Chapter 36 (AIKM)

86 5 0
                                    

Staycie's POV

"Saan ka galing?"

Ay peste na palaka! Nagulat naman ako dun. Kasi kakapasok ko palang ng bahay ee bigla ba namang magsalita tong Fiance ko.

Diba nga galing ako kina Bessy. Kasi nagdrama ako?

"Sa BestFriend ko."

Well totoo naman ee.

"Sa bestfriend mo o sa lalaki mo?

Bigla naman ako napahinto sa pag akyat ng hagdan ng sabihin niya yun.

"Wow ha ? Lalaki agad? Maka asta ka diyan parang mag asawa na tayo ah ."

Hindi porke fiance ko siya kung umasta siya parang asawa ko na.

"Bakit hindi ba ? Were Engage."

Sabi niya sa akin.

"Excuse me? Naka Arrange Marriage lang tayo. kaya may possibility pang ma urong yun."

Hmm! Akala niya. Sungal-ngalin ko siya diyan ee.

"Kung meron man, well hindi ako papayag."

Aba't?!!

"Wow? Ang KAPAL mo naman para hindi ka pumayag."

Oo makapal talaga siya!

"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin, pero hindi talaga ako papayag."

Arggh! Ang tigas ng ulo niya! . pinapa init niya dugo ko. Peste.

"Yung totoo? DESPERADO kaba makuha ako?"

Pagkasabi ko nun tinaasan ko siya ng isa kong kilay.

"Paano kung sabihin kong .. OO ? Kinukuha ko lang yung dating AKIN."

dating kanya? Ang KAPAAAL! talaga niya! Sobrang kapal. >_________<!

"HOY ! FOR YOUR INFORMATION, hindi naging tayo, walang tayo.. There was never an US."

Oha?! Musta naman yung mala Sarah G ko na acting. Pagkatapos ko sabihin yun tumuloy na ako sa kwarto. Napansin ko namang susundan niya ako kaya ni double lock ko agad yung pinto ko.

"Princess! Buksan mo ang pinto ! Mag usap tayo!"

"At bakit?! ... hindi natin kailangan mag usap ha! "

Narinig ko pang kumakatok siya. Ako naman naka talukbong na ng kumot.
Wala akong panahon makipag talo . dahil ma hahagard lang ang BEAUTY ko .

At saka Hindi parin nawawala galit ko sa kanya. Akala ko kaya kong pag bigyan siya. Pero sa inasta niya kanina sa akin NAGBAGO na ...

Naisip ko nag iba na siya, nag iba na talaga. At nangyari yun SIMULA NG IWAN NIYA AKO. hindi na siya yung dating minahal ko . hindi na siya yung dating PRINCE ko.

Nagbago na talaga siya!
Napansin ko namang hindi na siya kumakatok.

"Princess, mahal kita SOBRANG MAHAL NA MAHAL KITA, kaya sana wala pa akong kapalit diyan sa puso mo. I Love You My Princess, your my Everthing tandaan mo yan."

......

Arjohn's POV

(A/N: oh yeah! May POV na ang Fiance ni Staycie!)

Pagkatapos ko sabihin yun.. Nag flashback naman sa akin yung nangyari sa canteen kanina. Remember yung nadulas siya sa canteen.

Flashback

Nandito ako sa school ni princess para ipaalam sa kanya na nagtransfer ako. Para kahit papano mabantayan ko siya.

Nagtanong tanong ako sa mga studyante kung nakita nila si Staycie. Nung una hindi pa sila maka sagot dahil grabi lang yung pagkatulala nila sa akin. Well sanay na ako roon . sa states palang ganun na din.

Nang masagot nila kung nasaan si staycie ee pumunta na ako sa canteen dahil sa oras na to baka raw nasa canteen yun.

Nang makarating na ako ng canteen may nakita akong dalawang tao na naghahabulan. Saka ko lang nakilala yung babae na si staycie pala yun.

"Oh my ghaad! Ang sweet nila Mark at staycie noh?"

"Oo nga friend! Ang suwerte ni staycie kasi katulad ni mark ang kahabulan niya ngayon."

"Perfect couple sila mga girls."

Yan ang mga naririnig ko ngayon sa mga studyante habang nakatingin kila ..Err Mark? At sa princess ko. Halata sa kanila na masaya sila sa paghahabulan. Bakit ganun? Nahuli na ba ako ng pagdating? May kapalit na ba ako sa puso ni princess?

Napansin kong nadulas sa pagtakbo si staycie. Kaya dali dali ako pumunta sa kinaroroonan niya at binuhat na siya ng pa bridal style halatang gulat ang mga studyante sa amin. Pero hindi ko yun pinansin dahil baka may sugat siya.
Kaya kailangan makapunta agad siya sa clinic.

Nang papunta na kami sa clinic napapansin ko talagang may naka sunod sa amin. Pero pinagwalang bahala kulang yun.

Pagkapasok namin sa loob..
Inilapag ko agad siya sa higaan roon.

"Princess , may masakit ba sayo ? May sugat ka ba ha?"

"Ano kaba, okay lang ako wala akong sugat sadyang lampa lang ako.. Bakit ka pala nandito?"

"Para ibalita sayo na nagtransfer ako dito."

"Nagtransfer ka? Bakit?"

"Gusto ko bantayan ka?"

"Ahh, nakakahiya nadapa pa ako doon."

"Haha! Okay lang ang cute mo nga ee para kang bata."

"tss"

Pagkatapos ko sabihin yun lumabas muna ako para bilhan siya ulit ng pagkain paano kasi hindi naubos yung pagkain niya dahil nga sa habulan nila nung?... Mark ata .

Palabas na ako ng pinto ng clinic nang mapansin kong naglalakad siya paalis. So ? siya nga ang sumusunod sa amin.

"Hey"

Tawag ko sa kanya.
Nakita ko namang lumingon pa siya.

"Problema?"
Tanong niya sa akin, pero mahinahon lang naman.

"Puwede bang layuan mo si Staycie."

Sabi ko sa kanya .

"Why would i ?"

Aba? At nagtanong pa? Pwes para matigil ka sa pagtatanong sasabihin ko sayo na ...

"Im his Fiance, So? BACK-OFF"

Sabi ko sa kanya sabay pasok ulit sa clinic ayoko lang talaga na may umaaligid sa princess ko.

Pagkabalik ko sa loob napansin kong tulog na si princess. Napagod ata kakatakbo kanina sa Mark na yun.

Puwes wag ka mag alala princess hindi kana niya malalapitan dahil simula ngayon. Hinding hindi na kita iiwanan.

End of flashback

Yan ang dahilan kung bakit napagsabihan ko siya kanina na nanlalaki siya. Kasi nararamdaman ko talagang may gusto si princess kay mark at ayoko mangyari yun.

Dahil sakin siya ng UNA sakin pa rin siya hanggang huli.

----

A/N: oh paak! Ansabee ni Arjohn? Hahaha! Selfish siya.

Okay abangan naman natin ang next chapter please vote and comment.

#KwonYuri027

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon