Chapter 19

68 2 0
                                    

Stranded

--

Nasa isang bodega kami ngayon, basang basa ang damit ko. Hindi namin alam kung hanggang anong oras titila ang ulan. Pumunta kami sa may sulok para hindi lamigin, Nakapatong lang ang baba ko sa mga tuhod ko at giniginaw nako.

Naramdaman ko nalang may damit na pumatong sakin, at nakita kong hubad na damit ni clarence. Napalunok ako ng makita ang katawan niya pero nagulat pa rin ako bakit niya binigay 'yon?

Kung ako nilalamig na ng may damit paano pa kaya siya na wala ng damit bukod sa jeans niya?

"Clarence..." Tawag ko sakanya kaya agad siyang napatingin sakin. Nanginginig ako sa lamig dahil bawat hampas ng hangin ay tumutunog ang mga yero at malakas ang ihip ng hangin sa labas.

"Yes? May gusto ka ba? Nilalamig kapa?" Tanong niya, bahagya akong tumango sakanya. "Hindi.. hindi ka nilalamig? Wa..wala kang damit oh.. Kai---"

"Shh.. I'm okay, kaya ko ang hangin." Sambit niya habang yumuko ng bahagya at inayos ang buhok niya.

"Pero---"

"No buts, mas importante ka coleen. Mas gugustuhin ko pang ako ang lamigin wag lang ikaw." Napanganga ako ng bahagya sa sinabi niya, biglang humangin ng malakas kaya nasarado ang pintuan.

Madilim na dito dahil isang lumang bodega lang ito sa tabi ng park medyo malayo sa kanina. Lumakas ang hangin kaya mas lalo akong nilamig, nakita ko si clarence na nasa sulok at nanginginig.

"Clarence!" Sigaw ko dahil hindi ako maririnig kapag hindi ako sumigaw sakanya, napaangat ang tingin niya sakin at nakita kong nanginginig na ang kanyang mga labi.

"Ma..may kailangan ka?" Nanginginig na tanong niya, mabilis akong umiling, tumayo ako sa may upuan at pumunta sa tabi niya. Nasa akin ang damit niya at suot suot ko 'to.

"You need this, clarence." Mabilis ko siyang niyakap, alam kong nagulat siya dahil medyo napatalon pa siya pero binaon ko ang mukha ko sakanyang dibdib, nakakabawas daw ng lamig ang body heat diba?

Hinaplos niya ang buhok ko sa isa niyang kamay, habang ang isa ay nayakap sakin. Medyo nawala ang panginginig niya at medyo tumitila na rin ang ulan.

Nakasandal lang ako sa dibdib niya, walang kumikibo samin dahil sa lamig na naranasan namin ngayon, Tumayo ako at Kinuha ko ang cellphone ko sa bag, Chineck ko ulit kung meron ng signal pero hanggang ngayon ay wala pa rin.

Pumunta ako sa may pinto habang nakataas ang cellphone ko animo naghahanap ng signal, pinihit ko ang doorknob pero ayaw mabuksan nito.

"Shit.." Bulong ko sa sarili ko, Napatingin ako kay clarence na natutulog na sa may sulok. Umiling nalang ako at bumalik sa tabi niya.

Sa tingin ko na stranded kami..

Nasa tabi niya lang ako at nakatingin sakanya habang siya ay nakapikit, Hindi na masyadong malamig kaya inalis ko ang damit niya at pinatong sakanya hindi siya gumalaw at nagsalita, alam kong hindi sanay na nagpupuyat si clarence kaya siguro tulog na siya.

Napangiti ako ng makita kong nakasama ko ngayon siya sa loob ng isang bodega na kami lang dalawa.. Hindi ko napansin na may tumulo na pala na luha sa mga pisngi ko, nakita kong gumalaw siya kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.

*(Play the music video, above)*

"What happend? Are you crying?" Tanong niya habang sinuot ang damit na nilagay ko sakanya. "Nothing.. Im not.." Sambit ko, pero kita ko ang pagtitig niya sakin kaya umiwas ako ng tingin.

"Coleen.." Unang salita na binigkas niya sa'akin, nagulat ako ng hawakan niya ang mga kamay ko at sinandal ako sa balikat niya.

"Hmm?"

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon