Alvin's POV
"Alvin paturo naman oh hindi ko alam to ee."
Sabi ng classmate kong babae na si Angelica isa siya sa maganda dito sa section namin.Nagpapaturo kasi siya kung paano isolve yung math problem. dahil ang teacher namin iniwan kami ng gawain at pagkatapos raw sagutan ang pinapagawa niya samin ay iwan nalang raw sa Pres ng Section namin. Since ako katabi niya at madali ko naman nasagutan yung akin. Ka ya sa akin na siya lumapit. At ngayon tinutulungan ko siya.
After ilang minutes na pagtuturo ko sa kanya tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagpaalam na. dahil breaktime hours na at hindi pa ako kumakain.
Papunta ako ngayon sa canteen at bumili lang ako ng coke in can at burger. Nabagsak pa yung coke in can .
Dahil ang pagbigay ni manang sa akin nagmamadali. Kasi madami bumibili kaya sigurado pag bukas ko nito parang magiging fountain to. Naku kailangan maingat ako magbukas at baka may matapunan ako .Nang bubuksan ko na yung coke in can bigla nga ito naging fountain at bigla nalang may nadaanan akong babae.
"Ahh!!! "
"Pa-pasensya na ho."
Nag bow pa ako para maiparating sa kanya na nagsisisi talaga ako sa ginawa ko .Pag angat ko ng ulo laking gulat ko na ang natapunan pala sa uniform ay si Sharmaine."Ikaw nanaman! Ano bang problema mo sa akin at ako lagi tinatapunan mo. Sabihin mo may galit ka ba sa akin ha?!! "
Sigaw ni sharmaine kaya maraming studyante ang nakakuha sa atensyon namin. Yung iba naki chismiss pa."Naku alvin umalis kana muna at iba to magalit. Ako na bahala kay bessy. Tara bessy sa comfort room."
Inalalayan naman ni staycie si Sharmaine . At ang huling sulyap ni sharmaine sakin ay galit na galit.Yari na talaga ako. Kaya dali dali akong tumakbo papuntang likod ng school. Dito ako lagi pumupunta pag may problema ako.
Na-upo naman ako sa ilalim ng puno at ngayon parang na ngi-nginig ako . parang nababalisa o nalilito nagiging ganto ako pag may nagagalit sakin ng sobra. Dahil sa kagagawan kong mali pero Hindi ko naman sinasadya . Ewan ko ba bakit ako ganito laging malas. Kaya siguro tawag nila sakin ay weirdo o inosente pero kahit weirdo matalino naman daw .Yun ang sabi ng iba. Pero grabi na talaga ang kasalanan ko kay sharmaine. Mapapatawad pa kaya niya ako?.
Kaya matapos ko magpakalma tumayo na ako sa kina uupuan ko at nagpunta ng gate gusto ko na umuwi bahala na ang quiz namin babawi nalang ako sa susunod. Pagkalabas ko ng gate dumiretso na ako sa sakayan pero wala ako masakyan dahil puno . kaya naisipan ko nalang maglakad.
Habang naglalakad naman ako may bumusina sa akin na kotse."Little bro! Bakit ka naglalakad ? hindi mo man lang ako tinext para masundo kita. At saka bakit ang aga mo umuwi ano nangyari?"
Mahabang tanong ni ate sa akin kaya dali akong sumakay ng kotse niya at umupo sa shot gun seat.
" Ang dami mo namang tanong ate."
"Ay sorry . so ano nga bakit ang aga mo umuwi?"
Pangungulit padin sakin ni ate."Hindi lang po maganda pakiramdam ko."
Malungkot kong sagot .
"Ano?! Bakit ? May sakit ka ba ha?"
Sabay lagay ni ate ng kamay niya sa leeg ko. Ganyan yan pag may sakit ako sobra magpanic akala mo mamamatay na ako.
"Kaya pala ang putla mo . pero may sakit ka ba? Pumunta tayo ngayon sa ospital.""Ospital agad ? wala lang to ate ikaw talaga ang OA mo."
"Hays . . little bro kita at ayoko na napapahamak ka o nagkakasakit ka."
Paliwanang naman ni ate sa akin .buti may ate akong ganito ka alaga."Osige Mall nalang tayo kakain tayo ng ice cream. Tutal iyon naman gawain natin dati pag hindi maganda pakiramdam mo ee."
And i nod to her .
ilang minuto lang nasa mall na kami . at nagtungo na kami sa ice cream resto . Masarap dun maraming ibat ibang flavors para siyang ice cream parlor kung tutuusin . kaya ng nakapasok na kami sa loob humanap na ako ng puwesto at si ate ay umorder na .Ilang saglit lang nandiyan na si ate at kasama ang crew na nagdala ng mga orders namin pagkatapos ay nilapag ito sa lamesa. Nakita kong hindi pa umaalis ang crew at naka titig ito kay ate.
"Ah eh miss puwede ko ba makuha ang pangalan mo.".
Tanong ng crew na nasa ka edaran lang ni ate mukhang poporma pa to kay ate ah.
"its Sara."
Sabay ngiti ni ate . teka? Bakit sara? Diba si alyana siya.
Nakita ko naman na nagsmile ang crew at nagsabing balik na siya sa trabaho niya ."Ate bakit sara?"
Tanong ko kay ate habang nagsisimula na ako kumain ng favorite flavor ice cream ko na Chocolate.
"Ano kaba lil bro ayoko kaya ibigay name ko. Baka mamaya isearch pa ako nun sa fb at saka ganoon talaga ako pag may nagtatanong ng name ko or number laging imbento."
Sabay tawa niya ng mahina at nagsimula ng kumain. Hindi ko nalang tinanong pa si ate dahil malakas talaga ang trip niya pagdating sa mga lalaking balak siya pormahan."Nga pala Lil bro anong problema mo at naabutan kita kaninang maputla."
Tanong ni ate sakin
Sasabihin ko ba? Na may isang babaeng lagi kong nagagawan ng kasalanan at tatlong beses na at galit na galit siya sakin kaya parang kinasusuklaman niya ako."Kasi ate may babae kasing nagawan ko ng kasalanan?".
Nakita ko naman ang pagkagulat ni ate sa mukha niya.
"Dont tell me nakabuntis ka?"
"Naka buntis? Hindi nga ko mahilig dumikit sa babae tapos naka buntis pa?"
Sagot ko agad."Joke langLil bro binibiro lang kita. Ikaw talaga madali mauto. Oh so anong ngang ginawa mong kasalanan?"
Si ate ata talaga palabiro kahit kailan."Kasi tatlong beses ko siyang laging natatapunan sa damit kaya parang kinasusuklaman na niya ako ngayon.
Sagot ko na malumanay.
"Naku mahirap nga talaga yan. Ee kung. . . papuntahin mo sa bahay ! tapos magpapahanda ako peace offering mo sa kanya. At sabihin mo hindi mo na uulitin. Malay mo patawarin ka."Oo nga nuh bakit hindi ko naisip yun. Tama papapuntahin ko siya sa amin .
"So ? Kailan mo papapuntahin?".
"Bukas na agad ate para hindi na siya lalo magalit sakin."Nakita ko naman na nag ok sign si ate. Salamat talaga sa kanya at may paraan na ako para mapatawad ako ni sharmaine.
A/N: oh my god :) papapuntahin ni Alvin si sharmaine sa kanila ang tanong pumayag kaya si sharmaine?. At makikilala pa ni sharmaine ang ate at momy ni Alvin. Ano to namamanhikan? Parang baliktad ata xD . But anyway subay bayan nalang ang next chappy.
#KwonYuri027
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)
Teen FictionSharmaine Dela Cruz- babaeng pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero siya yung tipo ng babae na walang pakialam sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. And one day there was a guy named Alvin Cortez- siya yung tipo ng lalaking inosente sa lahat. Walang...