[PROLOGUE]
Habang nagmumuni muni ako dito sa kwarto ko ay tumutulo ang mga luha ko, hindi ko maisip na ang dali nyang nakalimot, bakit ang dali para sakanya na kalimutan ako?
Pumasok sa kwarto ko si hannah at umupo sa tabi ko.
"Malapit na pasukan,dika dapat ganyan, dapat ipakita mo sa kanya na nakamove on kana." Mabilis akong umiling sa sinabi nya, magagawa ko ba 'yon? Sa tingin ko hindi.
"Hindi ko alam pinsan.." Malumay na sambit ko.
Dumaan ang ilan araw at may pasok na ulit kami, mahirap harapin ang bagong pagsubok sa buhay, mahirap harapin ang taong tinalikuran kana.
Mga alaala? 'Yan ang mahirap kalimutan, mahirap kalimutan ang feelings mo para sa isang tao.
Hindi ko alam kung ano ang naisip ko bakit ako pumunta sa park, Habang mag isa ko dito na nag iisip ng mga nakaraan namin ni clarence, mahal ko pa pala sya. Bakit ganun? Ang unfair.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan pero nagulat ako ng may humila sakin papunta sa bodega, sobrang lakas ng ulan at wala pang signal, giniginaw na rin ako sa lamig na bumabalot sa loob ng bodega.
"Akala ko galit ka sakin.." Bulong niya, biglang humangin na naman at bumuhos ang malakas na ulan. Tumingin ako sakanya at nakita kong nakatingin lang siya sakin.
"Galit talaga ako sayo.. dati, Hindi naman kita masisisi kung hindi moko minahal.." Nanggilid ang mga luha ko at ngumiti ako sa kawalan.
"Hindi nako galit ngayon... Sa totoo lang masaya ako, masaya akong makita kang masaya.. sa iba.." Kahit ang sakit sakit na? Tanong ko sa isip ko. Hindi ko namamalayan tumulo na ang mga luha ko sa mata, Madilim naman kaya sigurado akong hindi niya makikitang umiiyak ako.
Akala ko masaya kapag naka usap mo sya pero para akong pinapatay sa sakit na nararamdaman ko ngayon sa bawat salita nya. Nagulat ako bigla syang tumingin sakin. Kaya ngayon ay nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata niya.
"I still love you.." Para akong nabingi sa sinasabi niya, Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin pero seryoso siya.
"I did not stop loving you and I will never stop." Tumulo ang mga luha niya, Ako nakatingin lang sakanya hindi ko alam kung anong ire'react ko.
"Sorry coleen, sorry for what I've done. Sorry.. sorry.." Nagulat ako ng humagulgol na siya sa harap ko, "Sorry hindi kita naipaglaban.. sorry dahil natakot ako.. sobrang natakot ako.." Nanginginig na sabi niya, Tumutulo lang ang mga luha niya kaya agad niya itong pinunasan.
Natakot? Saan siya natakot? Bakit? Anong hindi ko alam?
Napabangon ako sa sakit ng ulo ko at nakita ko ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, mabilis akong nag ayos at bumaba nakita ko na nakabihis na din sila.
"Manunuod ka?" Tumango na lang ako sakanila.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko basta ang alam ko gusto ko na syang makita, gusto ko na syang bumalik sakin kahit alam kong malabong magkatotoo.
--A/N: Book two of Unexpected Love.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]