Chapter 14 (AIKM)

145 5 0
                                    

Sharmaine's POV

Bakit kaya ako binigyan ni Alvin ng bulaklak kahapon. At ang binigay niya pa talaga ee ang bulaklak na galing sa likod ng school. Pero kahit ganun natutuwa ako. Kasi effort din to, Naku naweweirduhan na talaga ako sa alvin na yun.

At Nandito ako ngayon sa kotse kasama si Kuya Tristan at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Kuya saan tayo pupunta?"
Tanong kay kuya habang nakatingin sa bintana ng kotse.
"Secret."
Tipid niyang sagot. Lagi naman secret . pero nagtataka talaga ako bakit ibang iba ang pakikitungo sakin ni kuya hindi gaya dati na . . ah basta parang iba talaga.

"Kuya bakit nitong nagdaang araw napa ka sweet mo sakin tapos yung sinabi mong malalaman ko din yun . ee puwede ko na ba malaman?"
Tanong ko habang naka smile.
Nacucurious na kasi talaga ako. Ika nga curiousity kills.

"Kasi Special ka sakin. Sobrang special."
Sabi niya habang pokus pa din sa pagmamaneho.

Okay ? Medyo naguluhan tuloy ako.
Napansin ko naman na huminto na ang kotse. Nang pababa na ako ay pinigilan pa ako ni kuya. Bakit?

Nakita ko naman na sobrang lapit niya
Teka ? Anong gagawin niya.

"K-kuya. . "
Napapikit pa ako kasi mamaya kung ano gawin niya talaga sakin. Narinig ko namang nag click ang seatbelt ko. It means tinanggal niya lang ang seatbelt. OMG pahiya ako.

Nakita ko naman na natatawa pa siya. Okay nakakaasar -___-.

"Nakakatuwa ka talaga Little Girl ko."
Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya ng kotse. At tumatawa pa rin. Kaya napalabas na rin ako.

"Ayusin mo buhay mo kuya ! Tatawa tawa ka diyan baka tumalsik ka."
Pero joke lang yun ang laki niya kaya baka ako pa tumalsik.

"Puro ka biro Maine tara na ."
Bakit nagbibiro ba ako? Totoo yun -__-
Kaso sa panaginip ko lang magagawa.

Napansin ko namang Rest house pala ang pinagbabaan  namin.  Teka anong meron dito sa rest house.

"Kuya anong meron dito?"
Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang rest house. Ang ganda naman dito.

"Magbabakasyon tayo for 2 days."

Anong pinagsasabi ni kuya. Bakasyon? para saan? Ee may pasok pa kami.

"Kuya ! Hindi puwede may pasok pa ako bukas!"

"Alam ko . nagawan ko na rin yan ng paraan. Don't worry."
Sabay ngiti niya.
Nagbibiro ba siya? Pati yun nagawan niya ng paraan?. Grabi para siyang si Momy.

" Bakit? Anong meron? At saka dalawa lang tayo? Paano yung tutulugan natin paano--"

Natigil ako sa pagsasalita ng makita ko sa likod niya sina Matthew,Jennifer,Darwin,Helga,Staycie and Alvin?. Bakit sila nandito.

"I know nagtataka ka? Nandito din sila for vacation sabi ko kay staycie mag invite siya ng mga kaibigan niyo."

Okay siguro magiging masaya ito.
Sobra -__-.

"Hai bessy! Okay ba? Biglaan lang ako tinawagan ni tristan kaya isinama ko sila."
Sigaw sakin ni bessy ngayon. Nakita ko naman si Alvin na parang tulala. Problema niya?.

Pumasok na kami sa  Rest house na parang Mansion na makaluma tignan. Pero maganda naman ang pagkakagawa  Para ngang panahon pa nila Rizal. At mukang matagal na ito itinayo.

Pagpasok namin sa loob ay ang ganda din ng Pag kaka ayos sa sala kahit makaluma ang mga gamit na makikita katulad ng mga  antique ay napaka simple pa rin. Para talaga kaming nasa bahay ni rizal. Dati kasi nung elementary days ko nag fieldtrip kami nun ee ayun pinuntahan namin yung bahay ni rizal kaya dito ko siya ma-icocompare.

Pag akyat namin ng hagdan napansin naming may Apat na kwarto. At sabi ni Kuya tristan bawat kwarto raw ay may double deck or may dalawa ng kama. At may sariling banyo kumpleto na rin raw ang mga gamit.

"So? Sino gusto ako makasama sa kwarto?! Hindi ako malakas mag hilik."
Biro naman ni Jeni. Kaya ang iba sa amin ay napatawa.

"Ee paano kung magbunutan tayo. Boys and girls. Walang aarte ha? Kung sino maka partner niyo yun na. "

Napatutol naman ako sa sinabi ni staycie.

"Ee paano kung babae at lalaki?"

Napatingin naman sa akin si Helga.
"Okay lang naman yun Sharmaine basta wala kayong gagawing masama . kaya tara na bunutan na!"

Bigla naman sumingit sa usapan si Kuya tristan.

"Alam kong gagawin niyo to kaya naghanda ako ng bubunutan natin. And ganito ang mangyayari kung sino sa inyong dalawa ang makabunot ng same number ay sila ang mag partner.  "
Nakita ko namang naglabas siya ng garapon na may lamang nakabalot na papel. Hindi siya ready. -__-.

Kaya nagsimula na kami mag bunutan. Isa isa na kaming bumunot . pagkatapos ay binuksan namin sabay sabay.

"Nabunot ko ay 3."
Sabi ni kuya tristan. Napansin naman naming si Darwin ang kapares niya dahil nagtaas siya ng kamay.

So ang natitira nalang ay si Matthew,Jeni,Helga,Staycie,Alvin at ako.

"1 naman ako. So sinong ka pares ko?"
Tanong naman ni jeni. At nakita naman naming tumaas ng kamay si Matthew.

Napansin ko namang napasimangot si Matthew.  Bakit ayaw niya ba makasama sa kwarto si jeni?. And Ang sumunod naman nagsalita ay si helga.

"Ang nabunot ko ay number. . . 2 !"
Sigaw niya pa. Kaya biglang sumigaw si Staycie na siya raw ay 2. At dahil doon nagyakapan pa ang dalawa. Okay inaagawan ho akong ng bff.

Teka sino na ba natira. Tapos na si kuya at darwin pati rin si jeni at Matt lalo na si helga at staycie. Ang natira ay si Alvin.

"Alvin?"
Napatingin naman si Alvin sa akin.
"Hmm number 4."
Pagkasabi niya nun ay parang gumuho ang mundo ko . Kasi 4 din ang nabunot ko.

"Teka! Bakit kayo magpartner."
Reklamo naman ni Darwin kay alvin.

"Ee yun kasi ang nabunot ko ee."
Sagot agad ni Alvin.
"Oops ! wala ng mag aaway kahit ako nagulat din. Respetuhin nalang natin ang nangyari so? Kung anong hawak niyong number yun yung pupuntahan niyo.  3 samin kaya pang tatlong pinto kami."
Nagsikilos na ang lahat habang ako. Tulala pa rin.

"Bessy okay lang yan. Hindi naman mukang manyak si alvin. Baka nga mamaya siya pa gawan mo ng masama--- Aray!"
Dahil sa pinagsasabi sakin ni staycie ay nahampas ko siya sa balikat. At ako pa talaga gagawa ng masama. Ano akala niya sa akin.

At dahil sa yun na nga talaga ang desisyon pumunta na ako at si Alvin sa pang apat na pinto.

. . .
A/N: oh em gee ulit itinadhana talaga sila ng kapalaran :) abangan ang next chapter.

#KwonYuri027

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon