Unknown number
Nag iimpake ako para bukas na aalis nako papuntang tarlac, one week lang naman ako don hindi rin ako magtatagal dahil bibisitahin ko lang sila lolo at lola ko.
Narinig kong may pumasok sa kwarto ko at nakita kong si hannah 'yon. Bumaling ulit ako ng tingin sa cabinet ko at kumuha pa ng damit at nilagay sa may maleta ko.
Narinig ko ang pag galaw ng kama, umupo siya don. Napatingin ako sakanya at kita kong diretso lang siyang nakatingin sakin. What's wrong with her?
"Ilan days ka don?" Pagbabasag niya ng katahimikan. Tumayo ako at umupo sa tabi niya at humugot ako ng hininga.
"One week." Diretsong sagot ko, bumuntong hininga lang siya.
"Wala ba 'tong kinalaman kay clarence?" Nagulat naman ako sa tanong niya, seryoso ang mukha niya.
"Walang kinalaman dito si clarence, walang wala siya dito.." totoo naman, hindi naman ako aalis dahil kay clarence, at gaya nga nong sabi ko na miss ko na sila lolo at lola don.
"I hope so.. ahm, osge." Aniya, patayo na sana siya pero hinawakan ko kamay niya.
"Hannah..." Tawag ko sa pangalan niya, napatingin naman siya sakin bakas sa mukha niya ang pagtataka sa pagtawag ko sakanya.
"Bakit?"
"Wa..wala." pagsisinungaling ko at tumayo na rin ako. Tuluyan na siyang umalis sa paningin ko at nagdiretso nalang ako sa cabinet.
Tahimik dito sa bus, wala akong ibang iniisip kundi siya... Hindi ko alam kung bakit ko siya iniisip pero sana kasama ko ngayon siya, diba balak kong umuwi dito sana na kasama siya.. pero wala na e.
Nagvibrate ang cellphone ko at nakita kong nagtext si aris, umayos ako upo bago buksan 'yung message niya sakin.
Aris:
Where are you now? Sabi sakin ng mga pinsan mo lumuwas ka daw ng manila, totoo ba 'yon?
Nagulat ako sa text niya, hindi niya pa pala alam kasi wala siya nun nung sinabi ko sakanya na aalis ako papuntang tarlac at hindi ko na rin siya naka contact kasi busy siya sa company nila.
Bumuntong hininga ako at tumingin sa labas nasa may capas na kami means malapit na sa tarlac.
Me:
Sorry nakalimutan ko, and yes lumuwas ako ng manila para bisitahin ang lolo at lola ko dito.
Katapos kong i send sakanya 'yon ay napatingin ako ulit sa paligid, puro bahay na ang nandito at mga shops, miss ko na talaga ang tarlac. Sana dito na ako makalimot.
Bumaba ako sa terminal, pumara ako ng tricycle dahil walang taxi dito sa tarlac karamihan ay puro tricycle lang.
"Saan po kayo ma'am?" Tanong niya sa'akin. "Sa may aquino subdivison po." Magalang kong sabi at binuksan agad ang phone ko bumungad sa'akin ang katambak na text messages ni aris.
Malapit lang ang aquino sa terminal dahil walang five minutes ang biyahe dahil halos katapat niya lang ito, dapat naglakad nalang ako pero may dala akong gamit baka pagdating ko don ay mangakuba nako sa kakabibit.
"Dito nalang po manong." Sabi ko sa driver at hininto niya naman ang tricycle niya.
Tahimik pa rin pala dito akala ko ay iingay na dahil dumadami na din ang tao dito pero mas lalo yatang tumahimik, iingay lang 'tong lugar namin kapag fiesta at may okasyon ang barangay namin.
Nag doorbell ako sa isang bahay dito, hindi ko pa pala nababasa mga text messages ni aris siguro ay kapasok ko na lang doon ko babasahin dahil masyadong madami 'yon at may mga missed calls pa. Nakatulog nga yata talaga ako sa biyahe dahil matagal ang biyahe dito hanggang sa manila para ka na ring nag macau sa sobrang layo.
Bumukas ang pinto at nakita kong si manang lising 'yong nagbukas.
"Sino po kayo madame?" Masyadong pormal ang mga tao dito sa loob ng masyon ni lolo at lola, ngumiti ako sakanya.
"Manang hindi nyo na po ako kilala? Si coleen 'to!" Masayang sabi ko sakanya, nakita kong nanlaki ang mga mata niya mabilis niya akong niyakap.
"Nako, iha ikaw pala 'yan! Dalagang dalaga kana. Ang ganda ganda mo na ngayon!" Masayang sambit ni manang at nakita kong medyo naiyak pa siya.
"Salamat, manang." At ngumiti ako sakanya, pinapasok niya ako sa loob at nakita ko doon sila lolo at lola na nasa may sala at nakahiga si lola sa balikat ni lolo, ang sweet nila kahit may edad na.
Sila ang nagpapatunay na wala sa edad ang pagiging inlove sa isa't isa..
"Sino 'yon lising?" Tanong ni lola, at tumayo sa balikat ni lolo.
"Madame, si coleen po 'yung apo nyo." Magalang na sagot ni manang kay lola.
"Coleen, yung apo ko? Nandito siya?" Takang tanong ni lolo. Tumingin sila sa may gawi ko matapos akong ituro ni manang sa kanila.
"Lolo..lola.. I miss you so much!" Sambit ko at mabilis akong tumakbo patungo sa kanila at niyakap ko sila ng sobrang higpit.
"Apo.. miss na miss ka na rin namin ng lola mo, ang tagal mong hindi bumalik dito, kamusta kana?" Sambit at tanong ni lolo sakin, kumalas ako ng yakap at umupo sa pagitan nilang dalawa at inakbayan ko silang dalawa.
"Lo, busy po ako sa manila.. Doon ko na po napagdesisyunan na mag college pero babalik naman po ako lo every weekend siguro.. hindi po ako sigurado. Okay lang naman po ako, kayo?" Sambit ko. Habang tinignan ko silang pareho.
"Mabuti naman kami apo, mabuti naman at napadalo ka.. miss ka na namin e, wala na kasi 'yong batang makulit dito sa masyon." Ani lola ko at bahagya akong natawa.
Matapos ang mahaba habang pag uusap namin nila lolo at lola ay umakyat muna ako sa may taas, sa kwarto ko dati. Binuksan ko ito at nakita kong malinis pa rin baka lini'linisan ni manang 'yong kwarto ko.
Pumasok ako kasama ang maleta ko, nilibot ko ang paningin ko dito. Bumabalik ang memories namin dito nila mommy at daddy.
Inayos ko ang mga gamit ko at umupo sa may kama at kinuha ko ang cellphone ko, kanina ko pa pala hindi narereplayan si aris.
"Coleen, mag isa mo lang ba?"
"Kamusta ang biyahe?"
"Damn answer me."
"Sana sinabi mo sakin na aalis ka para ako nalang naghatid sayo."
"Tsk, you're not answering me."
"Coleen."
At marami pa siyang text, pero isang text ang pumukaw ng atensyon ko.
Unknown:
Take care.
Two words and eight letters ang nagpabilis ng tibok ng puso ko, sino 'to? Anong ibig sabihin nito. Rereplyan ko ba o ano?
Me:
Yeah, ahm.. Who's this?
Katapos kong i send 'yon ay wala akong natanggap na reply sakanya mahigit dalawang oras.
Take care..
Napasubsob ako sa kama ko at pilit na inalis sa isip ko 'yung nag text na 'yon, sino ba 'yon? Bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko?
Hindi naman ako ganito pag nagtetext si aris, pati na rin sila clark, tristan at mga kaibigan nila at pinsan ko, pero ito? Pero...
Nagflashback agad sa'akin ang itsura ni clarence. Napahawak ako sa bibig ko, hindi pwede. Wala nang pakealam sakin 'yon bakit ko pa niya pa ako itetext? Malabong siya ang nagtext sa'akin nito.
Sana nga hindi siya, dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag siya nga 'yong nag text sakin. Nagvibrate ang phone ko at mas lalo akong kinabahan.
Mabagal kong kinuha ang cellphone ko sa mesa at mabagl din binuksan ang message dahil unknown ang nakasulat don.
Unknown:
Your future husband.
Napa' nganga ako sa sinabi niya, future husband? Hindi kaya si jenica 'to? May plano na naman siya o baka si aris? Pero imposibleng si aris 'yon dahil may number ko siya.
Sino ka ba?
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]