Gulat na gulat pa rin ako na nagtatanong sakanya, buntis siya? Kanino? Paano siya nabuntis? Kailan pa 'to?
"Yes, clarence..." Sambit niya habang umiiyak, "Sinong ama nito?" Tanong ko sakanya, nakita kong nagpatuloy ang pagtulo ng mga luha niya. Wala akong idea kung sino ang gagawa sakanya nyan dahil hindi naman siya umalis ng bahay.
"Yung kasama ko sa amerika dati, 'yung lalaking nagkagusto sakin, sumunod siya sakin dito sa pilipinas. Tapos nung time na umalis non akong mag isa at uminom sa bar hindi ko alam na nandon pala siya..." Pumunta siyang bar? Kailan 'yon? At bakit kasi kailangan niya pang umalis mag isa nandito naman kami.
"Tapos, alam ko pa naman kung ano ang ginagawa ko pero I can't control, hanggang sa nangyari na.." She said and she's crying.
Tumango ako sakanya at niyakap ko siya, kahit papano naman ay tinulungan niya ako, kahit papano siya ang nag aadvice sakin.
Pero naisip ko si coleen, na hindi pa rin nagrereply hanggang ngayon kaya pinagtext ko siya ng sobrang dami, pag hindi siya nag rereply magtetext na naman ako kaya kahit mapudpud ang mga daliri ko, Its okay.
--
COLEEN.
Naglalagay ako ng facial mask ko kanina ng biglang magtext sakin si clarence na kasama niya daw si jenica at pinakacheck up, para akong tanga nagkalat kalat ang facial kanina hanggang sa may tenga at leeg ko dahil sa inis, Nakakainis! Sobra sobra. Bakit ba niya kasama si jenica? Bakit kailangan siya pa ang magpacheck up sakanya? Wala bang parents si jenica? Bakit naman siya nagsusuka?
Inalis ko na ang facial mask sa mukha ko habang nasa harap ng salamin, medyo tinagalan ako sa pagtatanggal dahil sa sobrang higpit ng pagkakadikit. I replied to him, 'K' dahil sa sobrang inis ko, hindi ako nagseselos. Hindi talaga.
Katapos non ay in'explain naman niya bakit niya kasama si jenica pero nakakainis pa rin, bwisit na bwisit ako, Umupo ako ng padabog sa kama ko.
"Arghhhhh! Letse! Di ka man lang suyuin bwisit ka!!!!" Sigaw ko habang pagulong gulong sa kama, napatigil ako ng sunod sunod na vibrate ng phone ko.
Mabilis akong tumayo at kinuha 'yon at nakita ko na puro si clarence ang nagtext. Naka sampu pababa yata siya na text. Napangiti ako pero naiinis pa rin ako, binuksan ko ang mga messages at binasa isa isa.
Hubby:
Wifey, I'm sorry.
Wifey, I love you so much.
Wag ka ng magselos, damn.
Reply please.
Wifey, Mag eexplain ako.
Damn it! Ikaw lang ang mahal ko.
Okay, sasabihin ko na para hindi ka na magalit sakin.
Hanggang diyan lang ang text niya, teka anong sasabihin niya? Anong meron? Bigla akong kinabahan.
Nagvovomit si Jenica,
Kasama niya si Clarence,
Sasabihin na niya,
Napasigaw ako sa iniisip ko, Hindi pwede, hindi pwede ang naiisip ko! Malay ko ba kung stress lang siya? Pwede din na siya lang ang natawagan ni jenica? Argh!
Hindi ko alam na sobrang pag iisip ko na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at mabilis na tumayo papunta sa bintana para sarado 'yon.
Wala akong ganang pumasok ngayon, ayoko munang makita si clarence naiinis pa rin ako dahil hindi na siya nagreply, Nakakainis talaga. Kasama niya ba si jenica kaya hindi niya na ako nireplayan? Kinalimutan niya bang kausap niya ako? I hate this feeling!
"Wifey!" Shut up, don't wifey wifey me. I'm nagtatampo sayo!
Dire'diretso lang ako sa paglalakad, hanggang sa naramdaman ko na nakahawak na siya sa braso ko.
"Wifey, sorry... Please pansinin moko." Hinarap niya ako sakanya pero hindi ako tumingin sakanya at nakayuko lang ako. Ginamit niya ang daliri niya sa pag angat ng mukha ko. "Look at me, wifey.." Seryosong sabi niya, at tumingin ako sakanya at kita ko na seryoso din ang tingin niya.
"Ayokong nagkakagalit tayo wifey, nandito ako para magpaliwanag." Aniya, mabilis ko siyang kinunutan ng noo at tatalikod na sana pero nahawakan niya braso ko.
"Dun kana sa jenica mo!" Sigaw ko sakanya, kita kong kinagat niya ang labi niya parang nagpipigil ng tawa. "Tatawa kapa bwisit!" Sigaw ko sakanya, pero hindi ako makaalis dahil nakahawak si clarence sa braso ko.
"Hindi naman ako tumatawa." He said, nakita kong nagseryso ang tingin niya, "Tch. So what?" Masungit kong sabi sakanya, naiinis ako sakanya.
"Wifey.. Makinig ka nga muna sakin. Pag narinig mo na side ko, kahit wag mo na akong pansinin." Seryoso niyang sabi, "Okay, makikinig nako, explain." I said, Umupo kami sa isang bench dito, At tumabi siya sakin.
"Oo, dinala ko sa hospital si jenica at magkasama kagabi." Kinurot ko agad tagiliran niya.
"Tignan mo! Edi diyan kana sa jenica mo!" Naiinis kong sigaw sakanya, "Such a jealous girlfriend." He said, "Let me finish first." Dugtong niya.
"Dahil nagsusuka siya."
"Alam ko na 'yan kagabi pa!" At inisnaban ko siya, hinawakan niya ang kamay ko hinayaan ko na lang siya sa kamay ko.
"Patapusin mo muna kasi ako, lagi kang may side comment." He said, parang naiirita na siya.
"Fine!" Padabog kong sabi, Huminga siya ng malalim.
"At sinabi niya na buntis siya..." Doon ako napaupo ng maayos at napatingin sakanya, seryoso ang tingin pero parang may something e.
"Bu..buntis?" Nauutal kong tanong sakanya, mabilis siyang tumango, "Wifey..." Pagtawag niya sakin.
"Sinong ama?" Tanong ko, gusto kong takpan dalawa kong tenga para hindi marinig ang sasabihin niya, parang gusto kong magbingi bingihan.
"Diko kilala pero dating nagkagusto sakanya sa amerika." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya, Jusko! Halos mamatay nako sa kakaisip.
"Paano daw nangyari 'yon?" Nanlaki ang mga mata niya kaya kumunot ang noo ko.
"Sige tatanungin ko si jenica kung paano nangyari sakanila 'yun." Parang unti unting puzzle na nabuo sa utak ko, green minded? Kailan pa naging green 'yan?
"Hoy, anong tatanungin ang sabi ko bakit napunta dito 'yon lalaki?" Tanong ko sakanya, Tinignan niya ako ng seryoso.
"Bat mo ba tinatanong ang lalaki na 'yon!" Pasigaw niyang sabi, gusto kong matuwa, Now you know!
"Masama ba? Atsaka tanong lang naman." I said, masaya ako para kay jenica dahil magkakaanak na siya pero naiisip ko kung paano ang pag aaral niya, Home study nalang ba siya?
"Hindi ka man nga nagreply sakin kagabi!" Naiinis kong sabi sakanya, Tumingin siya sakin at inayos ang buhok niya.
"'Yung phone ko dahil sa sobrang pagmamadali ko sa pagsagot nahulog 'to sa pool namin. Im sorry wifey, Im loyal damn." Gusto kong matawa dahil nahulog 'yung phone niya kaya lang baka magalit kasi tinatawanan ko siya.
"Okay na ba tayo wifey?" Tanong niya, tumingin ako sakanya at tumango, selosa na kung selosa pero natatakot na mangyari ang hindi dapat mangyari. Ayoko ng mawala ulit si clarence sakin, natakot lang ako kaya ganon ang nareact ko sakanya.
"Ikaw lang ang aking mahal." Bulong niya sa may tenga ko, Namumula na siguro ako sa kinauupuan ko ngayon.
"Kahit anong gawin nila, hinding hindi ka nila mapapantayan sa puso ko." Pwedeng sumigaw? 'Yung tipong kaya kong magpagulong gulong, gusto kong sumigaw sa kilig.
Hindi ako sumagot sakanya, pinatong niya ang kamay niya sa left shoulder ko at sumandal.
"I love you so much, you're my everything."
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]