(Last ten chapters, Realquick, the end is damn near.)
--
Nagsimula akong kumuha ng ballpen at papel para isulat ang mga gagawin ko sa birthday niya, medyo busy siya dahil nagpra'practice na lang sila lagi, wala naman 'yon sakin dahil importante ang reputasyon ng eskwelahan namin, as long as pumupunta ako sakanya kapag break and uwian, inaasikaso ko siya, at binibigyan ng pagkain.
Kung tatanungin nyo sakin kung nasan si aris, masamang balita, nagkaroon sila ng problema sa company at kailangan niya munang i'stop ang study niya, nakakalungkot para sakanya ang mag stop pero kailangan e, kung may magagawa lang ako as his bestfriend pero wala iniiwasan nya pa rin ako.
Abala ako sa pagsusulat at pagpla'plano ng tumunog ang cellphone ko, weekends naman kaya nasa bahay lang ako ngayon, may practice na naman kasi si clarence e.
Nakita ko ang name ni clarence sa screen ng phone ko kaya agad ko itong binuksan.
Hubby:
Wifey, come here. I need you, I need my energy.
Napatili ako ng bahagya dito sa kinauupuan ko, mabilis akong tumayo sa upuan at nireplyan muna siya bago ako magsimulang maglakad.
Me:
Sure hubby, wait for me.
SENT.
Tumakbo ako papuntang kwarto ko at mabilis na gumayak. Tinago ko ang papel at ballpen sa cabinet ko at nilock ko 'yon, para safe, minsan kasi pumapasok si clarence sa kwarto ko, mahirap na baka masira ang plano ko.
Mabilis akong pumara ng jeep at sinabi ko na papuntang st. gerald, mabilis akong bumaba ng jeep at naglakad patungong gym, Kapasok ko pa lang ay rinig ko na ang pagdrible ng bola at ang pagshoot sa ring. Tumingin ako sa may court at nakita kong wala doon si clarence, kumunot ang noo ko dahil inikot ko ang paningin ko wala siya, teka? What the hell? Bakit wala siya?
Nagulat ako biglang may nagtakip ng mga mata ko at mabilis niya din inalis, Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap sa likod ko.
"Wifey..." Aniya, humarap ako sakanya at nakita kong nakangiti siya ng sobrang lawak.
"You're damn beautiful.." Bulong niya, namula naman ang pisngi ko, maganda? E naka ponytail lang ang buhok ko at ang damit ko ay hanging blouse na meron tali sa may leeg at nakashort lang ako na medyo above the knee, ang simple ko lang anong maganda doon?
"Hubby naman, gutom kana? Pagod ka? May gusto ka ba? Anong gusto mo? tell me." Nakita kong kinagat niya ang labi niya na parang nagpipigil ng tawa, mabilis na kumunot ang noo ko, anong nakakatawa?
"You're so cute." Okay, kanina beautiful ngayon cute? Clarence ano ba talaga ah. Hinampas ko siya ng mahina sa braso niya at tumawa nalang siya.
Mabilis niyang nilagay ang kamay niya sa balikat ko at nilakad niya na ako papunta sa pwesto nila, umupo muna kami sa isang pabilog na mesa, lahat ng lalaki nandito pero 'yung mga pinsan ko wala dahil hindi sila marunong magbasketball puro lang pambobola ang alam nila 'yung ibang girls wala, sempre wala naman silang boyfriend dito, atsaka 'yung pinsan kong si hillary busy siya sa page'sketch.
Magaling silang lahat sa basketball at may tiwala naman ako na kaya nilang talunin ang st. ywerler, kahit hindi ko alam ang mararamdaman ko at mangyayari kapag nandun na kami dahil doon ang laban, sana hindi magkagulo doon, sana mapigilan ni terrence ang sarili niya.
Okay na sila ni ryla, ganyan naman talaga e, pag mahal mo hindi mo matitiis kahit ano pang maling nagawa niya mapapatawad mo agad siya dahil mahal mo. Kailangan nyo lang nag pagkakaintindihan sa relasyon para magkaayos agad kayo hindi pride lang pinapairal.
"Wifey, lalim ng iniisip mo. Tch." Nagsungit na naman siya, tinignan ko lang siya at sumandal sa may sandalan ng upuan nakapatong ang kamay ni clarence sa may upuan.
"Iniisip ko lang ang captain ng st. ywerler." Sumama ang tingin niya sakin, okay, mali ang term ko.
"What the hell? Bakit mo iniisip 'yon!? Humanda talaga sakin 'yon kapag laban." Agad kong hinawakan ang kamay niya.
"What I mean is, iniisip ko kung anong mangyayari sa captain ng st. ywerler kapag nagkaharap sila ni terrence, If I know hindi pwedeng walang gawin si terrence doon dahil girlfriend niya ang ginanon, wag ka ngang ano diyan, nagaalala lang naman ako." I said, ang habang explanation nito, clarence naman kasi napakaseloso.
"Nagaalala ka doon sa captain!?" Kailangan ba sumigaw? Buti nalang wala 'yung focus ng mga kaibigan niya dito.
"Hindi, sainyo ako nag aalala dahil baka magulo ang game."
"Siya rin 'yon, tch." Umiling na lang ako at hindi ko na pinansin ang sinabi ni clarence masyadong nagseselos.
--
TRISTAN.
Habang naglalambingan ang couples dito ka'text ko naman ang girlfriend ko, Oo may girlfriend nako at seryoso ako sakanya, hindi ko siya kayang lokohin dahil para na rin akong nagbasag ng mamahalin vase, mahal ko ang girlfriend ko.
Hindi ko nga maiisip na siya pa ang makakatuluyan ko dahil sa simula pa lang ayaw na namin ang isa't isa pero totoo nga ang sabi nila, 'The more you hate, the more you love.' Hindi ko akalain na hahantong sa ganito.
Bivian:
Yes, tris, malapit ng matapos ang work ko then pupunta nalang ako diyan.
Napangiti naman ako sa sinabi niya, excited na kong ipakilala siya sa kanila, gusto kong maging isa siya sa'amin pero masyado siyang busy sa mga trabaho niya, yes, matanda siya sakin ng apat na taon, pero 'age doesn't matter' ika nga.
Me:
Yes, vian. Excited to see you, I love you.
SENT.
Hindi ako 'yung lalaking sweet at gumagamit ng matatalinghagang salita, 'action speaks louder than words' ang stage ko ngayon, ayoko ng sa words ako sweet gusto ko 'yung kapag kasama ko na siya.
Nakita ko sila coleen at clarence na parang may pinaguusapan, at sila jiro at hannah sa may side na nakasandal si hannah sa dibdib ni jiro habang hinahaplos ni jiro ang buhok ni hannah then sila ryla at terrence na parehong may ginagawa sa cellphone tapos magtatawanan. 'Yung iba ay naglalaro lang sa cellphone nila, malamang hindi pa kayang magseryoso ng mga gago, mas gusto pa ang nananakit ng babae at nakikipag fling.
Maya maya ay nagvibrate ulit ang cellphone ko, ang sabi ni vian na malapit na daw siya. Then after fifteen minutes nakita ko na siyang naglalakad sa loob ng gym mabilis akong tumayo at pinuntahan siya.
"Vian..." Tawag ko sakanya at napalingon naman siya agad kong hinalikan ang labi niya at hinawakan ang kamay niya at naglakad papuntang upuan namin.
"Hey, guys. Meet Bivian Hazel Kelsor, my one and only." Pag iintroduce ko sa mga kaibigan ko, binati naman siya, at umupo na muna kami na medyo malayo sa kanila.
"Are you okay?" Tanong ko sakanya, tumango naman siya pero alam kong may hindi siya sinasabi sakin.
"Sabihin mo na, ano 'yon?" Pagpupumilit ko sakanya, tumingin siya sakin.
"Nagkaroon lang ng problema sa company." Aniya, tumango nalang ako at niyakap siya. "Hey, cheer up, everything will be alright." I said then I kissed her forehead.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]