Chapter 25

54 2 0
                                    

Umagang umaga ang ganda ng gising ko dahil kami na ulit, binigyan ko na siya ng second chance, mahal niya ako, mahal ko siya. Sobra sobra pa nga, sana hindi na lang maulit ang nakaraan at magkaayos na ang mga pamilya namin, Ayoko na kasing masaktan ulit, pero alam kong wala akong pinagsisisihan sa desisyon ko ngayon.

Ngiting ngiti ako ng bumaba ako, agad kong nakita ang mga pinsan ko na kumakain, tinawag na nila ako kanina kaya lang sabi ko mauna na sila, Napansin yata nila na nakangiti ako kaya agad kong inalis ang malapad na ngiti sa labi ko. Dumiretso lang ako sa tabi nila at kumuha ng pagkain.

"Anong ngini'ngiti ngiti mo diyan? Nababaliw kana ba?" Tanong ni hannah, sa pagkakaalam ko sila na naman ni jiro, parang kami lang ni clarence. Hays

"May goodnews akoooo!" Masaya kong sabi sa kanila, "Ano 'yon?" Tanong ni hillary, nga pala bumalik na si azel dahil okay na rin naman sila ng girlfriend niya.

"Kami na ulit!" Parang biglang may dumaan ng anghel dahil natahimik ang lahat at napatigil din sila sa pagkain.

"Congrats!" Ani hannah, "Thank you." Akala ko magka' kaproblema na naman ako pero hindi pala nagulat lang sila sa binalita ko, binati na nila akong lahat at nagpasalamat ako sakanila.

Natapos ang pagkakain namin at may pasok pa ako ng one o'clock hanggang six ng gabi, kaya nagbihis na ako at mabilis na umalis ng bahay, hindi nako nagpahatid kay clarence kaya pinilit niya ako ay hindi ako pumayag kaya nagcommute na lang ako.

Kababa ko ng jeep ay pumasok agad ako sa st. gerald, napansin ko agad sa may tabi ng garden na may nag uusap, teka.. Si clark 'yon ah! Sino 'yong babae? Umiling nalang ako at umakyat sa taas, pumasok ako sa classroom at nakita ko agad ang magpinsan, hindi sila nagkikibuan.

Napatingin sakin si clarence kaya agad siyang tumayo at lumapit sakin.

"Wifey.." Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa kamay dahil sa pagtawag niya sakin ng wifey, ang tagal din bago niya ako tawagin ulit ng wifey, 'yung parang first time mo 'to, ang sarap sa feeling.

"Upo na tayo." Sabi niya, tumango nalang ako sakanya at umupo na kami. Sinandal niya ako sa balikat niya habang pinaglalaruan niya ang mga daliri ko, after how many months ngayon ko na ulit naramdaman na kompleto ako.

Napabaling ang tingin ko kay aris na pinapaikot ang ballpen niya sa mesa, hindi siya nakatingin sakin o samin, naalala ko lahat ng kwento sakin ni venice.

"Ahm, clarence..."

"Hubby." Pagtatama niya sakin, huminga ako ng malalim at tinignan siya, "Do you know venice?" I asked him, I saw him  nodded his head.

"Kababata pala siya ng pinsan mo ah?" Mahina kong tanong sakanya dahil baka marinig ni aris baka ano pang sabihin niya.

"Yes, aris told me." Tumango nalang ako, dapat ko bang sabihin kay clarence na nagconfess sakin si aris? Ano nalang mangyayari pag nalaman ni clarence? Baka anong gawin niya.

Pero kailangan niyang malaman dahil boyfriend ko siya, at dapat niyang alamin lahat ng nangyayari sakin, hinawakan ko ang mga kamay niya at pinagdikit.

"Hubby.." I said, "Yes wifey?" He asked me, tumayo ako mula sa pagkakahiga sa dibdib niya at humarap sakanya.

"Nagconfess sakin si aris, nung minsan." Sabi ko sakanya, kita ko ang paglalaki ng mga mata niya, "What the fuck?!" Malakas na sabi niya at napatingin tuloy samin si aris, nakita ko ang mga mata niya na namamaga at ang mga sugat sa kamay niya, tumayo siya at mabilis na lumabas.

"Yes hubby, tapos doon kwinento lahat sakin ni venice ang meron sakanila ni aris at ang past ni aris." I said, nakita ko na umiling siya.

Pumasok ang prof. namin, wala si aris hindi siya naka attend dahil umalis nga, lumabas kami ng room at pumunta ng cafeteria.

Nagulat ang mga kasama namin dito dahil sa balita namin at pinagbati kaming dalawa, Hindi ko pa rin makalimutan ang itsura ni aris, gusto ko siyang makausap at humingi ng tawad. Naramdaman ko ang palad ni clarence na hinawakan ang isang kamay ko sa baba ng mesa kaya napatingin ako sakanya ngumiti lang siya kaya ngumiti din ako.

"Hoy, bat tig isang kamay lang ang ginagamit nyo? Napano 'yong isa? Naputol?" Pabirong saad ni carlo habang humahalakhak. May nahulog sa baba ni michael at kinuha 'yon.

"Sabi na nga ba e." Ani michael at umiiling iling habang nakangiti. Nakita niya kaya kaming magkahawak kamay?

Natapos ang lunch, nakakalungkot na kulang kulang na kami ngayon, hindi na kami 'yung dating high school na laging magkakasama, magkakaibang schedule kasi kami e.

Natapos ang araw na ito na masaya, masaya ako na walang naging problema. Hinatid ako ni clarence samin.

"Bye, ingat." I said, "I will, I love you." He said. "I love you too." Then he kissed me on my forehead and I closed his door, at dumiretso ako sa loob.

--

CLARENCE.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, gusto kong magwala sa sobrang saya, gusto kong ipagsigawan na mahal na mahal ko ang babaeng 'yon.

Nilagay ko ang kotse ko sa may garahe at mabilis na bumaba, pumasok ako sa loob at nakita ko si jenica na nasa kusina na nakayuko, nagsusuka na naman ba siya?

"Hey, what happened?" Agad kong tanong kay jenica, binaba ko ang dala kong bag sa may mesa ng kusina namin at lumapit ako sakanya.

"Kailangan mo ng magpacheck up, sure ako." Sabi ko sakanya, makulit kasi siya, ayaw na ayaw niyang nagpapacheck up dahil natatakot siya, tumango naman siya.

Umakyat muna siya sa may taas para magpalit ng damit, Limang buwan lang si jenica dito dahil aalis din siya at pupunta siyang amerika dahil nanon ang parents niya. Nakita ko siyang bumaba ang tamlay ng itsura niya.

"Let's go." Aya niya at unang naglakad sakin, pumunta siya sa may likod at hindi umupo sa front seat, isa lang naman ang pinapaupo ko diyan, ang babaeng nagpapatibok ng puso ko.

Nandito na kami sa hospital at mabilis kong pinacheck up si jenica, siya lang ang nasa loob, kinuha ko muna ang cellphone ko at tinext si coleen baka magtampo siya sakin. Ayoko pa naman sa lahat ang nagtatampo siya.

Me:

Wifey, pinacheck up ko lang si jenica. I love you

SENT.

Sumandal ako sa may wall at hinihintay ang reply ni coleen, lumipas ang isang minuto doon nagvibrate ang phone ko.

Wifey:

K.

Napatawa ako sa isip ko, nagseselos 'to panigurado. Mabilis ko siyang nireplayan. Ang hirap pa naman niyang lambingin lalo na pagnagseselos.

Me:

Wifey, pinacheck up ko lang siya dahil lagi siyang nag vovomit, wala kang dapat isipin. I love you okay? You're the one I love.


Napailing nalang ako habang nilalambing ang selosa kong girlfriend pero kahit ganon mahal na mahal ko pa rin siya. Lumabas si jenica ng kasama ang doctor at nakita kong tumutulo ang mga luha niya.

"What happened? Ano daw?!" Mabilis kong tanong sakanya, pinakita niya sakin ang papel at agad kong binasa.

Nanlaki agad ang mga mata ko, sino? Paano? Bakit? Ano?



"Buntis ka?"

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon