Chapter 54 (AIKM)

59 1 0
                                    

Sharmaine's POV

Kasama ko ngayon si Alvin nasa may likod kami ng school. Dito kasi namin naisipan tumambay dahil uwian na rin. Si staycie naman may gagawin pa raw na assignment at nasa library siya ngayon. Himala nga ee ang sipag ngayon.

At hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ulit ni alvin. Ang saya ko talaga, yung feeling ng kasama mo ang mahal mo. Sobrang nakakataba ng puso. Wooh lalim xD

"Mahal, i Love you."

Sabay halik niya sa cheeks ko.

"Nakaka-asar ka! Adik lang sa halik?"

"Hahaha! Oo naman, lalo ka na... nakaka adik."
Sabi niya sabay kindat.

Yeah. Banat pa alvin kakalbuhin na kita. Nakaka asar naman feeling ko namumula ako.

"Bakit ka namumula? Kinikilig ka noh?"

Sabi na ee namula ako, grabi nakakahiya ka sharmaine.

"Asa."
Palusot ko.

Tapos ay nagkulitan pa kami. At nagtatawanan pa feeling nga namin kami lang may-ari nung lugar ee.

"You're here."

Napatingin kami sa nagsalita at ganun na lamang ang pag kagulat ko ng si kuya tristan ang nakita ko.

"K-kuya tristan."
Utal kong sabi.

"Sumama ka sa kin."
-tristan

"Hindi! Ayoko."
Sigaw ko.

"Sasama ka o kakaladkarin kita?!"
Pagbabanta niya sa akin.

Hindi ko alam na ganito pala ang ugali ni kuya tristan scratch that Tristan na lang. Wala na akong panahon para tawagin siyang kuya.

At akala ko din mabait siya. Pero hindi pala. Masama din siya! sarili niya lang iniisip niya. Katulad lang siya kina momy at dady.

Naramdaman ko nalang na hinawakan ni alvin ng mahigpit ang kamay ko.

"Alvin, wag ka ng maki-alam."
- tristan.

"Hindi ko siya ibibigay sayo."
-Alvin

"Ang lakas ng loob mo ah? Isa ka lang namang hamak na inosente, yung tatanga-tanga yung--

*pak*

Dahil sa hindi ko na kinayanan ang panlalait ni tristan kay alvin ay nasampal ko siya.

"Tama na kuya! Laitin mo na siya kung gusto mo. Pero ito sinasabi ko sayo, hindi ako sasama."
Sagot ko sa pagalit na tono.

"Talaga lang ha?"
Pananakot pa niya.

Nakita ko nalang na nag snap pa siya ng finger at nagulat na lamang kami ng may mga naka men in black ang nakapalibot sa amin.

Lima sila kung bibilangin at malalaki pa ang katawan na katulad ng sa bouncer sa mga bar. Naramdaman ko na lang na hinawakan ako ng dalawang naka men in black sa magka bilang braso ko at inilayo nila ako kay alvin.

At si alvin ay nakikipag suntukan sa tatlong naka men in black . Nakikita ko ngayon na nanghihina na siya. 1vs3 ang labanan, kaya dehado dito si Alvin.

Sinisisi ko ang sarili ko ngayon dahil wala akong magawa para tulungan siya. Naramdaman ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko.

"Tama na Tristan! *sob* sasama na ako sayo *sob* tigilan niyo na si alvin, please."
Pagmamaka-awa ko kay tristan.

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon