Tears
--Nakalabas naman agad ako ng hospital dahil hindi naman malala ang nangyari sakin, Napagod lang ako dahil nga may sakit ako tapos pumasok pa ako.
Pinagpahinga nalang ako sa kwarto ko, hinatid ako dito ni clarence katapos non ay pinaalis ko na siya dahil may pasok pa, Kahit ayaw niya ay pinilit ko siya, Kundi ko pa siya tinakot ay hindi siya makikinig sakin.
Hindi rin bumalik si aris sa hospital, ang sabi naman sakin ng pinsan ko bumili lang siya pero lumipas ang dalawang oras hindi naman siya bumalik.
Nasa school lahat ng kasama ko sa bahay, ako lang mag isa dito sa bahay dahil pinaalis ko nga sila dahil sayang din ang lesson na pwede pa nilang pag aralan.
Okay na ang pakiramdam ko, hindi na katulad kanina na sobrang hinang hina ako at pumipikit pa ang mga mata ko.
Malapit na ang birthday ni clarence mga dalawang linggo nalang ay eighteen na siya, ang weird no? Mas matanda ako sakanya ng ilan buwan, pero naniniwala naman ako sa age doesn't matter e.
Tumayo ako sa kama ko at nagsimulang bumaba papuntang kusina.
Kumuha ako ng isang sachet ng milk at tinimplahan 'yon at isang bread para mas gumaling nako at gutom din naman ako.
Umakyat ako ulit sa taas, gusto ko pa sanang bumaba kaya lang hindi na pwede baka sumama na naman ang pakiramdam ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa may side ng cabinet sa may kama ko at swinipe ko 'yon, nakita kong sabog ng texts ang message ko.
Puro kila, Aris at clarence at 'yung iba ay kagabi pa, oo nga pala hindi ako nagbukas ng cellphone kagabi dahil agad akong natulog.
Clarence
"Hey, How are you?
"Are you okay?"
"Masama pa ba pakiramdam mo?"
"Damn, I'm worried! Answer my texts!"
"Coleen!"
Sinunod kong binasa ang mga text messages ni aris sakin simula kagabi hanggang ngayon.
Aris
"Nasan ka?"
"Coleen, where are you?"
"Answer your phone!"
"Fuck! Cannot be reached!"
"Kamusta na pakiramdam mo?"
"Sorry umalis agad ako, may emergency lang."
"Text me if you're okay."
Diba sabog ang messages ko dahil sakanila, gusto ko pa sanang replayan si clarence pero nagvibrate na naman ang cellphone ko.
Aris calling...
Napakunot ang noo ko bakit siya tumatawag? Siguro kanina niya pa hinintay replies ko. Agad kong sinagot 'to at nilagay sa may tenga ko.
"Aris?" Sambit ko at pinikit ng mariin ang mga mata ko dahil sumasakit na naman.
"Are you okay?"
"Im fine."
"Good..." Parang may gusto pa siyang idagdag sa sasabihin niya kaya nagsalita na ako.
"Bakit ka napatawag?" I'll try to ask him pero medyo tumagal ng ilan segundo ang katahimikan.
"Ahm... bukas, kita tayo sa may garden.. four in the afternoon." Napalunok ako dahil iba ang boses niya. Parang ang lumay at parang walang sigla.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]