Chapter 23

55 2 0
                                    

Pain

--
ARISTOTLE.

"Fucking life! Fuck! Tangina!" Sigaw ko habang pinagsusuntok ang isang puno, hindi ko alam kung saan lugar ako dinala ng paa ko pero ang alam ko lang nasasaktan ako ngayon.

"Tangina! Ang sakit sakit. Argh!" Napalakas ang suntok ko sa puno kaya nagdugo ng tuloy tuloy ang mga sugat ko sa kamay.

Hindi ako nasasaktan dito sa sugat ko, mas nasasaktan ako sa mga sinabi sakin ni coleen. Tangina, ang sakit sakit. Para akong isang bakla dito na umiiyak. Fuck!

"I did not stop loving him..."

Napapikit nalang ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon, niyukom ko ang mga kamao ko at kinagat ang labi ko para matigil ang pag iyak ko. Tangina! Bakit kailangan ko pang maramdaman 'to? Bakit kailangan ko pang mahulog sa taong may iba ng mahal.. Idiot.

Si coleen lang ang minahal ko ng ganito, dahil dati puro lang ako kalokohan, nag uuwi ng babae sa condo pero hindi kami nagsesex, we're just having fun because my life before is miserable. Si coleen 'yung klase ng babae na hindi mo makikita sa kahit kanino. Pero bakit kung kailan nagtino ako at nagmahal na totoo ngayon pa 'to mangyayari sakin. Why I fell Inlove with the wrong person? Why I fell inlove with the person who can't love me back?

Ito na ba ang karma ko?

"Aris!" Napatingin ako sa tumawag sakin, at nakita kong siya 'yon, inalis ko agad ang tingin ko sakanya. Paano niya nalaman nandito ako?

Lumapit siya sakin umupo din siya sa tabi ko, hindi pa rin ako tumitingin sakanya.. Bakit kung sino pa ang laging nandyan para sakin ang siya pang diko kayang mahalin?

"Sinaktan mo na naman sarili mo." Malumay niyang sabi, nakatingin lang siya sa kawalan habang nakapatong ang mga kamay niya sa tuhod niya.

"Ito?" Turo ko sa mga nagdudugong sugat ko sa kamay, "Hindi naman masakit." Sambit ko sakanya. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at tumingin sakin.

"Kasi mas nangingibabaw ang sakit sa puso mo.." Natahimik ako sa sinabi niya.. Paano niya nalaman ang nararamdaman ko?

"Alam mo, mas gusto ko ang dating aris na nakilala ko 'yung bata pa tayo.. 'Yung laging nakangiti.. 'yung kapag naglalaro non tayo lagi tayong masaya.. 'yung dating.. sugat sa tuhod lang ang nakakapanakit sayo.."

"Hindi tulad ngayon na parang halos lahat ng parte ng katawan maapektuhan dahil lang sa isang parte ng katawan natin.. 'yung puso..." Binaling ko ang tingin sakanya, ngumiti siya ng bahagya pero binawi niya din agad.

"'Yung kahit nasasaktan kana, patuloy pa rin ang paglalaro mo, parang ikaw lang.. Kahit nasasaktan kana patuloy mo pa rin siyang minamahal.. kahit alam mong sa huli talo ka pa rin.." Tama siya, kahit alam kong bawat kasama ko si coleen ang puso niya ay iba ang hinahanap na makasama.

"Dati, sobrang excited ako na maging teenager dahil naiinggit ako sa mga taong nagagawa ang gusto, 'yung mga taong may nagmamahal sa kanila... feeling ko kasi kapag teenager kana magiging malaya kana...
"

"Pero nung nag teenager nako, sinabi ko sa sarili ko.. Sana may kapangyarihan ako na ibalik ko ang nakaraan 'yung dating walang problema, 'yung tawa lang tayo ng tawa.. 'yung mga bata pa tayo na walang kahit anong nararamdaman na sakit sa puso natin." Tumulo ang luha niya pero pinunasan din niya agad.

Tumingin siya sakin at ngumiti, "Gusto kong ibalik 'yung dating masaya, 'yung tayo na hindi naghihiwalay.. 'yung tayo na magkasama hanggang pagtanda.." Napailing siya sa sinabi niya.

"Kaso naisip ko, hindi ko hawak ang buhay mo.. Hindi ko hawak ang puso mo... na kahit anong gawin ko, hindi ko mahahawakan." Pinunasan niya ang mga luha sa mata niya, tumingin siya sakin.

"Gusto ko lang sabihin sayo, nandito lang ako aris pag kailangan mo ng masasandalan, hinding hindi kita iiwan.." Tumayo siya umupo malapit sakin. Tumingin lang siya sakin at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

Parang biglang nawala lahat ng sakit na nararamdam ko.. Niyakap ko siya pabalik at ang nasa isip ko nalang ngayon ay ang pagkalimot ko sa nararamdamab ko kay coleen at buksan ang puso ko para sa iba..

--

COLEEN.

Inalis ko ang unan sa mukha ko, nagpagulong gulong ako sa kama ko, nag aalala ako para kay aris. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Okay lang ba siya?

Mabilis na tumunog ang cellphone ko at mabilis akong tumayo sa pagkakahilata ko sa kama para kunin 'yung cellphone ko. Nakita ko ang pangalan niya kaya napangiti agad ako.

"Hello?"

"Coleen, pwede ba tayong... ano.. ay fuck!" Kumunot ang noo ko sa sinasabi niya, hindi ko siya maintindihan.

"Ano 'yon?" Tanong ko, umupo ulit ako sa kama habang hinihintay ang sasabihin niya.

"Mag.. mag dinner tonight? I mean... date?" Napalunok ako sa sinabi niya. Tinakpan ko ang cellphone ko at mabilis na sumigaw.

"Ahhhhhh!" Date daw! Ohmygod! Nilagay ko ulit ang cellphone sa tenga ko.

"Hello? Coleen?" Kanina pa yata siya nagsasalita, "Ow.. sure sure! What time?" Hindi ko pinahalata sa boses ko na excited ako at masaya.

"Fuck! Thankyou! Ahm, Seven thirty in the evening?" Inayos ko ang pagkakaupo ko sa kama, " Yeah, sure.."

"I'll fetch you okay?" Nanigas ako sa kinauupuan ko, "O'sige." Sagot ko at mabilis na binaba ang tawag.

"Aaahhhhh!" Nagpagulong gulong ako sa kama, "Aray.." Sabay hawak ko sa pwet ko, ang sakit. Hindi naman nakisama ang kama na 'to, hinulog pa ako.

Nagbukas muna ako ng facebook ko at nagscroll down, isang sign o isang advice pa please. Nawawalan nako ng pag asa dahil wala akong nakikitang advice o sign sa newsfeed ko, kaya pinatay ko na.

Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si xyrile na nasa may balcony kaya agad ko siyang pinuntahan at tinabihan.

"Hi xy!" Masayang bati ko sakanya, "Hyper? Tch." Ang sungit nito.

"Pinsan.. may tatanong sana ako.." Sambit ko sakanya, tumingin siya sakin at pinatay ang yosi na hawak niya.

"What it is?" Tanong niya, huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Sa tingin mo, dapat ko ng bigyan ng second chance si clarence kung sakali?" Tumaas agad ang mga kilay niya.

"Nasa'yo 'yan pinsan, hindi ko hawak ang desisyon mo.. Pero kung alam mong tamang bigyan siya ng second chance at deserved naman niya, then go.." Napanguso ako sa sinabi ng pinsan ko dahil naalala ko sinabi ni venice sakin kanina.

Lahat tayo deserved ang second chance...

"Hindi ko alam e, naguguluhan ako.. May nag advice kasi sakin ang sabi deserve daw natin lahat ng second chance, pero nagdalawang isip pa ako dahil sa naghihintay pa ako ng mga signs." Mabilis siyang kumunot ng noo.

"Signs? I don't believe in any signs, dahil kung mahal ka niya babalikan ka niya, hindi mo na kailangan pa ng signs para lang bigyan siya ng second chance. For example, Nakakita ka ng aso na parang nagmamakaawa sayo na kunin mo siya pero ayaw mo sa aso, sa tingin mo kukunin mo siya kahit hindi mo gusto? 'Yun nga dapat kung anong nasa puso't isip mo, 'yun ang sundin mo basta wag lang 'yung desisyon na alam mong sa huli ay pagsisisihan mo.."

"Open your heart, follow your heart, don't let your mind ruin your right decision." Tumayo si xyrile at tinapik ako sa balikat at iniwan ako dito.

Bigla akong napangiti ng sobrang laki 'yung tipong maaalis na ang panga ko. Open your heart...

I will open it, I will do what's on my heart..

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon