Chapter 4

68 2 0
                                    

Dinner

--

Dumating bigla si mama kasama si kuya, hindi man lang nila sinabi sakin na darating sila.

"Mom!" Bati ko sakanya ng makita ko siyang pababa ng hagdan at mabilis niya akong niyakap. "Baby.." Aniya, at niyakap ko din siya.

"I miss you mama.." sabi ko sakanya, nagkahiwalay kami ng yakap.

"Princess." Tawag sa'akin ni kuya, seryoso lang siyang nakatingin sa'akin.

Kinabahan naman ako sa mga tingin niya, umalis si mama sa harap ko at pumuntang kusina.

"Sumunod ka sakin." mahinang sabi ni kuya, nanginig ako sa treatment niya ngayon.

Sumunod lang ako sakanya, bahala na kung ano man o kung saan man tungkol 'tong pag uusapan namin basta sasagot nalang ako.

"Tama ba 'yong narinig ko sa mga pinsan mo na wala na kayo?" Pinatay ni kuya ang unang yosi na hawak hawak niya kanina.

Huminga ako ng malalim, alam ko kung paano magalit si kuya sobrang siya kung magalit kaya natatakot akong sabihin sakanya baka may gawin siya kay clarence.

"O..oo kuya." Nauutal ko na sabi at kinagat ko ang labi ko, tumingin sa'akin ng diretso si kuya.

"Asshole." Bulong niya pero rinig ko 'yon, totoo naman e. He's an asshole.

"Pero kuya kasalanan ko 'yon, ayaw ako ng mama niya kaya niya ako siguro ako iniwan at baka hindi niya na ako mahal.." Sabi ko at hindi ko alam na nanggigilid na ang mga luha ko.

"What? Hindi ka gusto nang mama niya?" Tanong sakin ni kuya, mabilis akong umiling.

Mabilis kong nakita ang pagsara ng kamao niya, natakot ako alam kong galit na si kuya at hindi ko alam ang pwede niyang gawin kung kasali.

"Kumalma ka kuya, okay na 'yon sakin, at isa pa naka'kamove on na rin ako sakanya." Ngumiti ako sakanya at hinawakan ko ang kamay niya, hindi ko alam pero gumaan ang loob ko kay kuya.

"Atsaka isa pa... may bagong girlfriend na sya." Sabi ko at napa higpit ang hawak ko kay kuya at napansin niya kaya 'yon kaya napatingin siya sakin.

"You don't deserved him, fuck him!" Galit na sabi ni kuya, hindi ako umiyak buti nalang at walang luhang tumulo sa mga mata ko.

"Sorry kuya kung tinago ko sayo.." napatingin sa'akin si kuya at ginulo ang buhok ko.

"I understand." Aniya at mabilis ko s'ya na niyakap.

Bukod sa mga pinsan ko, si kuya laging nand'yan para sakin. Siya na lang talaga ang lalaking hindi mananakit sakin.

--

Tumingin ako sa salamin habang tinitignan kung bagay sakin 'yong isusuot ko.

Nilagyan ko na earrings ang tenga ko at nilagyan ko ng hair clip ang buhok ko, Umalis nako sa may salamin at bumaba na.

Nakita ko si aris na nakaupo sa sala habang kausap si mama. Na'kwento ko na rin kay mama kanina 'yong break up namin ni clarence, una nagalit siya pero nangibabaw pa rin ang malambot niyang puso.

Tumayo si aris sa pagkakaupo at tumingin sa'akin, at nakita ko din ang pagtayo ni mama.

"Ano aris, ikaw ng bahala sa princess namin a?" Payo niya kay aris kita ko ang pag ngiti nito, suot niya pa rin 'yong hikaw, bagay talaga sakanya 'yon.

"Opo tita, ako na pong bahala sa prinsesa natin." Nagulat ako dun sa sinabi niya kaya napatawa naman si mama.

"Aris!" Saway ko sakanya at bahagya siyang siniko.

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon