My Ex-boyfriend
Nandito pa rin kami sa st. gerald, sabi nila na dito muna daw kami sa tambayan nila pumayag naman 'yung iba dahil medyo napagod sila sa pag eenroll, parang nakakapagod naman e no?
Hindi pa rin nag uusap 'yong dalawa sila Jenica at clarence, siguro LQ sila, Inalis ko ang tingin ko sakanila at uminom ako ng drinks namin na nasa mesa.
Sila Hannah at Jiro ay nasa may side nagsusubuan ng pagkain, si tristan ay may kausap sa cellphone 'yung girlfriend niya siguro at 'yung iba ay kasama ko sa mesa.
"Coleen, ang tahimik mo? Kanina kapa walang kibo." Nagtatakang tanong sakin ni aris, katabi ko siya ngayon at kaaalis niya lang ng earphones niya sa tenga.
"Ano? Wala masakit lang ulo ko.." Pagsisinungaling ko, tumingin ako sa gawi nila clarence at nakita kong nakatingin siya sakin habang hawak ang kanyang cellphone.
Kumunot ang noo ko dahil nakatitig pa rin siya, ano ba siya! Nandyan sa tabi niya girlfriend niya tapos nakatingin lang siya sakin? Umiling ako at umiwas ng tingin pero kahit hindi nako nakatingin ay alam kong nakatitig pa rin siya.
"Ano bang problema sayo non?" Mahinang sambit ni ryla sa tabi ko, nagkibit balikat ako at tumingin kay bestie.
"Hindi ko din alam.. baka ayaw niya ako dito." Bulong ko sakanya, kumunot naman ang noo niya sakin.
"Ano? Hindi pwede 'yon. Hindi ganon ang tingin ng pag ayaw ka dito.." Bulong niya, napatingin ako kay clarence at nagulat ako ng nagflash cellphone niya.
Nagflash ba o guni guni ko lang? Tama ba nakita ko? Kinusot ko ulit mga mata ko at nakita kong naka earphones lang siya baka guni guni ko lang 'yon.
"Malapit na pasukan." Pagbabasag ng katahimikan ni aze, tumango naman lahat.
"Oo nga e, pucha ang dami sigurong chix non dito, tiba tiba." Ani cedrick at tumawa ng bahagya.
"Mukha kang babae, gago!"
"Nagsalita ang hindi. Ulol!" Napailing nalang ako sa murahan nila, parang hindi sila mabubuhay ng hindi magmumurahan sa isang araw e.
Nakaramdam ako ng gutom kaya lumapit ako kay aris at binulungan ko siya.
"Aris.. gutom ako." Mahinang sabi ko sakanya. Saktong humawak sa tiyan si carlo.
"Gutom nako, ang tagal naman kasi ng announce." Angal niya. I feel you carlo. Pareho lang tayong nagugutom.
"Osge, pambibili kita diyan ka lang." Sambit ni aris, nakaramdam ako ng awa sakanya kasi lagi niya nalang akong inaasikaso daig pa ang boyfriend sakanya.
"Ahm, no aris. Ako nalang kaya ko naman dito ka lang." Sabi ko sakanya, ayaw niya pang pumayag nung una pero sa huli ay pumayag na din siya.
Tumayo ako at napatingin sila sakin.
"Saan punta coleen?" Tanong sakin ni gab habang nakatutok ang mukha sa cellphone.
"There." Sambit ko at nakaturo ang isang daliri ko sa isang store dito na malaki, halatang mayayaman nga ang mga nag aaral dito.
Tumango naman siya, maglalakad na sana ako pero may nagsalita sa mga kaibigan ni clarence na sumang ayon ang lahat.
"Clarence, samahan mo."
"Oo nga, bago lang 'yan dito."
"Wag ng pakipot clarence."
Napailing nalang ako sinabi nila porket bago hindi na alam ang daan?
"No guys, kaya ko." Sambit ko at nilagay ang shoulder bag ko sa balikat ko pero nagulat ako ng tumayo si clarence.
Nauna siyang naglakad kaya sumunod ako sakanya pero medyo malayo ang agwat namin dahil nakakaramdam akong awkwardness.
Nakapunta na kami sa isang store at umorder na, medyo marami 'to dahil marami kami doon, binitbit ko ang isang plastic bag pero nagulat ako ng hilahin sakin 'yon.
"Ako nalang." Sabi niya habang nakatingin sakin, nailang ako kaya umiwas ako ng tingin.
"Kaya ko naman." Sabi ko pero nahila niya sakin 'yon. Aaminin ko mabigat kasi ang napunta sakin na plastic bag paano niyan edi siya ang mabibigatan?
Clarence talaga kahit kailan napakakulit. Malapit lang ako sakanya parang dalawang ruler lang ang layo, naamoy ko agad ang pabango niya.
'Yung amoy niya lagi, 'yung pabango na binigay ko sakanya kaparehas ng amoy ng pabango niya ngayon.
Nagulat ako ng may dumikit na balat sakin at mas lalo kong naamoy ang pabango niya na bigay ko, napatingin ako sakanya pero diretso lang ang tingin niya sa daan, umusog ako ng konti pero umusog din siya.
Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad, hanggang sa matanaw na namin ang mga kaibigan namin na nakatingin sila samin ni clarence napansin kong nakadikit pala si clarence sakin kaya agad akong humiwalay sakanya at mabilis na pumunta sa tabi ni aris.
"Hoy kayong dalawa ah, kadikit niyong masyado yata?" Natatawang tanong ni michael, at kinuha ang ilan plastic bags kay clarence.
Hindi ako makapagsalita at hindi na rin nagsalita si clarence umupo lang siya sa tabi ni jenica, napatingin ako kay jenica na sobrang talim ng mga tingin niya sa'akin na everytime parang papatayin niya ako sa mga tingin niya kaya umiwas nalang ako ng tingin.
"Aris, kain." Alok ko sakanya at binuksan ko ang lalagyan ko ng pagkain, tumango naman siya at binuksan ang pagkain niya.
Habang kumakain kaming lahat ay tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa kaya napatingin silang lahat sakin, kinuha ko 'yon at nakita kong si kuya ang tumatawag.
Tumayo ako at nagpaalam sakanila. "Excuse me."
Pumunta ako sa may sulok kung saan medyo malayo sila, tinapat ko na sa tenga ko ang cellphone ko.
"Kuya.."
"Princess, hindi kami makakauwi ni mama this week may aasikasuhin pa kami."
"Okay lang kuya, next week na rin pasukan."
"Yes, princess. Baka next next week pa kami makakauwi, malalate ako ng pasok."
"Okay kuya, ingat kayo diyan ako nalang bahala sayo."
"Okay, okay. Takecare princess. I love you."
"I love you too, kay mama din pakisabi. Bye." At binaba ko na ang tawag, bumalik ako sa pwesto namin at nakatingin sila sakin kabukas ko ng pinto.
Umupo ako sa tabi ulit ni aris at nilagay ang cellphone ko sa bag.
"Sino 'yong tumawag?" Tanong ni carlo at agad naman siyang binatukan ni cedrick.
"Tsismoso mo! Bakla ka?"
"Nagtatanong lang ako! At ako bakla? Sa gwapo kong ito?" Umiiling na sabi pa ni carlo.
"Gago, wag kang tsismoso." Ani michael at tumawa. "Nagtanong lang ako, malay natin kung manliligaw pala ni coleen." Nagulat ako sa sinabi niya, manliligaw?
"Hindi ah.." Depensa ko agad, kaya napatahimik sila. "Si kuya ko 'yong tumawag, wag kana carlo." Natatawang sambit ko sakanya.
"Anong sabi? Kailan daw uuwi si kevin?" Tanong ni tyler, tumingin ako sakanya.
"Next next week." Tumango naman siya napatingin ako kay clarence bakit ba siya nakatingin sakin? Anong problema niya?
Nakita kong ngumisi siya sakin at umiwas na nang tingin.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]