong niya sa akin habang nakaupo na sa batuhan. Nakaupo na kami ngayon dahil siyempre mag uusap kami. At saka siguro napagod na rin siyang maglakad.

"Wala ako sa mood ee."
Sabi ko sa kanya. Habang nakatanaw sa araw na papalubog na. Ang ganda talaga ng sunset.

"Ah."
Tipid niyang sagot.

" Alvin"

"Sharmaine"
Sabay naming sabi.

"Ah hindi ikaw na mauna."
Paubaya ko sa kanya.
"Hindi sige ikaw nalang babae ka ee."
Sagot naman niya.

" Yan nanaman tayo sa katagang "Ladies First" nakakasawa na ee. Kayo namang mga lalaki mauna. "
Mahabang paliwanag ko sa kanya.

"Ano kasi napapansin kong malapit kayo ni tristan?"
Tanong niya sa akin.

At bakit niya naitanong yun? Don't tell me nagseselos siya.

"Selos ka noh?"
Prangka kong sagot.
"Hindi ah."
Sagot niya agad.

Oh edi ako pahiya -___-.

"Ah sorry assuming ako ee. Well si kuya Tristan kababata ko siya kaya ganun kami ka close."
Sagot ko.
"Akala ko nanliligaw din siya tulad ko?"
Dahil sa sinabi niya napatingin naman ako.
"Nanliligaw? Hmm. . .posible yun nakababatang kapatid lang tingin nun sa akin."
Dagdag ko pa.

"Pero pag nanligaw siya halimbawa babastedin mo siya o bibigyan mo ng chance?"

Tumingin ulit ako sa sunset at napaisip. Oo nga noh what if nga kung manligaw siya? Siguro babastedin ko siya kasi kuya lang talaga tingin ko sa kanya.

"Nandito lang pala kayo."
Napatingin kami sa nagsalita at nakita namin si Kuya tristan na nakangiti.

"Ikaw pala kuya tristan."
Pagkasabi ko nun ay napatayo ako sa kina uupuan ko ganun na din ang ginawa ni Alvin.

Ilang minuto lang nasa rest house na kami sabi ni kuya tristan nauna na raw sila darwin dahil napagod daw sila kakalangoy. Hayss sayang hindi ako naka swimming. Di bale may bukas pa naman.

Pagkarating namin ng resthouse nakita naming walang tao sa sala. siguro nasa kwarto na nila.

"Kuya akyat na ako ha ? ."
Sabi ko sa kanya habang nakaupo sa sofa. At si Alvin naman ay ganoon din.

"Hindi ka pa kumakain ah?"
Sabi ni kuya tristan.
"Bukas nalang kuya tinatamad na ako ee. Sige ."
Pagkasabi ko nun ay tumayo na ako sa sofa at umakyat na ng hagdan. Para pumunta na ng kwarto. Pag karating ko sa kwarto ay dalian akong humiga sa kama.

Wala naman nangyari ngayong araw nagkuwentuhan lang kami ni Alvin. Oo nga pala kaya pala ako natulala kanina sa kanya nung nagpalit na siya panligo. Ee ano kasi ang HOT niya >…<! . ayst ang dumi talaga ng utak ko. Iba na nga lang isipin ko.

"Hindi ka rin ba makatulog?"
Nagulat ako sa nagsalita. Si Alvin lang pala. Na kakapasok lang ng kwarto at ngayon aypaupo na sa kama niya.

"Ah  oo ee."
Sabay smile ko sa kanya.
"Maganda ka."
"Hah?"
Nagtaka naman ako kasi bigla bigla siya nagsasalita ng ganun. "Maganda ka lalo pag naka smile. "
Sagot agad ni Alvin sabay kamot niya sa ulo. Aww >_<! Bakit ang Pogi niya LALO nung ginawa niya yun. Kaloka!!!.

"Sharmaine isa pa pala."
"Ano yun?"
Nagulat naman ako dahil lumapit siya sa akin at ngayon ay nakahawak sa dalawang kamay ko.

*dug* *dug* *dug* *dug*
Oh my! Eto nanaman si puso. Pinupusuan ako ! >_< ano ba nangyayari sa akin.

"Nasayo na ata puso ko ee."
Hah? Puso daw niya ? Ano yun joke?. Adik ba siya anong kinain niya.

"Anong kinain mo at ganyan ka."sagot ko sa kanya habang umiiwas ng tingin sa kanya. Bakit ba nadidistract ako sa pagtingin niya ee.

"Sharmaine Mahal na yata kita."
Sagot niya habang nakatitig sa akin at hawak niya ang dalawang kamay ko.

Parang may paru-paru nanaman sa tiyan ko. Enebeyen ! Bakit ganito ang bilis niya. At saka bakit pag siya nagsasalita ng ganito wala ako masabi na kapag ang ibang nanliligaw sa akin sa campus parang baliwala sa akin.

Anong bang meron Sayo Alvin Cortez.

. . .
A/N: sorry

Short Update muna wala pa kasi ako maisip ee na pwedeng maging sunod na mangyari. At Omo !!!! >…< umamin na talaga siya! .

#KwonYuri027

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon