Chapter 12 (AIKM)

153 5 0
                                    

Sharmaine's POV

"Maine gising."
May naririnig akong boses na gumigising sa akin. Kaya bigla akong napadilat ng aking mata at ang nasilayan ko ay ang malapit na mukha ni kuya tristan. --o.O  hala? Dahil sa gulat ko bigla ako napatayo at nag ka untugan kami ng noo. Ouch ang sakit.

"Kuya naman ee! Bakit kasi ang lapit ng mukha mo . ayan tuloy nag ka untugan tayo."
Pagmamaktol kung sabi sa kanya.
Nakita ko namang napatawa pa siya.
"Ang cute mo kasi matulog humihilik."
What? Humihilik? Bakit hindi ko alam!.

"Humihilik ka diyan! Hindi ko ugali yan noh. Ayst makababa na nga lang."
Pagkababa ko ng kotse ay hindi pa ako naka alis.
"Seatbelt mo nakakabit pa."
Ay oo nga pala ang shunga ko rin ee. Pagka tanggal ko sa seatbelt ko ay binuksan ko na ang pinto ng kotse at daliang lumabas.

Naglakad na kami ni kuya tristan  patungo sa bahay pag pasok namin ng pinto. Ay makikita lang naman si momy na nanonood ng tv . Drama ang palabas kaya hindi na niya napansin na pumasok kami .
"Momy."
Tawag ko kay momy na todo pokus naman sa pinapanuod .Ano ba ikinaganda ng drama ee puro iyakan lang naman.

Maya maya lang napalingon na si momy sa akin at napansin din niya ang kasama ko.

"Tristan iho halika maupo ka rito. At ikaw Sharmaine ikuha mo ng juice tong si tristan."
Wow wala ba kaming maid at ako pa talaga magtitimpla ng juice .
Napansin ko naman na aangal pa si kuya pero nagsenyas nalang ako ng ako-na-look.

Pag kapunta ko sa kusina kumuha ako ng baso at pag bukas ko ng ref nagsalin na ako ng juice at may nakita naman akong baked mac na bagong luto palang . hmm ang bango kaya napag desisyunan ko na rin na kumuha pa ng isa baso para sakin pati na rin ng platito at utensils.

Pagkatapos ay pumunta ako sa sala at makikita doon na masayang nakikipag chikahan si momy kay kuya tristan.

"Nandito na po."
Pagkasabi ko nun ay tinulungan naman ako ni kuya tristan na ilapag ko ang mga pagkain sa center table.

Maririnig sa usapan nila momy at kuya tristan ay parang close na close na sila. Grabi si momy pa bagets.
"Anak gusto ko sana sabihin sayong cancel na ang arrange marriage niyo ni Harold Mendez."
Nang marinig ko yun ay ang lapad  ng ngiti ko. sa wakas! Hindi na ako ipapakasal sa manyak.

"Pero pag ka end ng school year ay wala ka pa napapakilala sa aking BOYFRIEND mo ay ibabalik ko uli ang arrangement niyo ni Harold."

Dahil sa narinig ko ay nabulunan ako sa kinakain kong baked mac kaya inabutan agad ako ni kuya tristan ng juice pagkatapos mahismasan ay saka ako nagsalita.
"Momy naman bakit atat ka mag ka boyfriend ako."
Pagmamaktol kong sabi.

"Ee paano anak sabi sakin ni staycie madami ka daw manliligaw sa campus at karamihan ay binabasted mo kaya naaawa ako . kaya naisipan namin ni staycie na mag boyfriend kana para tigilan ka na nila."

Sinasabi ko na nga ba kasama nanaman si staycie sa pakanang ito ee. Masasabunutan ko talaga iyong babaeng yun.
"Oo nga Maine bakit hindi ka pa maghanap ng boyfriend."
Dagdag pa ni kuya tristan. Pati ba naman si kuya nakikisali pa .

"Ayoko at wala akong balak."
Pagkatapos ko sabihin yun ay tinuloy ko nalang pagkain ko ng baked mac at hindi nalang pinakinggan ang pinagsasabi ni momy.

Ilang oras lang ay naisipan na ni kuya tristan umuwi kaya hinatid ko muna aiya sa labas.

"Ingat ka kuya."
Pagkasabi ko nun ay bigla niya ako niyakap at bumulong.

"Ikaw ang ingat little girl ko and --"
Pagkatapos ng sinabi niya ay kumalas na siya ng yakap. Nagtaka naman ako kung ano kasunod ng and?

"Anong kasunod nun?"
Tanong ko sa kanya na may pagtatanong.
"Malalaman mo rin balang araw Maine."
Pagkasabi niya nun ay kumindat pa siya. Naku parang namula nanaman ako dun pagkatapos ay umalis na siya sa harapan ko at pumunta na sa kotse . Nakita ko pang kumaway pa siya kaya kumaway din ako pabalik at umalis na siya ng tuluyan. Hayss sana bukas bisitahin niya ulit ako.

Pagpasok ko ng kuwarto ay nadatnan ko ang cp ko sa kama  . Buti naman sinauli na ni momy pagtingin ko dun ay 30 Sms and 20 missed calls ang ibang messages ay galing pa kay staycie ay mali !  lahat pala kay staycie padin  pati na rin ang calls -__-.

Pero isa lang ang nakapukaw sakin sa mga  text niya.

Staycie baliw; bessssssy! Saan kana? Nagtext skn si darwin . pupunta pa tayo ng  party diba?

Wag na kayo magtaka kung bakit ganyan pinangalan ko sa contact ko. Oo nga pala may party kila darwin pupunta pa kaya ako. ?Hmmm.

To: Staycie baliw
    Babaita! Wala ako balak pumunta dahil pagod ako may pinuntahan ako kanina ee geh ingat kana lang luv u kahit maarte ka ;*

Pagkatapos ko siya itext ay bigla nalang may tumawag sakin . Unknown number? May pinag bigyan ba ako ng number ko? .

"Hello?"
"Sharmaine si Alvin to."
"Alvin? Paano mo nalaman number ko"
"Binigay ni staycie kasi hindi mo raw siya sinasagot sa txt pati sa call kaya pag ako daw tumawag baka sagutin mo raw."
"Ganun? Oh bakit ka napatawag"
"Kasi inaya ako ni staycie --"

Bago pa siya magsalita ay naputol na ang tawag dahil Lowbat na pala ako. Ayy naku . bahala na nga sila dun wala ako sa mood magparty.

Pagkatapos ay nahiga na ako sa kama .Grabi ang pagod ko ngayon pero sulit dahil nakasama ko si Kuya tristan . Ano kaya yung kadugtong nung "and" sabi niya malalaman ko raw balang araw. Ang weird niya talaga iba kasi kinikilos niya kanina ee. Di bale magkikita naman ata kami bukas .

A/N: eh me ged may pagtingin pala si tristan kay Sharmaine. Abangan ang next chapter.

#KwonYuri027

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon