College life
Matapos ang ilan buwan na pahinga namin ay meron dumating na naman na pagsubok, ang college life namin sabi nila mahirap daw ang college kaya dapat mong pagbutihin ang pag aaral mo hindi ito katulad ng high school na magagawa mo ang gusto mo.
Pumasok ako ng st. gerald at naglakad papuntang hallway.
"Coleen!" Napalingon ako sa tumawag at nakita ko si aris na tumatakbo papunta sakin.
"Hi, aris. Pasok na tayo?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami, tumango lang siya at sumabay sa paglalakad sakin.
Habang naglalakad kami ay tumingin ako sa bawat paligid nakita kong ang gaganda ng mga babae dito, napatingin ako sa gawi kung saan medyo maganda ang tanawin nagulat ako may kausap na babae si clark. 'Yun ba 'yong nililigawan niya?
"Dito 'yong daan coleen." Natatawang sabi ni aris kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Pumasok kami sa accountancy room, ang sabi nila ina'arrange daw 'yung upuan dito. Pumasok ang prof. namin at pinatayo kami, nakita ko din na dumating na sila clarence at jenica, first day na first day late agad psh.
"Okay, I will arrange you." Ani ng prof namin at tumango naman ang lahat.
May mga nabanggit na siya na pangalan, kaya nagsi upuan na sila wish ko lang na hindi ko siya katabi at sana hindi kami sa may harapan.
"Aristotle Hanz Versailles and Jenica Marie Dizon." Nagulat akong napatingin sakanya, pero pokerface lang siya.
"Last, Miss Kein Coleen Villamar and Clarence Yvonne Roseller. Now sit down." Ani ng prof. napatingin ako kay clarence at nakita kong hindi siya nakatingin sakin.
Umupo ako sa tabi niya parang wala lang, hindi ako tumingin sakanya pero nakaramdam ako ng awkwardness. Tumingin ako kay aris at nakita kong nakatingin lang siya sakin at agad din siyang umiwas ng tingin.
Umiwas din siya ng tingin at kinuha ang cellphone niya sa bag at nagsaksak ng earphones sa tenga niya, may naririnig pa ako na kanta galing sa tenga niya, grabe nakamax volume pala 'to.
Buti hindi siya pinagbabawalan na maggadgets dito? Bakit kami bawal? Hustisya naman!
Natapos ang class namin at agad pumunta si aris sa'akin, nakakunot ang noo niya. Nakita kong tumayo na si clarence at inalis ang earphones sa tenga niya at lumapit sakanya si jenica.
"Honey." Psh, honey your face mukha kang bubuyog. Tsk.
Naglakad ng konti si aris hanggang sa may pinto at tumigil din siya, nasa loob pa sila jenica at clarence kaya umiwas ako ng tingin sakanila at tumingin ako kay aris.
"Paano nangyari 'yon? Sinabi ko na kay mr. gelo na tayo ang magkatabi." Umiiling na sabi niya. Napatingin ulit ako sakanya.
"Malay natin, hindi siya pumayag diba?" Sambit ko sakanya, umiling nalang siya at dumiretso sa paglalakad.
Pumunta kami sa isang cafeteria dito kung saan sabi nila ay magkikita kaming lahat, Wala naman kaming masyadong ginawa dahil siguro first day pero bukas baka bakbakan na ng homeworks, seatworks, or projects.
Natanaw ko na ang mga padating na ibang kasama namin pero kaklase lang namin sila jenica at clarence bakit hindi sila nakasunod samin? Kanina lang parang hinihintay lang nila kaming lumabas, baka hindi naman sila dito maglulunch?
Ngayon lang kami magkakasabay lahat na kakain dahil bukas ipo'post na ang schedule namin, magkakaibanh course kami kaya iba iba ang schedule namin.
Sila clark,terrence, ryla at gab ay Business manager sila dahil may mga company na sila. Sila hannah at hillary ay fashion designer ang gusto nila dahil mahilig silang mag ayos at mag drawing ng mga dress. Then sila xyrile, aze at tyler ay nagpilot ang tatlo. 'Yung mga kaibigan naman ni clarence ay hindi pa namin alam kung ano ang kinuha ng mga 'yon baka Chixmagnet major in pogi problem.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Lãng mạn#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]